D'Vlad 04

2.5K 108 1
                                    

Astrid's POV

One week na rin pala ang nakakalipas mula nung nagstart akong mag-aral sa college.

Masaya ako dahil nakahanap ako ng mga bagong kaibigan.

Tsaka ilang araw na rin ang nakakalipas mula ng namatay si Agatha, pero hanggang ngayon wala pa ring balita sa kung sino ang pumatay sa kanya.

Namimiss ko na siya😢

Dumalaw ako sa puntod ni Agatha, papauwi na ako ngayon nakasakay ako sa isang taxi.

Bigla nalang kumalabog at parang pumutok yata ang gulong nitong taxi.

"Anong nangyari manung?" Tanong ko.

"Sandali iha titignan ko" sabi niya, saka binuksan ang pinto at lumabas.

Binuksan ko naman ang bintana at sumilip sa labas para makita ko kung anong nangyari.

"Tsk tsk! Iha. Pumutok ang gulong nito. Parang magtatagalan yata bago to maayos, makapaghihintay ka ba?"

Napaisip ako.

Okay lang naman siguro na maghintay rito kaysa naman lakarin ko pauwi. Saka masyado nang madilim baka kung anong mangyari sakin sa daan kapag nilakad ko pauwi.

"Opo okay lang po" sagot ko.

"Sige diyan ka lang aayusin ko muna to papalitan ko lang ng gulong." Sabi niya

Sinimulan niya nang ayusin ang gulong ng saaakyan.

Maya maya nagpagpag na ng kamay si manung driver.

"Ayan tapos na!" Rinig kong sabi niya, salamat naman.

Binuksan na niya ang pinto para pumasok na ng taxi pero.....

"Aaahhhhhhhhhhh!"

Nagulat ako sa sunod na nangyari.

Bigla nalang may humila kay manung palayo ng pinto.

Hindi ko alam kung sino.

O ano?

Hindi ko alam kung ano yun!

Kinabahan ako....

Lumingon lingon ako sa paligid.

Sinara ko kaagad ang bintana.

May lumagpak na duguang kamay sa bintana tumulo ang dugo nito at bahagyang natakpan ang salamin.

Di ko na makita ng malinaw ang nangyayari sa labas.

Pero naririnig ko ang pagsigaw ni manung.

Nagmamakaawa ang bawat sigaw niya.

Napaiyak ako.

Kinuha ko kaagad ang phone ko para tawagan si mama kaya lang dead battery na pala.

Nanginginig ang kamay ko kaya nahulog ko ang phone ko sa ilalim ng upuan.

Yumuko ako para magtago, sumisilip ako sa bintana.

Naririnig kong may mga huni ng aso pero wala naman akong nakikitang aso sa paligid.

Tumatahol ang aso sa kung saan, malapit lang ang tahol niya.

Nandito lang sa tabi mismo ng taxi.

Pero wala akong makitang aso.

Natatakot na ako kaya nagdasal ako.

Nanginginig ang buong katawan ko at sobrang lamig ng pawis ko. Kung ano man ang nangyayari ngayon, hindi ito natural!

D'Vlad: THE VAMPIRE & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon