Nagmamadaling umalis si Mark sa resort. Hindi siya nagpaalam ng maayos sa pamangkin o sa pinsan o kanino mang nakakakilala sa kanya. Lalo na sa magulang. Natuwa siyang makita ang Tita Joane niya dahil ibig sabihin noon ay maitatanong na niya kung nasaan ang best friend niya. Lalo siyang naexcite ng sabihing nandun ang nga kaibigan ngunit napalitan iyon ng galit ng matanaw na palabas sa isang cottage ang mga magulang at ang ibang executives kasama na si Tito Sepht niya. Hindi pa siya handa para makita ang mga ito. Hindi siya handang ibalik ang lahat ng hinanakit na meron siya para sa mga magulang at tuluyang tanggapin na parte iyon ng kanyang pagkatao.
Bumabalik ang mga ala-ala. Ang gabing nagdala sa kanya ng sakit na pilit man niyang kalimutan ay nagdudulot sa kanya ng pag-asang baka sakaling may mabago pa. Na kapag nagkaroon ng tamang pagkakataon, matutunan niyang patawarin ang sarili sa sisi na dulot ng aksidenteng iyon sa kanila ng kanyang kaibigan. Higit sa sakit na dulot ng pagsisi dahil sa pagkakahiwalay ng landas nilang magkaibigan ay ang pagkukulang niyang hanapin ito. Ang kakulangan niya ng lakas ng loob na patawarin ang mga magulang sa hindi pagbibigay ng sapat na atensyon sa kanya sa mga panahong kinakailangan niya. At sa kababawang dala ng takot na mag-isa. Na wala nang kayang magmahal sa kanya. Na maging ang kaibigan niya na pinakamatalik ay hindi na niya nakita pang muli. Hindi alam ni Mark kung ano ang meron siya. Kung anong uri ng kalungkutan ang napili niyang gawing kulungan. Hindi niya alam kung anong uri ng halimaw ang napili niyang katakutan. Higit sa lahat, hindi niya alam kung anong kakulangan ang hinahanap niya gayong mayroon siya ng halos lahat ng yamang nanaisin. Sa lalim ng iniisip, hindi inaasahang napadpad siya sa bar kung saan sila huling nagkasama ng kaibigan. Kung saan niya rin ito huling nakausap, natunghayang nagpatak ng luha, ngumiti, nayakap at nakita...
Ipinarada ni Mark ang sasakyan sa bakante espasyo sa tabi ulit ng kaparehong sasakyan niya. Tila nagulat si Mark na sa pangalawang pagkakataon, nakakita ulit siya ng kaparehong sasakyan na dala niya. Pababa na si Mark ng mag-ring ang telepono niya ngunit minabuti niyang hindi sagutin iyon. Iniwan niya ang telepono sa sasakyan bago siya lumabas at nilock ang pinto.
***
"Good evening boss! Dito po."
"Good evening, mag-isa lang ako pero pwede bang dun ako saa vip couch? Paki-abot nalang to sa manager para hindi ka mahirapan magpaliwanag."
"Sige po Sir Mark Esteban. Dito po. Sir, ano po ang order niyo? Bahala na ng manager niyo. Salamat."
"Sige sir, excuse me po. Enjoy your stay."Makali ang pinagbago ng lugar. Wala ang dating upuan na pinwestuhan nila ng best friend niya. Lumawak ito at ganun din ang sayawan. Naalala pa niya ang mga pangyayari ng gabing iyon maging ang dahilan kung bakit sila napunta ng best friend niya sa bar na iyon...
"Hello bes... bes. Punta ka mamaya sa bar ha, sama ka. Di kaya sumama ka nalang sa amin sa mall. Lalabas kami ni Choi. Nandun din naman si Tim. Sama ka please!"
"Sige bes. Sasama ako pero hindi ako iinom kapag sa bar na ha."
"Bes, nandito na ako. Hello...San kayo banda? Mark...? Akala ko kayo na ni Choi... bakit?"
"Be...s! huhuhu. Akala ko kaya ko. Hindi pala. Ang sakit pala bes na makita siyang masaya sa piling ng iba. Akala ko kapag kinaibigan ko siya titibay pa lalo ang nararandaman niya para sa akin. Hindi pala. Huummpf huhu..."
"Bes, ang pangit mo umiyak jan sa pwesto mo. Punasin mo na yang sipon mo. Mas madami pa sa luha mo eh. Dali na. Nakaikot na ako galing akong taas e akala ko nasa arcade kayo...Nandito na ako sa likod mo. Dali na bes, umayos ka na. Sabay na tayo lumapit. Tara bes."
"Mark... tara na. Bes, wait... may natira pa oh. Saglit."
"Bes, wait. Huwag nalang. Tutal nageenjoy na rin naman sila. Tara nalang sa bar. Magdadahilan nalang ako. What do you think...? Hmmm?"
"Okey, dala mo ba sasakyan mo? Nagcommute lang ako papunta dito eh."Hindi iyon sinagot ni Mark. Tumalikod lang ito at nagsimulang lumakad. Naguluhan lang ang kaibigan niya habang nagbigay ng huling sulyap kina Choi at Tim habang naglalampungan sa yelo. Napangiti pa ito ng madulas si Choi at nahila si Tim na bumagsak sa dibdib niya. Pagkatalikod niya, hinihintay pala siya ni Mark. Nahuli niya ang mga patak ng luha na pilit pinipigil ni Mark. Nagsimulang umagos ang mga iyon habang papalapit siya, tumalikod ito at tinuyo ang ang sariling luha na parang batang paslit. Nasaktan din naman siya na nakikita ang kaibigan sa ganung sitwasyon. Pero wala siyang magawa kundi ang suportahan nalang ito at damayan. Kahit siya mismo, may sariling pinagdadaanan...
YOU ARE READING
The Pain To Remember
RandomSometimes, when the pain is too much we would want to forget it. But like all memories, we will miss it naturally. "No matter how hard I try, I can't forget you...The best things happen by chance" -Dory, Finding Dory