A/N: You can predict what'll happen by the end dahil cliche 'to. Just enjoy the process.
--
Another boring day at school... hay.
"Ella, ang bilis mo namang maglakad eh! Hinanap pa kita!" pasigaw na reklamo ni Vrandon, bestfriend ko
"Ikaw ang mabagal, ok."
"Oo na, Madam!" sarcastic na pagpapakumbaba niya sa akin
"Samahan mo na lang ako mamaya sa mall? I'm buying gifts for Christmas eh. Last high school year naman na eh." sabi kong nakangiti...
I really wanted to bring him out... wala kasing kabuhay-buhay ang buhay niya eh... school-bahay lang talaga gawain niya sa buhay... kapag hinahatid nga niya ako pauwi, feeling ko ako ang naghahatid sa kanya eh... lampa kasi.
"Inaaya mo ba akong makipag-date?! May pagnanasa ka pala sa akin eh!"
"Ngayon mo lang nahalata? Aakitin pa kita lalo mamaya!" sabay wink
"Baka ikaw nga maakit sa akin eh... ang pogi ko kaya."
Sinasabayan niya talaga lakas ng trip ko ngayon... grabe!
"Patay na patay nga ako sayo eh!"
"Sige, wag mo lang akong gawing tagabitbit ah!"
"Nahuli mo yung plano ko... tsk! Okay fine, basta samahan mo lang ako." :)
"Pwede bang umuwi muna ako? Susunduin na lang kita sa bahay niyo."
"Sure. Magbibihis rin ako eh. Mag-ingat ka, ha! Medyo bakla ka pa naman." (*nothing against gays, the joke was intended to express opinion on his femininity)
"Bakla?!"
"Oo!" :P
"Halikan kita para magkaalaman tayo niyan eh."
"Mwah! Mwah! Chup! Chup! MUKHA MO!" Alam ko namang di niya gagawin eh~ kahit ang hot ng lips niya... takot lang niya sa akin!
"Bye na! Baka late pa tayong makauwi niyan."
"Ingat ah! Baka madapa ka pa!"
**
Nagbihis ako... I felt girly today. I don't know. Ako yata yung bakla sa amin eh. Sobrang elated ako ngayon.
Nag-ayos ako... just imagine how girly I dressed...
Naka-sky blue long-sleeves ako, black and white printed pants and wedge sneakers~
GIRLY NA YON! OK.
"Ella, nasa baba na yung boyfriend mo..." sabi nung katulong namin
Si Don na yun for sure. And what?!
"What? Di ko yun boyfriend..."
"Sabi niya magde-date raw kayo eh."
"Ang baba naman ng taste ko kung siya lang boyfriend ko 'no!"
"Ang pogi kaya!"
"Kayo nalang mag-syota! Pogi na yun sayo?"
"Gusto mo naman... ngayon ka lang kaya nag-ayos nang ganyan."