"Hoy! Samantha! Ano uli ang sinabi mo? Kayo na ni Kent?!" Nanlalaki ang mata na tanong sa akin ni Zia.
"Oo. Bakit? Masama ba?"
"Hindi naman sa ganon... kaya lang...."
"Kaya lang ano?" Nararamdaman ko na kung ano ang sasabihin ng kaibigan ko.
"Kasi diba parang nung nakaraan lang umaatungal ka sa akin dahil may girlfriend na si Aldrin? So ano to? Dont tell me....?"
"Ano ka ba? Mahal ko naman si Kent. Hindi ko naman siya basta basta sasagutin para lang makalimot. Nakalimot na ako girl. And its because of Kent. You didnt know how he made me feel so complete." Totoo naman ang sinabi ko. Matagal nang nanliligaw sa akin si Kent. Hindi ko lamang siya pinapansin dahil wala ako ibang tinitignan ng mga panahon na iyon kundi si Aldrin. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit kailan hindi siya sumuko sa akin. Siya ang nagpasaya sa akin sa mga panahong malungkot ako dahil kay Aldrin.
Si Kent... lagi siyang nandyan para sa akin. Maalaga, sweet, kalog... kaya naman naging magkasundo kami. Madalas kami mag-videoke na dalawa. Minsan nagpupustahan kami sa mga taong nasa paligid namin. Kung sino matalo may pitik sa noo. Kaya naman hindi ko maikakaila sa sarili ko na masaya ako lagi sa tuwing kasama ko si Kent.
"...baka lang naman kasi... nakikita mo si Kent bilang pantapal dyan sa sugatan mong puso. Lam mo naman friend... there are many ways to move on." Sabi ni Zia sa akin
"Lam mo girl, hindi naman ako ganon. Trust me. I know the feeling of being hurt. And I wont let that to happen to Kent. Hindi niya deserve ang masaktan" sagot ko sa sinabi ni Zia
"Ok sige na talo na ako. Kamusta na nga pala si Aldrin?"
"Ahh yun? Wala na ayun hindi na nagparamdam mukhang nakakulong na sa jowa niya hahaha..."
"Pano kung halimbawa Sam... nalaman ni Aldrin na may boyfriend ka na tapos naapektuhan siya?"
"Panong maapektuhan?" Tanong ko kay Zia
"Maapektuhan... yung alam mo na...? Kasi diba matagal na rin na hindi ka nagkaboyfriend.. tas nung mga panahon na wala rin siyang girlfriend mas madalas kayong dalawa ang magkasama.. to the point na inaakala na ng lahat kayo ang mag-boyfriend. Eh diba halos ikaw na nga ang gustuhin ng nanay niya na mapangasawa ng anak niya? Pano kung bigla niya marealize na ikaw pala ang gusto niya?"
"Gaya nga ng sabi ko sayo. Si Kent pa rin ang pipiliin ko. Anyway, malabo rin naman yang naiisip mo." Tanging naisagot ko na lang kay Zia
"Sus! Malay mo naman... madalas pa naman kung kailan may iba ng gusto yung dating nagkakagusto sayo dun mo lang makikita kung gaano siya kahalaga sayo... malay mo biglang mabaliktad sitwasyon niyong dalawa diba?" Pamimilit ng kaibigan ko..."Nako Zia! Tigilan mo na nga iyan... kung anu ano na naman pinagsasasabi mo dyan..." Ayoko na mag-isip ng kung anu ano sa mga sinasabi ni Zia. Unfair para kay Kent kung gagawin ko lang siya na panakip butas sa sakit na naranasan ko kay Aldrin. Wala siyang ginagawang masama sa akin.
"Oo na sige na... titigil na ako" taas kamay pang sabi ni Zia.
Napailing na lamang ako sa kanya. Maya maya tumunog ang cellphone ko. May nagtext galing sa isang number na hindi nakasave sa phone ko.
"Kamusta ka na? May boyfriend ka na pala kaya pala hindi mo na ako kinakamusta."
Hindi ko na lamang pinansin ang estranghero na nagtext sa akin. Kahit kailan hindi ako nagrereply lalo at hindi ko kilala ang nagtetext sa akin.
"Oh bakit? Sinong nagtext?" Napansin ni Zia na nakakunotbang noo ko na binabasa ang text.
"Hindi ko nga alam. Number lang eh." Pinakita ko ang screen ng phone ko.
"Eh bakit hindi mo replyan?" Tanong ni Zia.
"Kelangan pa ba? Siya ang nagtext, siya ang dapat na magpakilala kung sino siya."
"Sus! Alam mo buti na lang matyaga yang si Kent sa panliligaw sayo. Kundi siguro baka ngaun wala ka pa ring jowa sa pagkasuplada at kasungitan mo...hahaha..."
"Uy! Walang personalan... grabe ka ah hahaha..." maya maya tumunog na naman ang phone ko. Nagtext na naman siya.
"Talaga bang nakalimutan mo na ako?" With sad face emoticon.
"Ano ba to? Baliw ba to?"
"Eh kasi replyan mo. Tanungin mo kung sino siya para matapos na."
Wala akong nagawa kundi sundin ang aking kaibigan.
"Sino to?" Ang naisagot ko sa mistery texter. Wala pang isang minuto nagreply agad siya.
"Si Aldrin to. Ito nga pala ang bago kong roaming. Kamusta na kayo diyan. Pakisave na lang ang bago kong roaming. Miss na kita sobra!"
Napahagalpak ako ng tawa ngunit mas malakas ang tibok ng dibdib ko sa nabasa ko. Bakit biglang nagparamdam ang taong ito ngayon sa akin.
"Oh bakit? Sino ba yan?" Tanong ni Zia
"Si Aldrin daw... himala nga at biglang nagparamdam."
"Eh bakit ka natawa?"
"Basahin mo... " pinakita ko ang screen ng phone ko para mabasa ni Zia ang reply niya.
"Hahahaha baliw talaga yang ex-love mo eh noh?"
"Anong ex-love? Isa ka pang baliw?"
"Ay bakit? Nakalimutan mo na bang minahal mo yan? Or dont tell me love mo pa rin?"
"Heh! Tara na nga at umuwi na tayo. Mamaya ko na lang rereplyan itong isang to"
At nilisan na namin ang paborito naming coffee shop na madalas din naming tambayan na magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Paano nga ba mag-move on?
RomancePara sa mga taong gustong magmove on.. ayaw magmove on.. pamoveon na nahurt pa rin...