Narandaman ni Mark ang mga haplos na iyon. Dama niyang maingat siyang hinawakan. Sa bawat dampi ng mga dariling iyon nanumbalik ang kanyang maliligayan ala-ala. Sa mga ala-alang iyon kasama ang kanyang best friend. Hindi niya napigilang ang sarili ng hawakan nito ang kanyang tenga at nilaro ito. Inakala niyang ang katotihanan y panaginip at nagtangkang tawagin ang nawalay na kaibigan... "Joannes, bes."
Walang sumagot sa kanyang pagtawag ngunit ang yakap na iyon, sapat na para maniwalang nahanap na niya ang kaibigan. Yumakap siya pabalik higit na mahigpit at may pag-iingat. Sa kanyang pagbitaw ng matamis na ngiti, kahit nakapikit ay pumatak ang isang luha. Luhang nagdala ng kabigatan ng loob at pagsisi, hinanakit sa mundo at sa sarili. Sa pagkatuyo ng dinaan nito ay tila nakawala rin siya sa takot na pinagtaguan niya. Nakarandam siya ng laya. Malaya na siya...
"Good morning, Mark!"
"Ummm. Good morning ,Be... Ammm John."
"Breakfast? Magluluto ako."
"Lunch na ata. Hehe brunch!"
"Hahaha! Get up. Wait, huwag pala muna. Stay there. Haha... Here, use these. Don't worry bago ang mga yan. Just bought them yesterday."
"Inaasahan mo ata ito eh, napaghandaan mo kaagad."
"Haha! Nope. Sige na magbihis ka na. Nasa kitchen ako if you need me."***
"Hmmmm. Ang bango. Ano yan? John, kasya sa akin yung sando mo sinuot ko muna ha. Kumuha lang ako dun sa damitan mo. Boxer lang kasi inabot mo eh nakakahiya maglakad ng nakahubad puro salamin pa naman haligi nitong unit mo."
"Sure. Haha ayaw mo nun. Madaming maaakit na owners kasi may naglalakad na Adan at half-naked pa. Upo ka na jan. Try these. Help your self sa coffee galing yan sa cafe niyo..."
"Huh?"
" Ah eh wala... Here, use this mug."Sinalinan ng kape ni John ang itim na mug. Sa hindi inaasahan habang ginagawa niya iyon ay napansin si Mark ang peklat sa braso nito. Nagtaka siya dahil pamilyar ang mga iyon. Hindi niya lang ito binigyan ng higit ma atensyon dahil mabilis na tumalikod si John para ahunin ang mga hotdog sa lutuan. Nang mailapag ito sa tabi ng kanyang mug, napansin niya ang mga pictures na bumakas habang nawawala ang itim na tinta sa paginit ng baso... Natigilan naman si John ng mapansin din iyon. Tatangkain niya sanang takpan ang mga iyon ngunit naunahan siya ni Mark at unang nahawakan ang mug. Iniangat nga iyon para eksaminin ang mga litrato at nagulat siya sa mga iyon... tumingin siya kay John at napansin ang isa pang peklat sa banda kilay nito. Nagulat siya at nagtaka... biglang pumatak luha niya.
"Joannes? Pero... Bakit? Paanong...?"
" Hi Bes. Hehe. Sorry. Mark... Sorry."Wala nang sumunod na imik pagkatapos ang mga salitang iyon. Pinatay lang ni John ang kalan at yumuko na ito. Hindi na niya matignan ng kaibigan sa mata. Umagos nalang ang mga luha niya at isa-isang pumatak ang mga iyon sa mainit na burner. Walang ingay na maririnig kahit tuluy-tuloy ang singhot nila. Binalot ng katamihikan ang buong unit. Walang nagsasalita. Naputol lamang iyon ng tumunog ang timer ng oven na ikinagulat ng kanilang sistema. Naghanda ng pot holder si John para kunin ang ininit na sabaw at inilapag ito sa harap ni Mark.
"Bakit hindi ka nagparandam bes. Bakit mo ako iniwan mag-isa?"
"Nandun ko bes. Hindi mo lang napansin. Tulad ng mga pagkakataong kinailangan mo lng amg presensya ko dahil nakakarandam ka ng lungkot at kailangan mo ng karamay. Bes, alam mo ba, isa ako sa mga naging nurse mo. But you never recognized me then. Akala ko kung naging maganda lang ang ayos ko o di kaya may trauma ka lang kaya hindi ka agad nakaalala. Pero bes, kahit ganun, hindi ako sumuko. Nauna ako nakarecover sa iyo. Pero dahil sa nangailangan ako ng operasyon, umalis ako at dinala ako nina mama sa America. Mabilis lang din ang paggaling ko kaya bumalik agad ako para bantayan ka at alagaan habamg nasa coma ka pa. Nung dumating ang Lola mo, nagkausap kami. Naipagtapat ko sa kanya ang dahilan kung bakit kita binantayan at inaalagaan. Kaso bes. Ang sama naman ng biro sa atin... tigas ng pagkabakla mo e. Maganda naman ako nuon di ba bes? Pero hindi mo ko makita kasi sa mga lalaki ka lang tumitingin."
"Bes..."
"Sabi ko bes sa Lola mo, ako na ang bahala sa iyo. Baka sakaling paggising mo eh babae na magustuhan mo kaya nagpaayos ako. Nasunog ako sa pagsabog eh. Mabuti naibalik pa ng siyensya ang ganda ko. I thought then that I'd get a shot of your attention but you didn't even recognized me. I tried to forget the feelings I had for you bes, just focus on helping you get well but no matter how hard I tried to limit my feeling, things seem to feel better that gives me hope. That by chance, the best things will also come for both of us. But then as long as I'm not the kind na ikatitibok ng puso mo. You'll never see me like the way you saw all those boys. Bes, do you remember Leo? He was nice. He helped me become like you. He knew a doctor na makakatulong sa akin. To make me the guy you can also give chance to fall for. The guy na baka pwede mo ding halikan like you did Leo. The guy na pwede mo ding yakapin at hawakan tulad ng mga nakilala mo. Bes, I suceeded naman di ba? But still, I failed to make you recognize me at all, despite the great change."
"I'm sorry bes I ignored you too much to get to this. But no, you didn't fail. Your touch was genuine. The touch I longed to feel, I felt them in my sleep that I thought it was just a dream. Joannes, John... Bes. Thank you for coming back... I missed you..."Walang naging sagot si John. Ganap na siyang lalaki ngayon. Nakikita na siya ng best friend na minahal niya sa espesyal ng lugar niya sa puso nito, kahit na nasa sulok at nakatago. Nagawa siya ng paraan para makawala sa sulok na iyon. Paraan na kahit isakripisyo ang lahat upang mabago lamang niya ang sarili at tumapat sa pantayang makakaakit sa atensyon ng kaibigan ay kinayang niyang gawin. Maging ang paninindigan sa magulang sa pagbabagong higit nilang tinutulan ngayon ay nag-ambag na ng rason para sabihing hindi siya nagkamali ng desisyon.
Sa pag-angat ng ulo ni John sinalubong ito ng mga labi ni Mark at sa paghiwalay ng mga iyon ay pagbibigkis naman ng mga braso nila habang dinadama ang mahigpit nila pagkakayakap sa isa't isa...
YOU ARE READING
The Pain To Remember
DiversosSometimes, when the pain is too much we would want to forget it. But like all memories, we will miss it naturally. "No matter how hard I try, I can't forget you...The best things happen by chance" -Dory, Finding Dory