Chapter 17: Runaway with HIM

131 0 0
                                    

“(pagharap ni Schai) Aki?!”

“bakit ka nandito?!” sabay nilang nasabi sa isa’t isa.

“(hinawakan ang kamay ni Aki na parang nagmamakaawa) Aki, tulungan mo naman akong makatakas dito, please? Sige na, mamaya ko ipapaliwanag sa’yo kung bakit.”

“ha? bakit ba? May humahabol ba sa’yo? Teka, bakit ka umiiyak?” curious na tanong ni Aki na tila natataranta na.

“promise, mamaya ko ie-explain sa’yo, ilayo mo muna ako dito please? May dala ka bang kotse?”

“ha? ah, eh, oo. Bakit?”

“tara na. dali!” tumakbo si Schai hatak hatak si Aki.

“Schai! may humahabol na sa’tin!”

“dalian mo! kahit na anong mangyari, wag kang magpapahuli. Please.” At natakasan na nga nila yung mga humahabol sa kanila.

Habang nag-uusap ang mommy ni Schai at si tita Christy,

“ma’am, nakatakas po si Schai, may kasamang lalaki.” ang sabi ng guard sa mommy ni Schai.

“what?! Totoo ba yang sinasabi mo?” gulat na tanong ng mommy ni Schai.

At may biglang dumating na lalaki pang isa, siya yung nakita ni Schai na napagkamalan niyang ipagkakasundo sa kanya.

“tita, kasama po niya si Aki.”

“talaga?” nagkatinginan ang mommy ni Schai at si tita Christy.

Agad agad namang dumating ang daddy ni Schai at ang kaibigan nito.

“hayaan na muna natin sila, mas okay yun! Para mas makilala pa nila ang isa’t isa.” Ang sabi ng isang lalaki.

“alam na ba ni Hideaki na ipagkakasundo siya?” tanong naman ng daddy ni Schai.

“hmm, may idea na siya tungkol dito, pero hindi pa rin niya siguro alam na si Schai ang mapapangasawa niya.” Ang tanging nasabi naman ni tita Christy.

Habang nasa kotse na sila, medyo malayo na sa resort, nag-pull over muna si Aki.

“Schai, baka naman pwede mo ng ipaliwanag kung ano ba talaga ang nangyayari?”

“nandun ako dahil may plano ang parents ko na ipakasal ako. Sa taong hindi ko kilala! Sabi nila, schoolmate ko daw siya. Ni- pangalan, ayaw nilang ibigay!” naluluhang paliwanag ni Schai.

“nako, chill ka lang, wag ka nang umiyak, nakita mo na ba yung guy?”

“oo, ata. Ewan ko. Kasi kanina, may nakita ako na lalaki kanina, yun ata yun eh.”

Nagstart na ulit mag-drive si Aki…

“sorry Aki ah? kung naistorbo pa kita.”

“ah, wala yun.” Nakangiting sagot ni Aki kay Schai.

“ano nga palang ginagawa mo dun sa resort na yun?”

“ha? may inabot lang ako sa mommy ko, naiwanan niya. may ka-meeting kasi siya dun.”

“ah. Aki, wala ka bang balak pumasok ngayon?”

“ha? wala. Ikaw?”

“wala, nawalan ako ng ganang mag-aaral, ipapakasal din pala agad ako sa isang stranger. Aki, okay lang ba kung, samahan mo muna ako? Please? Ngayong araw lang.”

“hmm, okay lang, tutal naman, wala ring magawa sa bahay eh. sige.”

“thank you ah. wala kasi akong ibang malapitan ngayon, nasa school naman sila Nadine.”

“okay lang yun, so saan mo ba balak pumunta ngayon? Wala kang kadala dalang bag na umalis.”

“kahit saan. May dala naman akong pera, don’t worry, ako ng bahala sa gas mo. and sa food natin.” Nakangiti niya itong sinabi kay Aki.

“wow ah! libre lahat! Ngayon lang may nanlibre sa’kin ng ganito ah!”

“ikaw kasi eh, hindi ka sumasama sa mga gala namin nila Arkin, nila Caleb. (napatingin si Aki ng marinig ang pangalan ni Caleb, naalala niya kasi yung sinabi ni Caleb about kay Schai, na crush niya ito.) Minsan tuloy, iniisip ko, galit ka sa’kin.”

“ha?! hindi ako galit sa’yo ah. bakit mo naman nasabi?”

“kasi, kapag wala ako, sumasama ka sa mga gala nila. Kapag ako naman ang nagyayaya, hindi ka sumasama.”

“nagkakataon kasi na, medyo busy ako.”

“busy sa katutulog. Hahahah!” pabirong sabi ni Schai.

“medyo.” Pangiting sagot naman ni Aki.

“gutom ka na ba?”

“hindi pa naman, ikaw?”

“hmm, oo eh, sila mommy kasi, ang aga aga akong ginising, hindi man lang ako pinagbreakfast muna bago umalis.”

“sige, kain muna tayo, saan mo ba gusto?”

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon