~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~>>>>>>>>
GIFT
(ONE SHOT)JESSICA's POV
Malapit na nanaman yung birthday ko. Makakakuha kaya ako ng regalo sakanya?
Jeez Jessica. Wag ka ng umasa. Kahit minsan hindi ka naman niya binigyan ng regalo simula nung mga bata pa kayo. Bakit pa ba siya mag aabalang bilhan ako?
Pero sa kaloob looban ko. Gusto ko talagang makatanggap ng regalo mula sa bestfriend ko, mula kay Gab.
~~~~~~~~~~~~~~
Today is Thursday, at sa Saturday na ang birthday ko. Wala namang pasok ngayon dahil sembreak na namin ngayon.
Nasa bahay lang ako ngayon. Nanonood lang. My parents went somewhere to plan my birthday celebration at bukas na ito. Sinabi rin nila na kukunin na nila yung gown na susuotin ko.
Gaganapin ito tomorrow evening hanggang midnight for the countdown to my birthday. Para namang new year yung birthday ko. It's my 18th birthday at dapat daw kasi, engrande ang party. At umuwi rin si Dad galing sa States just to celebrate my birthday with him. How sweet.
Then sa Saturday is my real birthday. Ginawa lang ni mom na friday yung event para makapag libot naman daw ako sa birthday ko kasama ang mga friends ko.
At ako, nakahilata lang sa kama habang nanonood ng movie sa laptop. Ka boring. Hindi na kasi nila ako sinama dahil baka daw mapagod lang ako.
Mas gugustuhin ko namang mapagod kesa sa nakahiga lang ako dito buong mag damag. Nakaka boring (=__=)
Habang nanonood ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Pinagbuksan ko naman ito at nakita ko ang maid namin.
"May bisita po kayo sa baba. Bestfriend niyo daw po"- maid
"Sige thank you. Paki sabi nalang na hintayin niya nalang ako sa baba"
Bago ko sinara yung pinto ay tumango naman yung maid. Sino naman kaya ang bwisita ko ngayon?
Pagkatapos kong makapag ayos ay bumaba na ako. Nakita ko siyang nakatalikod saakin habang tinitignan ang mga pictures sa sala.
"Ano namang ginagawa mo ditong hinayupak ka?"- natatawa kong sambit sakanya.
"Wala lang. Nakakaboring sa bahay kaya pinuntahan kita dito. Alam mo namang ang bait kong tao para samahan ka dito dahil alam kong wala kang kasama."-natatawa niya ring sambit.
"Langya ka Gab. Tumahimik ka nalang. Mababasag yata ang eardrums ko sa mga pinagsasabi mo. Hahaha"
Umupo na ako sa sofa at ini on ang TV. Hinayaan ko nalang siyang tumingin sa mga pictures. Gawain niya yan eh. Namana niya saakin. XD
"Kaya ako nandito dahil may gusto akong panoorin"-Gab. Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.
Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Feeling ko sasabog ang puso ko sa kaba anytime.
"Kung may gusto ka lang naman palang panoorin, eh bakit pumunta ka pa dito? Pati ba yung TV niyo inayawan ka na rin? Lol"-ako
Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya dahil naiilang ako. Mag Bestfriend nga kami pero lalaki parin naman siya. And one more thing......
May gusto ako sakanya. Sadyang manhid lang ang g*gong to.
"Ano yun? May feelings na pala ang TV?" Pangloloko niya.
BINABASA MO ANG
GIFT (ONE SHOT)
Roman d'amourIts a gift Her most awaited gift(s) in her life Given by HIM ~~~~~~~~~~~~~~~~~ ©clairemiereinia