Reichelle

116 4 4
                                    

Reichelle ~

"Hindi pa ako handang harapin ang mga bagay-bagay. Kakayanin mo bang maghintay?"

11-11-13

14:00 PM - Bahay-Bakal, Cabuyao NHS

"Ang tagal aa? Ano ba 'to?

"Reichelle? Reichelle!"

"Hindi mo sinabi andiyan ka na pala", sabi ko kay Yvette, kaibigan ko, seatmate ko rin sa room.

"Kailangan ko pang sabihing 'Nandito na ko! Pansinin mo ko!'? E kung hindi ka sana nagmo-monggi diyan, at hindi iniisip ang ibang mga bagay, edi napansin mo sanang nandito ko!"

"Grabe ha? Monggi agad?"

(Alcala-tionary~ Monggi - abnormal, tulaley, lumilipad utak. Ex. Si Ronell ay monggi.)

"Siya na naman 'yan no? Si Photojournalist? Ayiee! Inlab si Reichelle !"

"Hindi aa, 'di kaya! Slight lang naman ee!"

"Edi 'yun na nga 'yun. Wahaha. Na-iinlove ka rin pala?!"

Ang lakas talagang mang-asar ni Yvette, pero okay lang. Si Yvette, mabait, pero namimili siya ng pakikitaan niya ng kabutihan niya. Kilala rin siya bilang Tanyagers,Tanyag kasi apelyido niya, pwede ring, @FAMOUSYvette, inenglish lang yung surname niya. . Tama naman kasi siya ee, ngayon lang yata ako nagkaganito. Siya rin naman. :p

Biglang may tumawag samin.

"Officer Talento, magsi-simula na. Formation na sa Quadrangle."

"Sir, Yes sir." Si Sir Lapas pala. Hahaha.

CAT Administrator ng school.  Medyo may katandaan na, pero game na game kapag kwentuhan.

Minsan nga, kailangan ng interview para sa school paper namin, siya 'yung iinterviewhin namin, alam naming mahaba siyang sumagot, kaya ipinasa namin sa isang staffer namin. Hahaha. Isang tanong lang, isang oras niyang sinagot. Sa kasamaang palad, hindi napasama sa diyaryo 'yung article na 'yun. SOYONG. 

Balik tayo.

Andito na kami sa grounds, mainit pa rin. 

" CAT is also known as Citizenship Advancement Training, and is the revised and easier version of the Citizen's Army Training. Ito ay nasa layunin ng ating Constitu---"

"Maam, excuse maam. Pwede na pong mag-recess? Nauuhaw na po kasi ako."

"Excuse din sir, pero two hours pa bago mag-break time. Matuto tayong magtiis. Paano kapag may kaguluhan na? Pwede mo bang sabihin sa mga kalaban mong 'Nauuhaw lang po ako, Taympers' ? Kapag hindi ka nabaril, gagawin ko lahat ng gusto mo!"

G na G akong mambengga. Okay lang 'yun. Minsan lang akong ganun.

(Alcala-tionary~ G na G - game na game,bigay-todo.. Ex. Si Leora ay G na G kapag nandiyan si Paul.)

"Sorry po, maam."

Nagpatuloy 'yung discussion namin. Pansin kong antok na ang iba kong kadete. 'Yung iba, nakapatong sa balikat ng katabi nila ang mga ulo. Bromance LVL: 9000.

And at last, break time na. Puputok na ang pantog ko sa sakit. Papunta na ko sa CR then may nagtanong . . .

"Maam, pwede na po ba?" Tanong ulit nung kadete ko. Maitim siya pero may hitsura. Parang bet nga siya ni Yvette ee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwentong Kadete ♥ The CAT Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon