"Kiana! Umaykaditoy!" napatigil ako sa pag-aayos ng kwarto ko ng pinapababa ako ni tita.
"Tita, apay ngay?" tanong ko ng pagkababa ko sa sala niya.
"Ada nangited ti surat para kinyam." sabay bigay ng sobre na puti.
Nakita ko ang pangalan ng school na in-examan ko nung isang linggo. Hindi kaya----?
Agad kong binuksan ang sulat at malaking ngiti ang sumilay sa aking labi.
Tanggap ako. Nakapasok ako.
"Tita, nakapasok ako sa East Academy!" napatalon ako sa saya at niyakap si tita.
"Ay! Maghunos dili ka nga, Kiana! Talaga ba? Naku! Ang galing mo talagang bata ka. Mana ka nga sa iyong ina." nakangiting sambit niya sa akin.
"Salamat tita! Napakaling bagay nito sa akin."
"Pero anak, di ba sa siyudad pa ang school na yan? Kakayanin mo ba? May panggastos ka ba?" alalang tanong nito.
"Okay na, ta. May ipon naman ako. Magta-trabaho na lang ako sa siyudad. Marami namang part time jobs dun. Kayang-kaya ko ito, tita!" masiglang sabi ko.
"Hala sige at mag-ayos ka na ng gamit mo at malapit na ang pasukan niyo. Pasensya na anak ha, kung di ko man madagdagan ang panggastos mo. Alam mo naman na madami ding gastusin dito sa bukirin natin. Hamo't ako ang mag-gagastos sa pamasahe mo paluwas." sabi ni tiya.
"Oh sige tita. Naiintindihan ko na po. Mag-aayos na po ako. Salamat tita, mamimiss ko po kayo." niyakap ko muli ang aking pangalawang ina.
Simula kasi ng mamatay si mama ay ang kapatid na ni mama---- si tita ang nag-alaga sa akin. Ang tatay ko naman di ko nakilala. Hay.
Umakyat ako muli at inayos ang gagamitin ko at kakailanganin ko sa Manila. Di ko na kailangan pang magbayad sa mamahaling school na iyon kasi nakapasa ako sa scholarship exam nila at narinig ko na elite school daw iyon.
Pagkasara ko ng bag ko. Napatingala ako at, "Kakayanin ko to!" sinabi iyan at tinaas ang kamay sa ere. Napatawa na rin ako sa aking sarili.
YOU ARE READING
Starry Night
Teen FictionThe Province Girl and the Famous Guy met. What will happen?