Nagpatuloy lamang kami sa pagke-kwentuhan ni Celine. Matagal din kaming hindi nagkita dahil bakasyon na nga. Kung anu-ano lang ang napag-uusapan namin. To the point na, berde na kaming pareho.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa at kumakain ng pizza dito sa kanilang bahay.
"Naalala mo pa ba yung kwento ko sayo dati tungkol sa dalawa kong kababata? Si Jasper at Louis? biglang tanong ni Celine.
Inisip ko agad kung sino ang dalawang iyon. Ah naalala ko na. Si Louis yung kaibigan nyang sobrang talino. Na sa tuwing nakakausap silang tatlo ay napapanganga na lang sila ni Jasper. Parang out of this world ang nagiging usapan kapag sya na ang nagsalita. Sa tuwing nagke-kwento kasi sa akin si Celine tungkol sa dalawa ay manghang-mangha sya lalo na sa katalinuhang taglay ni Louis. Matalino rin si Jasper ayun sa kanya. Matalino rin kasi itong kaibigan ko.
Mayaman si Louis base sa kwento nya na nasa ibang bansa na at doon na mag-aaral. Dati nya rin kasing manliligaw yun pero hindi nya na lang din binigyang-pansin dahil kuya na ng turing nya kay Louis. Sa picture ko pa lang din nakita si Louis. At grabe ! Ang gwapo niya. Maputi, matangkad nasa 5'7 na ata sya, perpekto ang kurba ng kilay, mapupulang labi at nakakaakit na panga.
Laging nagre-regalo itong si Louis noong nasa high school pa kami. Kahit na magkaiba ng paaralan sila ay patuloy sa pagsuyo itong si Louis. Taray ng beshy ko daming manliligaw nito eh! Ewan ko ba kung bakit ayaw mamahagi. HahahaSi Jasper naman, he was the crying baby way back then. Si Celine daw lagi ang nagpapatahan sa kanya. Galing din sa broken family si Jasper. Mayaman at matalino din. Hindi ko pa sya nakikita kahit sa picture lang. Dunno how handsome he is. But the way Celine describe him? He looks like Jesse Mccartney ! And Oh ! I think somehow I like him ! HAHAHA
"Oo, bakit? ano meron sa kanila?" Sagot ko.
"Ayun nga tulad ng sinabi ko noon, nasa New York na si Louis. Sabi ng mom nya dun na sya for good. At Batch valedictorian pala ang mokong di man lang sinabi. Talino talaga!" masigla nyang sabi. "Kaso ang mokong hindi umattend ng graduation. Dumeretso agad ng New York!" sambit pa nito.
"Oh bakit? Nanghihinayang ka na kasi di ka tumuloy? Sabi naman sayo kung gusto mo tumuloy ka. Pangarap mo kaya yun !" tugon ko.
Kasama sya dapat ni Louis sa New York at doon mag-aaral ng college. Pareho kasi silang nakapasa sa isang sikat na unibersidad doon. Dahil sa hindi nya kaya at baka ma-home sick daw sya ay hindi na siya tumuloy. Pero hindi niya lang talaga kami maiwan kaya hindi siya tumulak.
Grabe ang iyakan namin noon ng malaman naming aalis sya. Masaya dahil iyon na sana ang simula sa pag-abot niya ng pangarap nya pero malungkot dahil maiiwan nya kami."Hindi. Ano ka ba ! Mas masaya ako kasi di ako tumuloy. Ayaw ko kasing malayo kila mama at pati na rin sa inyo." sambit nya.
'Aww! And the most touching speech award goes to. drum rolls Ma. Celine Devera ! Hahaha" biro ko habang pumapalakpak.
"Loko ka talaga ! At teka eto pa."
"Ano iyun?" puno ng kuryosidad kong tanong.
"Si Jasper andito na rin nakatira malapit sa amin!" puno ng halo-halong emosyon niyang tugon.
"Weh? Talaga? Nagkita na kayo? Pano mo nalaman?" may paniningkit kong matang tanong.
"Nagkita at nakapag-usap na rin kasi kami." sabi niya.
"So alam nya agad ang bahay mo at pinuntahan ka nya?" tanong ko.
" Oo. At ang nakakagulat pa, siya pala ung nagpapadala ng mga regalo at tsokolate sa bahay at sa room. Nakakainis ! Kung sinu-sino pa man din ang nabingtangan ko nun." tugon nya.
3months ago kasi bago kami grumaduate, may mga misteryosong regalo ang dumadating sa class room at bahay nila. Mga mamahaling tsokolate at kung anu-ano pa.
Minsan nga habang nasa cafeteria kami ng school bigla yang tatakbo kasi daw may naghahanap daw sa kanya.
Minsan tatakbo din yan bigla kasi may humahabol sa kanya. Sontang crerpy nun ung tiponh lahat kami sa room kabado kung sinong stranger ang may gawa nun.
At ngayon kilala na namin. Childhood friend nya ang may pakana. Kung hindi ba naman kalahating abnormal eh.
"Ang lakas ng trip nya ah. Kunh sinu-sino pa man din anh nasisi natin nun." sabi ko.
"Ewan ko ba dun. Walang pinagbago. Kung anong kalokohan parin ang pinaggagagawa. Kainis !"
"Iharap mo nga sakin yan at ng maupakan ko yan. Nai-stress din ang beauty ko dyan eh!" iritable kong sagot.
"Speaking of. Ipapakilala kita sa kanya. Kaso wala sya ngayon sa bahay nila eh. Ang gwapo nun promise. Magugustuhan mo sya."
kilig nyang sagot."Tss kahit gwapo sya isa't kalahati naman syanh abnormal. Bored ata yan eh. Kung anong ginagawa."
"Gwapo kaya nito! Sayang wala akong picture nya." Tanggol nya
"Ipakita mo muna saka natin husgahan." sabay ngiti ko ng makahulugan sa kanya.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Hahaha wag na lang. Kinakabahan ako sa binabalak mo sa kanya!"
Wala naman akong iniisip na masama ah? hahaha ito talagang best friend ko. Pero malay nayin diba?

YOU ARE READING
I've Never Met My First Love
General FictionMinsan, dumarating ang pag-ibig sa panahong hindi mo inaasahan. Madalas, dun sa panahong hindi ka handa. Pero paano kung nagkakilala kayo sa pagkakataong ang tadhana ay nakipaglaro? Handa ka bang harapin ang tagpong ito?