"Yes. That would be best. Will we be able to deliver the order?"
"Ofcourse sir. We will alsobe be able to receive additional orders since the expansion has been completed. With this, we expect our profit to increase by 80% before this quarter ends."
Beep... beep... beep.
"Very well... thank you. So is there anything else that needs my attention? None? Good. Lota, ipakipatong nalang sa lamesa ko anything that needs my signature. I'd like to read them first. Okey, adjourn. Have a good evening everyone, ingat sa pag-uwi! I'll see you all bukas."***
Beep... beep... beep.
"Yes couz, no worries, pupunta ako. Yes. Nanjan ba sila? I see. Okey. Let me up just pick my gift then I'm off to you. Sure. Seeyou!"Kaarawan ng pamangkin niya. Ito rin ang unang party na pupuntahan niya mula ng magsimula siyang mamuno sa kompanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat asahan ngunit isa lang ang pangamba niya, ang makita ang mga magulang sa parehong pagdiriwang. Malaki ang venue kaya maliit ang chance na makita niya sila pero ayaw niyang mag-bakasakali. Simula ng maaksidente sila ng best friend niya, hindi na niya nakausap ang mga magulang. Hindi naman niya inasahang kakausapin din nila siya dahil sa dami ng trabahong higit nilang pinagkakaabalahan kesa dalawin o kamustahin ang kalagayan niya.
Paakyat na siya sa pad niya para kunin ang regalo para sa pamangkin. Isa iyong laruan na pinaorder pa noya sa ibang bansa. Iyon daw ang gusto niyang matanggap mula sa kanya ng magkausap sila sa telepono isang linggo na ang nakakaraan. Naging masinop ang kanyang sekretarya, si Lota. Nagagawa nito ng paraan na mapabilis ang karaniwang nagtatagal o inaabot ng madaming araw. Kung hindi kaya ng rush na padala ay ito mismo ang lumilipad sa ibang bansa para gawin ang transaksyon. Makaling tulong ang pagkakaroon niya ng ganung empleyado sa dami at komplikasyon ng kanyang schedule.
Natuwa si Mark sa ganda ng pagkakabalot ng regalo. Nalungkot lang din siya na maalalang kahit minsan sa kanyang pagkabata, hindi siya nakatanggap ng ganoon. Nabalik lang siya sa wisyo ng muling magring ang telepono. Si Lota iyon, nagpaalam na aalis na. Mabilis siyang nagbilin at ibinaba na ang receiver. Nagpalit ng damit sa mas komportableng ayos. kinuha ang kahon ang susI ng sasakyan at bumaba na. Habang nasa elevator, napansin niya ang sarili sa repleksyon ng salamin. Malaki na nga ang pinagbago niya. Hindi na siya mukhang binatang patpatin. Malaking humubog sa katawan niya ang tuloy-tuloy niyang pagbisita, sa gym mula nang irekomenda ito ng kanyang doktor kasunod ng therapy niya. Nagbalik muli ang mga ala-ala ng kanyang pagpupursiging makabalik sa dating pangangatawan at lakas. Natapos lamang ito ng magbukas ang pinto sa palapag ng mga nakagaraheng sasakyan. Tinungo niya ang kanyang auto, sumakay at pinaandar ito paalis ng gusali.
***
Dinig ni Mark ang tugtugan ng mag-park ito sa pinakadulong bahagi ng parking bay. Napansin niyang may kapareho siya ng dala niyang sasakyan, parehong kulay, modelo at maging ang istilo. Kung hindihindi niya titingnan ang plate number, malamang maling sasakyan ang makuha niya.
Nasa bukana na ng resort entrance si Mark nang makarandam siya, ngna pagaalinlangang magpatuloy. Iisang hakbang nalang siya at nasa loob na siya pero tila pinipigil iyon ng emosyong bumabagabag sa kanya. Tatalikod na sana siya pagkatapos ipatong ang regalo sa counter ng receptionist pinagbilinan nang tawagin siya ng pamilyar na boses. Humarap siya ng pilit ang ngiti dahil tila nahuli itong patakas sa isang krimeng ginawa. Lumapit sa kanya at yumakap ng napakahigpit. Yakap na tila hindi niya maalala kailan niya huling natanggap mula sa iba. Higit siyang nanabik sa ganoong yakap. Gumanti siya ng parehong higpit at tumulo ang isang luha na namuo saa kanyang mga mata. Ikinagaan iyon ng kanyang pakirandam. Ang bigat na dala ng emosyon niyang nararadaman ay nawala at tuluyan ng napawi. Pinawi niya ang sarili niyang mga luha, kumalas sa pagkakayakap at nagsalita...
"Hi! It's been long Bes!..."
"Hehe, oo nga eh. Hindi ka nagparandam kasi... tara na sa loob?"
"Wait, here, HAPPY BIRTHDAY Bethanys! Tara? Hold Tito's hand na baby girl."
"Oww, there you are! You left your guest Bes, they were looking for you. You're suppose the blow the birthday candles now. Mark? You okay? You still got those in your cheek. Wipe them off couz. You don't wanna look like a teary clown tonight, would you? And you're not even funny at all. Buti you look clownish enough! Haha come. Naka-set na yung lahat. Everybody will be surprised to see you Mark!"
"Tito Mark, let's go..."***
"HAPPY BIRTHDAY BETHANYS..."
Clap... clap... clap!
Pagkatapos ng melodramatic messages ng mga magulang ni Bethanys ay nagsimula ng buksan ni Bes ang kanyang mga regalo, inuna niya ang bigay sa kanya ng Tito na higit niyang ikinatuwa at nagtatalon pa sa sobrang saya. Hindi na niya pinagkaabalahang buksan ang iba pang regalo dahil naglaro na agad ito. Sinakyan ang bagong pagulong at inikot-ikot ang paligid ng lugar sakay ang kanyang bagong laruang debaterya. Tuwang-tuwa naman siyang hinahabol ng iba pang mga kaedaran na lulan naman ng kanila-kanilang mga sariling laruan.Nawiwili naman pinapanood ni Mark ang pamangkin habang naglalaro ito na maya't maya ay kumakaway sa kanya. Ngingitian niya naman ito at susundan ng tingin kung saan na liliko at paslit. Hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng pinsan at kinalabit ito. Humarap siya at nahagup ng tingin ang isang binata. Napakagalanta niya sa costume niyang prinsipe. Kinikilala niya ito ngunit hindi niya mamukhaan ng maayos. Parang kilala na niya ngunit hindi niya mawari kung sino ito sa mga nakilala na. Dahil sa labis na interes at pagkakatitig, hindi na niya napapansin ang pinsan na nagsasalita at nagkukwento habamg nagtuturo ng kung sino-sino sa mga bisita niya.
"Hey, Mr. Clown... Mark! Hoy Mark! Kanina pa ako nagsasalita eh. Hindi ka namanpa pala nakikinig. Sino ba yang tinitignan... wait, ohh! Yes. Yes. Yes. Nagkakilala na ba kayo? You'll be surprised couz. Come... papakilala kita!"
"Ha, what? Wait... what?"
"Ipapakilala kita, come. Dali na couz, you see... this is what I was trying to tell you about... "
"Ma! Mama!"
"Oh baby, yes. What's wrong? Did your toy broke down? Where is it? Couz, for a while ah. I'll be quick. Huwag kang tatakas! Come Bes, nasaan yung toy mostory let's fix it."
"Mommy, nag-stop kasi, I think the battery has gone drained. You think I can still work? I can still play with it diba mommy?"
"Oh, baby... oo naman, we'll just recharge it okay? Nasaan na ba?"
"I left it there..."Mabilis na nakalayo ang mag-ina at naiwan si Mark. Naupo siyas sa hindi kalayuan para madali niyang matanaw ang lalaking tinatanaw at pinagmamasdan. Tila kilala niya iyon pero hindi niya mamukhaan o maalala kung kailan niya ito nakita. Nataranta naman siya sa pagkakaupo ng bigla itong humarap sa direksyon niya ang nahuli siyang nakatitig dito. Ngumiti lang ang binata ng makitang aligaga si Mark pagkakatapon ng punch sa lamesa dala ng pakakataranta. Nang malinis ni Mark kalat, wala na ang binatang sinusubaybayan. Sinubukan niya itong hanapin pero hindi na ito mahagilap. Nakarandam siya ng uhaw at tinungo ang buffet table. Pagkakuha ng inumin, aatras na sana siya ng makabunggo ng bisita. Natumba iyon at hindi niya inaasahang ang prinsipeng minamasdan niya ang kanyang tutulungan makabangon sa pakakaupo. Inilahad niya ang kamay pagkalabag ng baso sa lamesa para tulungan ang lalaki. Nagalangan pa ang lalaki sa pagtanggap ng tulong pero kinuha din niya angnan kamay ni Mark at binatak iyon para tulungang itayo ang sarili.
"Sorry about that. I hope I haven't ruined your costume."
"No, thank you. Have a good evening. Again, thanks..."
"I see you met him..."
"Hi couz, yeah, I guess. Na-atrasan ko siya and he fell so I helped him up. I didn't get his name though. Who is he?"
"Say what? You didn't recognize him... at all?"
"What is that suppose to mean? I mean is there something going on that I am not aware of couz? Anything at all?"
"Leny! Mark! Hi... kamusta na?"
"What! Tita Joane? Where's Tito Sepht? When did you guys arrive? Have you eaten?"
"Well, kasama niya ang parents mo, they are talking about the expansion. Your parents have been training your Tito Sepht to lead the expansion next year. They are still on the meeting. Tumakas lang ako..."
"Couz, let me leave you both for a while. I'm just gonna get something okey?"
"Hey, Mark. It's great to see you again, anak. Have you seen your best friend? Nandito siya eh..."
"I'll catch up later Tita..."
YOU ARE READING
The Pain To Remember
AcakSometimes, when the pain is too much we would want to forget it. But like all memories, we will miss it naturally. "No matter how hard I try, I can't forget you...The best things happen by chance" -Dory, Finding Dory