Hay! Buhay parang Life. Nga pala ako pala si Kimberly Reyes, 16 years ng nabubuhay sa mundong ito, Graduating na ako kaya nga stress na stress ako ngayon madaming requirements na dapat nang ipasa sa mga subjects.
Andito ako ngayon sa Bench, Actually Lunch break namin ngayon at kakatapos ko lang kumain, andun sa room yung mga kaibigan ko nageemo kunu ako dito haha. Nakinig nalang ako ng music, pinikit ko ko nalang ang aking mata at pinakinggan ang kanta.
Cause you are the piece of me I wish I didn't need
Chasing relentlessly, still fight and I don't know why
If our love is tragedy, why are you my remedy?
If our love's insaninty, why are you my clarity?
Ang ganda talaga ng song na to, napapasabay nalang ako sa pagkanta ng biglang may umupo sa tabi ko. Napahinto ako sa pagkanta at minulat ko na yung mata ko.
"Syet--- teee." Nasabi ko nalan, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Hahahaha! Tae na yang mukha mo, ang epic! " Sabi ng nilalang na nasa harap ko.
"Langya kang Lalake ka!." Sigaw ko sakanya.
"Ayieeeeh, ganyan ba epekto ng pogi face ko sayo?." Sabi naman niya
"Kapal mo Dre, Tingin-tingin din sa salamin pag may time." Sabi ko naman.
"Sinasabi ko lang yung totoo, OWL." Sabi niya at nagbelat pa, langya nga naman.
"Aba! IKAW! Arggggggggggggggh! Humanda ka sakin mamaya." At ayun oh, tumakbo ang loko. Siya lang naman ang ang nag-iisang tao na tumatawag sakin ng Owl sa ganda kong ito?! Aba! May sira ata mata niya. Kung di lang siya Gwapo naku! Siya nga pala Si Christian Sy, my one and only crush ay este enemy.
Pagkatapos ng pangyayaring yun eh bumalik na ako sa room, nadistorbo na kasi ng kumag na yun ang moment ko! tsss. Pagkapasok ko palang ng room, may narinig akong sigaw.
"Oy! Ms. Owl! " Napalingon ako kung saan galing yung sigaw, Aba! Langya tong Christian na to at ang laki pa ng ngisi ng kumag na to.
"Che! Ipatingin mo na yang mga mata mo, Sa ganda kong ito?! Ikinumpara mo pa talaga ako sa isang Owl?" Sabi ko sakanya, Ngumiti lang ang loko sakin. Tssk! Huwag kang ngumiti baka matunaw ako.
"Ayieeeeeeeeh! The more you hate the more you love!" sigaw ng mga kaklase ko at nanguguna dun ang tatlo kong kaibigan na si Anne, Lexie at Ella.
"Tumahimik nga kayo" Sabi ko sabay upo katabi sa baliw kong mga kaibigan.
Tumahimik naman sila at buti nalang pumasok na yung teacher namin, Sa kasawiang palad Math subject namin ngayon, buhay nga naman. As usual, sumakit ang ulo ko sa subject nato. Di ko alam kung anong kinalaman ng mga x and y na yan sa buhay ko di ko naman yan magagamit pag nagtrabaho ako.
Nagtime narin sawakas! At Good news, wala na daw kaming pasok! Yeah. May Meeting raw mga teachers , Thank you Lord! Ang saya naman.
"Oh Kim , san tayo?." Tanong ni Ella sakin.
"Aaaahm.Dun muna tayo sa bench, tutal maaga pa naman." sabi ko sakanila
"Sure! Tambay mode muna tayo" Sabay na sabi ni Anne at Lexie.