On The Way

369 6 2
                                    

Ako si Junmark, nag aaral sa isang mataas na paaralan.

Sa dami ng pinagawa ni Ma'am Silvia, guro namin ako ay pagod na pagod. Nag rereklamo na ang mga kaklase ko dahil sa dami ng pinagawa, syempre kasama na rin akong nagrereklamo. Nagalit ang aming guro kasabay nito ay biglang tumunog ang bell bilang hudyat ng aming reses. Sinabi ng aming guro....

"Sige. Ipagpapatuloy nalang natin ang lahat bukas."

Natuwa kaming mag kakaklase. Sino bang hindi matutuwa sa sinabi ni Ma'am?
Lumabas kami at pumunta sa canteen para kumain. Pagkatapos namin kumain ay inaya ako ng tatlo kong kaklase na mag basketball.

"Tara Junmark, mag laro tayo ng basketball, 2-b-2 tayo." Sabi ng aking mga kaklase.

Pumayag ako kahit ako ay pagod.

"Sige" sabi ko.

Pagkatapos namin mag laro ay pumasok kami sa classroom para sa susunod na subject. Kaming apat ay pagod na pagod.
Pagkatapos ng subject na iyon ay tumunog ang bell upang kami ay umuwi.
Nagpaalam na kami sa aming guro at umuwi. Padilim na ng kami ay umuwi.

Lumabas ako ng school at kinuha ang bike ko para gamitin sa aking paguwi.
Nang napadaan ako sa madilim at lubak na daanan.
Nang biglang may dumaan sa aking harapan na naka puting matandang babae , mahaba ang buhok at dugoan ,nagulat ako at napa-preno at napasabi ng...

"Ay kalabaw, ano ba iyon multo? Sabi ko sa aking sarili.

Hinayaan ko nalang ito dahil ang akala ko ay dala lang ito nang pagka pagod.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon nang kailangan ko ng matulog. Nang nasa kalagitnaan ng aking tulog ay bigla akong nanaginip ng masama na hindi maipaliwanag at bigla akong napabangon.

Kinabukasan at ang mga sumunod pa na araw sa paaralan ay lagi akong tulala at laging mabigat ang katawan na tila may pasanpasan na katawan.
Kasabay nito lagi kong iniisip kung ano ba iyong nakita ko.

Simula noon ay nawi-wirdohan na sa akin ang aking mga kaklase.
Bumagsa rin ako sa bawat subject namin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note
Please don't forget to vote and comment for more horror stories.

Tagalog Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon