Kabanata 1: Goodbye and Hello

7 0 0
                                    

"Yung love life ko ngayon parang coke, zero ulit" sabi ko sa bestfriend kong si Celine.

Andito kasi kami ngayon sa bahay nila. Balak kasi sana naming mag-date kaso bigla akong tinamad. Gusto ko lang kumain ng kumain.

Broken hearted nga kasi !!

"Hahaha ano na naman ba kasing nangyari sa inyo ni Andrei at nagbreak kayo? Tinopak ka na naman ba? sambit nya.

"Ewan ko ba sa mokong na yun! Tatawagan mo, papatayan ka. Itetext mo, di ka rereplyan. Parang timang lang.Ang gulo nya ! Mas magulo pa sya sa babaeng may period ! Asar ! Sabi ko ng puno ng pagkainis.

"Naii-stress lang ako sa mokong na yun. Naka-graduate lang tayo tapos biglang wala ng paramdam. Parang yung naging pagmamahal nya sakin seasonal lang ! Nakakainis !" dagdag ko pa.

Natatawang tumayo si Celine para kunin ang ice cream sa fridge. Ramdam nya na siguro na kelangan ko na iyun para mabawasan ang stress ko sa katawan.

Actually okay lang naman sa akin na break na kami. Kaso badtrip lang ! inis-snob ang beauty ko ng mokong ! But anyway bahala sya sa buhay nya. Sya naman ang nawalan. I'm happy that I'm free again ! Ready to miggle ! Goodbye na sa stress ! Haha !

Kaya naman kasi medyo naging okay sa akin na hiwalay na kami ni Andrei kasi matagal na ring malabo ang relasyon namin. Parang isang iglap lang, nawala na iyong sparks sa mga mata namin.

Tsaka siguro kasi muli na namang nagparamdam si Nick sa akin- ex boyfriend ko. I just want to know something about this guy and to test him again. That's why I gave him another chance if this time, he's true to his words. But I think It wasn't a chance, a play instead.

"Alam mo beshy, ikain na lang natin yan! oh eto oh ice cream. Sambit nya sabay abot ng chocolate ice cream sa akin.

"Kaya love na love kita beshy eh ! Nang dahil sa ice cream may pakinabang ka ! Apir ! Hahaha"

"Ang sama mo sakin ! Akin na nga yan. Manggagamit!" sabay kuha ng ice cream sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan.

"Hahaha Joke lang oy ! Parang hindi naman 'to mabiro. Ang ganda mo beshy ! I love you beshy !" sabay kuha ng ice cream sa kanya habang natatawa.

"Che !" irap nya pero tumawa parin.

Tignan mo 'to parang ewan. Kahit na bago pa lang kaming magkaibigan nitong si Celine, ibang level na agad ang closeness namin. 4th year high school ng maging magka-klase kami. 8 kaming magkakaibigan pero 6 lang kaming magka-klase. Si Kuya Lance kasi same year ibang section nga lang. Si Gabriel naman ay 3rd year high school pa lang noon.

Almost 1 year pa lang kaming magkaibigan pero masasabi long best buddy ko itong si Celine Devera. Pero kapag magkakasama kaming lahat, riot ang kalalabasan. Hahaha!

"Hoy tulala ka dyan! Ganya ba ng nangyayari kapag broken hearted? biglang tanong ni Celine na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ikaw basag trip ka rin ano? Kita mong seryoso ako sa kinakain ko nilalasap ko ang sarap. Panggulo to ! mataray kong sagot na ikinatuwa nya lang.

"Pa'no ba naman kasi ng dami ko ng naikwento tapos tulala ka dyan at hindi nakikinig." tampo nyang sagot.

"Eh busy ako sa pagkain ko bakit ba? Tsaka broken hearted? Ako? Haler ! ASA BESH !" proud kong sagot. " FYI beshy, I am so happy dahil nabawasan na ang stress ko sa buhay ! dagdag ko.

"Langya to ! Sama nito parang wala kayong pinagsamahan ah?"

"Meron naman at saksi ka sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa." tugon ko.

Sobrang compatible naming dalawa ni Andrei. Yung trip nya, trip ko at vice versa. Minsan naman ay ayaw ko pero gusto nya ay kabaliktaran.

Sobrang bait na tao ni Andrei kahit na galing sya sa broken family ay masasabi kong naging maswerte ako dahil minahal nya ako. Na sa kanya na ang mga kalidad na hinahanap ng mga kakabaihan.
Tall, dark and handsome ang perfect description sa kanya. Chinito at may maninipis at mapupulang labi.
Pareho kaming masayahin at mahilig sa sports.

Ngunit kahit pala maganda na ung samahan naming dalawa, nagkaroon pa rin kami ng problema. Ang pamilya ko ang pinaka naging dahilan kung bakit sya nakipaghiwalay sa akin. Ayaw sa kany ng parents ko. Anong dahilan ? Ay hindi ko alam.

Siguro ganun talaga. Kahit kayo na ang perfect match, hindi parin perfect ang pagkakataon. May katapusan parin pala talaga ang lahat kahit na sa paningin ko'y perpekto na. May nagsasawa, may napapagod. Ngunit kahit ganun ang nangyari, minahal ko sya. Minahal ko si Andrei pero mukhng hanggang dito na lang talaga. Hindi kami ang itinakda.

Goodbye, Andrei. Goodbye Jagiya& Yagiya.
Hello Single Life. I'm free once again.

I've Never Met My First Love Where stories live. Discover now