Chapy 10: Denied

72 5 0
                                    

(((Kendra's POV)))

"Kei, mag-uusap nga kayo, eh, bakit mo kami isasama?" Tanong ni Charms.

"Idea nyo ni Ken to diba, so dapat kasama ko kayo!" sagot nya "Kung hindi kayo sasama, hindi na lang ako pupunta" pananakot pa nito samin.

"Keira!!" Inis na sigaw ni Charms sa pangalan ni Kei kaya lahat ng mga taong nakatambay dito sa hallway, eh, napatingin samin.

"Okay fine, we're going!" Inis na sabi ni Charms.

"Good!" Malawak ang ngiting sabi ni Kei, napa-iling na lang tuloy ako sa itsura ni Charms.

Mamayang dinner kasi ipakikilala ni tita si Kei sa fiancé nya, at mamaya na rin sila mag-uusap, buti napapayag namin tong hard headed naming kaibigan.

Buti pa si tita ikakasal na, in fairness, may asim pa siya. Well, bata pa naman kasi talaga sya, she's only thirty six.

***

"Kei, nagtext na si tita, nandun na daw sila!" Sigaw ko nang mabasa ko ang text ni tita, pero itong si Kei, sinasadya atang tagalan ang kilos!

"Oo na, ito na nga, eh, excited Ken???" Pang-asar nyang sagot sakin.

"Tama na yan, lets go!" Tawag naman samin ni Charms na syang driver ngayon, kahit na kotse ni Kei ang gamit namin.

Halos 8 pm na ng marating namin ang isang high class restaurant.

"Taray naman, mamahalin tong resto na to, ah, Kei, rich man ata yung soon to be dad mo!" Mahinang sabi ko habang nakahawak sa braso nito, pero di nya ko pinansin at inirapan pa ko ng bruha.

"May reservation po ba kayo ma'am?" Tanong ng waiter ng makapasok kami.

"Yes, reservation for Miss Raven"sagot ni Kei, tumango naman ang waiter at sinabihan kaming sundan sya. Dinala nya kami sa dulong bahagi ng resto na mukhang pang private room, taray naman, mukhang masarap ang mga pagkain namin today, ah.

"Thank you" sabi ni Charms dun sa waiter bago kami tuluyang iwan nito.

Pagpasok namin tahimik na nagkukwentuhan si tita at ang lalaking mukha namang kasing edad nya lang rin. Well, they look good together.

"Hi tita, good evening po, sorry we're late" paghingi ko ng paumanhin kay tita sabay beso sa kanya, ginaya naman ni Charms at Kei ang ginawa ko.

"No, it's okay girls, take a sit first, parating na yung mga inorder namin" nakangiti nitong sabi kaya umupo na kami, "Gutom na ba kayo?" Dagdag nya pang tanong samin na inilingan na lang namin.

"Ah, hindi pa naman po masyado" sagot naman ni Charms. Buti na lang pabilog ang mesa, kaya napagitnaan namin ni Charms ang tahimik at kanina pa hindi umiimik na si Kei.

"By the way, girls I want you to meet my fiancé, Frank" masaya nyang pakilala sa lalaking katabi nya, ngumiti ito at tumango sa bawat isa samin. May itsura rin naman ang soon to be dad ni Kei, moreno at mukhang chick boy sya nung kabataan nya. "Hon, meet Charms and Kendra, my niece's best friends, and Keira, my favorite niece, the one I was telling you about" yung ngiti namin ay biglang nawala dahil sa narinig namin. Nagkatinginan pa nga kami ni Charms bago tignan si Kei na walang reaksyon.

"Nice to meet you girls" bati naman ng lalaki samin.

"There's the food, lets eat" sabi ni Kei nang isa isa isa nang nilalagyan ng platong may lamang pagkain ang harapan namin. How did she manage to act as if she's not hurt?

Halos ilang minuto ko munang pinrocess sa utak ko ang mga nangyayare, ang tinawag ni tita kay Kei at halos ang buong pangyayare. Natauhan lang ako ng marinig kong magsalita si tito Frank.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon