Chapter 6: The Past

32 2 0
                                    



Yung tatlong chapter na sunod sunod ay iisang araw lang yun yung time na wala sila ng pasok, baka kasi maguluhan kayo. Thanks!😘

Enjoy reading....

___________

••••• MAXINE'S POV •••••

Dahil walang pasok mamayang hapon nag decide ako na pumunta muna sa park kung saan lagi kaming nakatambay... Dati..

Umupo ako sa bench na katabi ng puno kung saan ang paborito naming spot.

Pinagmasdan ko lang ang paligid naaalala ko ang nakaraan na masaya, walang problema at pulos laro lang kami nun.

At itong park na to, isa ito sa parte ng nakaraan ko masaya at masakit.

Flashback...

"Waahhh!!!"- sigaw ng isang babae, dahil sa isang lalake na nakabanga nya.

"Sorry"- sabi ng lalake at tinulungan nito ang babaeng tumayo.

Nang magkaharap ang dalwang ito, bigla namang napatulala ang babae dahil sa ganda ng mukha nito.

"O-okay lang"- sabi ng babae, at biglang may sumulpot na dalwa pang lalake na siguro ay kasingtanda nila.

"Dom sino yung sumisigaw?"- tanong nung isang lalake na medyo chubby, gwapo at malambing ang boses.

"Ahh, siya"- sabay turo ng lalake sa babae

"Huh? Bakit anong nangyari?"- tanong naman ng isa pa nilang kasamang lalake na payat, gwapo at astig tingnan.

"Ahh, kasi na bungo ko sya"- paliwanag ng lalake.

"Miss, sorry ha? Ako na nag sosorry para sa kaibigan ko"- sabi ng medyo chubby na lalake

"Okay lang naman hindi naman ako masyado nasaktan"- paliwanag ng babae.

"Ako nga pala si Julian"- pakilala nung medyo chubby na lalake

'Ah! Julian pala name nya'

"Ako naman si Jett"- pakilala nung astig na lalake

'Nice name'

"At ako naman si Dominic"- pakilala nung nakabanga sa babae

'Mukha naman silang mabait eh'

"Ahh, ako naman si Maxine"- pakilala ng babae dahil sabi nya sa sarili nya mukha namanng mabait ang mga ito

"Uhm? Friends?"- tanong ni Dominic

"Hmm okay friends"- sabi nya sa mga ito

------------------

Naalala ko nanaman kung pano kami nag ka kila- kilala yung panahong yun ang isa sa masasaya kong araw dahil nagkaroon ako ng kaibigan.

Pinikit ko ang aking mata para damahin ang hangin na tumatama sa balat ko.

Pag nandito talaga ako narerelax ako sa mga stress na nangyayari sa buhay ko, siguro dahil narin sa peaceful ang lugar na to at tahimik.

Naramdaman kong may sumikbay sakin pero hindi ko ito pinansin.

"Why are you here?"- nagulat ako dahil kilalang kilala ko ang boses nayun kahit tulog ako kilala ko ang boses na yun.

Minulat ko ang mata ko at tiningnan sya ng malamig.

"Masama?"- i ask coldly

Kung sana hindi nalang ako nasakatan, kung sana hindi nalang sya naging ganun at kung sana una pa lang sinabi na nya

Deep LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon