Nasa loob na kami ng mall pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nalaman ko. Para kong zombie na naglalakad ng walang patutunguhan, if it's not because of Kiann na kinakapitan ako sa bewang malamang kanina pa ko napahiwalay sa kanila.
Hindi kasi talaga mawala sa isip ko yung mga nalaman ko at hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Makikipagbati na ba ko kay Nikka at Axel? Sa totoo lang I missed her so much pero si Axel? I really don't know what to do. Nagtatalo ang puso at isip ko kung patatawarin ko ba siya o hindi, kung ise-set aside ko muna yung nararamdaman ko for him.
" Hi Miss, pwede ba malaman name mo? " Napakislot ako ng biglang hawakan nang isang lalaki yung braso ko.
Asan na yung mga kasama ko? Masyado na ba kong nalunod sa pag iisip kaya di ko namalayang napahiwalay ako sa kanila? Pero kanina lang hawak pa ko ni Kiann eh.
Luminga linga ako para baka sakaling makita ko sila but there's no sign of them.
" Miss naghahanap ka ba ng kasama?Pwede naman kami. " Alok sakin nung lalaki na until now nakahawak sa braso ko.
Pinalis ko yung kamay nya dahan dahan. " No. I am actually with my friends. Thanks. "
" Pero kanina ka pa mag isa. Nakatulala ka lang habang naglalakad. " Sabi pa rin nung lalaki.
Talaga bang magsolo lang ako? Pero hindi eh, kanina lang nararamdaman ko pa yung kamay ni Kiann sa bewang ko. Ano yun? Iniwan nya na lang ako basta? Imposible yun.
Humawak ulit yung lalaki sa braso ko. Nasasanay siya huh? "Look Miss pwede ka naman saming sumama kung naghahanap ka ng makakasama."
" We're harmless naman Miss eh." Singit nung lalaking maitim sabay tawa kasama nung dalawa pa niyang kasama.
Apat sila actually, ung lalaking mukhang hapon na 6 footer yata ang height na nakahawak sa braso ko, yung maitim, tapos yung chubby at yung isa naman mukhang Korean dahil sa pormang K-pop nito.
" No but thanks. I'm with my friends " Giit ko. Pinipigilan ko ang magtaray dahil baka mamaya may masamang gawin sakin tong mga to. Solo lang kaya ako! Nasan na ba kasi sila?
" But as we see, you're on your own. Wala naman kaming masamang gagawin sayo eh... Mag hahang out lang naman tayo. " Pilit pa rin sakin nung 6 footer na mukhang hapon.
Naramdaman kong pinipisil pisil na nung lalaki yung braso ko. Tapos yung maitim tinitingnan ako mula ulo hanggang paa habang nakangisi. Kinakabahan na tuloy ako.
" Look! Ang sabi ko may mga kasama ako, so please stop bothering me? And will you get off your hands on me? " Pagtataray ko habang inaalis ko yung pagkakahawak sa braso ko. Kaso lalo pang hinigpitan nung lalaki yung hawak nya sa braso ko.
" Ano ba? Sabi ko bitawan mo ko!"
" Wag ka na kasing pakipot miss. Sumama ka na samin! " Pamimilit pa rin nung lalaki habang unti unti na kong hinihila sa kinatatayuan ko.
God! Malakas siya kesa sakin. Hindi naman mahahalatang pinipilit ako dahil yung tatlong kumag natatakpan kami at halos nasa corner kami kaya hindi kami halos pansin! Ngayon ko lang napansin na malapit kami sa fire exit ng mall kaya pwede talaga nila kong hilahin ng hindi napapansin at don idaan sa fire exit. Nanginginig na ko sa takot pero nagpupumiglas pa rin ako.
" Bitawan mo ko sabi! Hindi ako sasama sa inyo! "
Hindi nila ko pinansin, patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sakin. Naiiyak na ko sa sobrang takot. Wala man lang bang makakapansin sa ginagawang pang ha-harass sakin ng mga to?
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Ficção AdolescentePlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...