Kabanata 26

3.4K 72 3
                                    

Habang ako ay pauwi, biglang pumasok sa isip ko itong kaibigan ko. matagal-tagal na rin bago ako nakabisita sa kaniya.

Huminto ako sa harapan ng building kung saan ang condo niya. Minabuti ko muna itong tawagan bago tumuloy. Wala lang, ginaya ko lang style ni Jas.
Hindi ko pa pala nasasabihan 'yung babaeng 'yun.

"Huwag ka munang magulo! May tumatawag sa akin o." sabi ng kabilang linya.
"Hello?"

"bruha, may kasama ka ata?" tanong ko.

"teka, Bianca?"

"Yup."

"Bakit?" cold niyang tanong.

"Nasa labas ako ng building ng condo mo. Ano, pwede ba kitang bisitahin?" tanong ko.

"What? A-ah, wrong timing ka talaga." Bulong niya.

Pabulong-bulong pa eh naririnig naman.
Kaya ako ay napa irap na lang sa kawalan.

"Wait lang. aish! Pwedeng sa ibang araw ka na lang dumalaw? Ano kasi, nandito 'yung mga kapatid ko. ha? Next time na lang, bye!"

Hindi man lang ako nakasagot ay binabaan na niya ako. =_= hindi naman ako ganun pag buntis ah? Sira ulo talaga 'yung babaeng 'yun.
Ilang sandali lamang ay tumunog ang aking cell.

Si Bernard, tumatawag. Pinatay ko iyon at ibinaling ang aking tingin sa daan.
Nang maramdaman ko ang gutom ay si AJ naman ang aking tinawagan.

"Oh, hon?" bungad nito sa akin.

"Busy ka ba? Papunta ako sa resto mo."

"Ha? Wala ako sa resto ngayon, hon."

Napakunot naman ako ng noo.
"Eh nasaan ka?" tanong ko.

"Ako 'yung kumuha ng stock namin ngayon. Pero huwag kang mag-alala, sasabihan ko na lang ang mga empleyado ko na pupunta ka riyan."

"Bakit ikaw ang nag-aasikaso niyan? Hindi ba dapat..—"

"Hon, I'm really busy right now. I'll call you later, ok?" putol niya at binaba na ang tawag.

What the... bakit lahat ng tao ay binababaan ako ng tawag? =___=
Tumuloy na lamang ako sa bahay. Tutal ay wala naman si AJ doon. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

Bigla kong naalala iyong sinabi ni Bernard.

"Oh? Family kayo but you do not eat together? Never pa kayong kumain ng sabay sa dining area niyo sa house?"

Tama, mula noong bumalik kami dito sa Pilipinas kahit Christmas eve ay hindi kami nakakakain ng sabay. Siguro, oo nung nasa ibang bansa pa kami. Pero magmula nang magtayo siya ng business, ni hindi na niya kami nasasaluhan pati sa pagkain.
wala man lang holiday sa kaniya. Nakabukas lagi ang resto niya.

That is why I will cook for our dinner tonight. Gusto ko, magsabay-sabay kaming kumain.
Lumabas ako ng bahay upang bumili ng iluluto.

"Hey, neighbor!" tawag ni Excel.

Napahinto naman ako at ngumiti sa kaniya.
"Oh."

"Saan ka pupunta? Mukhang nagmamadali ka ah." Sabi nito at lumabas sa kaniyang gate.

"Bibili ako ng iluluto ko para mamayang dinner namin." Sagot ko.

"Talaga? Pwede ba akong tumulong? You know, hindi ko pa nababanggit sa'yo na I'm a chef too." Sabi niya.

Napakamot naman ako ng ulo.
"Ok, tulungan mo na din ako pati sa pagluto." Sabi ko.

Pagdating namin sa palengke, napangiwi siya.

"What is this place? I mean, what kind of a place is this?" tanong niya sa akin na para bang diring-diri.

"Palengke. Hindi ka pa ba nakakapunta dito? Para kang alien." Sabi ko at hinatak na siya papasok sa palengke.

"Yuck. What is that awful smell?" reklamo niya.
"Bakit hindi na lang tayo sa super maket bumili? Look, parang hindi papasa sa NSF 'yang mga tinda nila." Dagdag pa nito.

"Alam mo, tulungan mo na lang akong magbitbit kesa sa magdadada ka riyan. Gusto mong tumulong diba? Paninidigan mo." sabi ko at iniabot sa kaniya iyong naka plastic na baboy.

Kita ko pang inamoy niya ang kaniyang daliri. Ayoko mang sabihin pero, hindi kaya bakla 'to?

Habang ako ay abala sa pagpili ng mga sahog, bumulong siya sa akin.

"Pwede bang tumulong na lang ako sa kusina? I can't take this anymore." Sabi niya at naduduwal pa.

"Bakla ka ano?" sabi ko at pinakitaan siya ng nakakalokong ngiti.

"what?! Hindi 'no. hindi lang ako sanay sa mga ganitong lugar. Babalik na ako sa sasakyan." Sabi niya habang bitbit ang aking mga pinamili.

Natatawa pa ako sa tuwing iiwas siya sa basang daan. Para ba siyang nag i-step no at step yes sa ginagawa niya. kung hindi lang maganda at malaking lalake ito, pagkakamalan ko siyang bakla.

So, pagkatapos naming namili... sa kusina ang duty namin ngayon. Sabi niya siya na lang ang magluluto. But I resist. Gusto kong ipatikim sa asawa't anak ko ang gawa ko. sa totoo lang ay ilang taon na ang nakaraan noong maipagluto ko ng putahe ko si AJ.

"Ang swerte naman ng asawa mo sa'yo." Sabi ni Excel na nakasalumbaba pa sa counter.

"Oo, kaya mag-asawa ka na para naman matikman mo kung gaano kasarap ang may kasama sa buhay." Sabi ko.

"Naku, huwag na lang. girls are so much hassle. Magpapakasawa muna ako sa buhay ko ngayon bago ko gawin 'yun." Sabi niya at lumapit sa akin.

"Ako na nga diyan. Hindi kasi ganiyan. Dapat gentle lang ang paghahalo." Pagpapatuloy niya at hinawakan ang aking kamay at dahan-dahang inihalo ang aking iniluluto.

"Alam ko naman, chef kaya asawa ko." sabi ko at inirapan siya.
"Doon ka na nga." Dagdag ko pa at binawi ang aking kamay.

"Nga pala, matagal na 'to. Nakita ko noon 'yung sasakyan ni Bernard dito sa village natin. Actually sa harapan ng bahay natin. Tell me, lumalabas ba kayong dalawa?" tanong niya.

Napahinto naman ako sa ginagawa ko sa harapan ng aking niluluto.
Sabi ko na nga ba't nakita niya kami!

"But, I'm not sure yet kung sa kaniya nga ba talaga 'yun. Kasi diba andaming itim sasakyan dito? Sayang nga lang at tinted iyong sasakyan."

A sigh of relief. Sheez!
"B-baka iba nga. Bakit naman ako makikipag kita dun?"

"Sabagay, may asawa ka nga naman. Saka, wala ka naman nang feelings kay Bernard diba?" sabi niya.

Hindi ko na lang siya sinagot. Parang ewan 'to, bakla nga yata. Chismoso pa.

Ilang sandali lamang ay natapos na akong magluto. Iniayos ko ang mga dapat ayusin. Bilis pa naman ng oras, ilang minuto na lang ay uwian na nina Sam.

"Salamat nga pala, ha?" sabi ko bago sumakay sa aking kotse.

"Wala 'yun, neighbor! Gusto mo, tulungan kitang sumundo sa anak mo?" biro niya.

"Sira. Sige na, mauna na ako. Salamat ulit."

Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan papunta sa school ni Sam.
Pag-uwi namin ng bahay, nagshower na ako kagad. Siguradong magiging masayang gabi ito para sa aming pamilya.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon