XXIX. Of King and Queen, Prince and Princess and a Friendship Bracelet (Part 1)

3K 101 27
                                    


Genre: Fluff

*******

'Pakilapag na lang po 'to dun sa may kusina Manang.' Utos ni Daniel sa kanilang kasambahay habang iniaabot ang isang supot. Laman nito ang dalawang kahon na bagong lutong tinapay na gustong gusto ng asawa. 'Si Ma'am Kathryn mo?'

'Nasa kwarto po ninyo. Baka po nakatulog. May bisita po sya kanina e. Andito po si Ma'am Clara kanina.' Magalang na tugon ng matanda.

'Ma'am Clara?' Ngunit bago pa sya masagot nung Manang ay na-gets na nya kung sino.

Napatawa sya.

Mas kilala nga pala ni Manang si Julia bilang Clara dahil sa pinapanood nyang Mara Clara dati. Natatakot pa nga ito noon pag nagagawi sa mansyon nila ang matalik na kaibigan ng asawa. Naaalala daw nya kasi ang masasamang ginawa nito kay Mara. Hindi naman nagtagal at nasanay na rin ang matanda at naintindihang mabait talaga sa totoong buhay si Julia at hindi salbahe katulad nang sa napanood nito.

'Ang mga bata? Nakauwi na ba?'

'On the way na daw po 'yung dalawang lalaki. Kate-text lang po ni Romeo. Si Chandri naman po kanina pang anjan. Gigisingin ko po ba si Ma'am Kathryn para makapagmeryenda?'

'Hindi na po. Ako na lang maya maya.' Ngiti ni Daniel bago napansin ang dalawang pigurang nakahalukipkip sa may bandang swimming pool ng kanilang mansyon.

Napakunot ang noo nya at pinuntahan ang nakita.

'Chandre bebe, wag ka na iyak.'

Dinig ni Daniel ang pag-aalo ng yaya ni Chandri sa bata. Napansin marahil nito ang tahimik na yabag nya kaya napatingin si Malen sa likuran nya.

Sinensyasan ito ni Daniel na tumayo at iwanan na muna ang bata sa kanya na agad namang sinunod ng yaya.

'Is there something wrong baby?' Malambing nyang tanong sa mag-aanim na taong gulang nyang babaeng anak.

'Di na ko love ni Nanay.' Nakalabing sagot nito.

Gustong matunaw ang puso ni Daniel sa nakita. Kamukhang kamukha ng kanyang Chandri ang kanyang asawa nung kasing edad nya ito.

'Bakit naman baby?' Pinatayo nya ang anak at inaya sa upuan na malapit sa kanilang lanai.

'Galit nya ako kanina.'

Jusko. Napaka-cute ng prinsesa ko.

Nasa isip isip ng padre de familia ng mga Ford.

'Baka naman pagod lang si Nanay dahil sa pag-aalaga ng mga baby, Chandy.' Alam kasi nya kung gaano kabugnutin ang asawa lalo na't naggagatas pa ito. Agresibo din ang lalaki sa kambal dahil panay ang kagat nito sa nipple ng ina. Pang-uuyam pa ni Daniel sa asawa, baka daw nagmana sa kanya.

'Chandy di na baby.' Tila nangingilid ang luhang sabi nito.

'Come here nga.' Kinandong nya ang batang babae at niyakap ito. 'Hindi ka na nga baby kasi ate ka na.' Malambing nyang sabi sa unang anak na babae. 'Hindi ka na rin baby kasi you're our princess na.'

'Princess Ate?'

'Yes, Princess ate.'

'Ok. Kuyas? Prinsipe sila?'

'Yes. Prince Kuya.'

'DJ tsaka KC?' Patungkol naman nito ang mag-iisang taon nang kambal na bunso.

'They are our babies.'

'Baby DJ? Baby KC?'

'Yes.' Tango ni Daniel habang nakangiti.

'E what if Nanay and you have another baby pa? Baby DJ, Baby KC prince and princess na rin. Kami kuyas?'

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon