1 week na kami ni Rose at maayos naman ang relasyon namin.
Ngayon lang ulit kami magkikita dec.30 dahil last kaming nagkita nung pasko.
Pumunta sya sa bahay kasama ang pinsan nya pero dumaan lang sya para makita ako at umalis agad kasi may inaasikaso sila ng pinsan nya .
Nagkita ulit kami ng hapon namasyal kami sa palengke kasama ang mga pinsan nya at si wilma.Nagkita rin kami nung bagong taon sa park at pinakilala sakin si Princess na bestfriend nya at nalaman kong dati pala namin yung kapitbahay.
Ang sweet namin sa park magkaholding hands,magkayakap at wala kaming pakialam sa mga taong nakakakita samin.
Pero isang oras lang kaming nagkasama dahil umuwi na sila agad dahil tumakas lang sya sa kanila baka mapagalitan pa.2 weeks na kami ng pinagbawalan si Rose mag cp ng mama nya kaya hindi na kami nagkakatext. Minsan nakikitext at nakikitawag naman sya sa mga kaklase nya kaya kahit papano nakakapag usap parin kami. Minsan naman kapag vacant nya pumupunta sya dito sa bahay at dito nagtatambay.
Pero napapansin kong unti unting nagbabago si Rose sakin hindi na sya ganun kasweet at hindi narin sya nag i ilove you kapag matatapos na ang pag uusap namin sa phone.
Hindi ko naman sya pinupuna dahil ayaw ko mag isip ng masama sa kanya kaya kapag magkasama kami ineenjoy ko nalang.
Niyaya ako ng barkada ko na pumunta ng fiestahan para manuod dahil may mga dadating na artista at isa pa may imemeet din sya dun at meron din naman akong katext na taga don kaya nagpaalam ako kay roae at pinayagan naman ako.
Nakilala ko si Ghen at Amay sila yung mga katext ko dun at si Amay din yung katext ng kaibigan ko na si khim na nililigawan nya.
Kinabukasan umuwi na kami at dun kami natulog kina ate anna yung gf ni flor taga dun kasi sya.Minsan gustong gusto ko na halikan lalo si rose kapag kaming dalawa lang sa kwarto pero pinipigilan ko yung sarili ko dahil gusto ko ang first kiss namin ay sa monthsary namin.
Pero nung 22 hindi ko na napigilan kaya nahalikan ko sya pero smack lang.
Kinabukasan pinapapunta nya ako sa dorm ng kaklase nya dahil dun daw sila nakatambay, malapit na ako ng bigla syang nagtext na wag na ako pumunta kaya nagalit ako dahil sobrang init sa balat ng araw. Nagalit ako sa kanya at nag away kami sa text. Hindi nya ako tinetext at sya pa talaga may gana magalit kahit ako dapat ang magagalit eh.
Pero sya rin naman ang unang sumuyo sakin kaya nagkabati din kami.
Dumating na ang araw ng monthsary namin at nagluto ako ng sphaghetti habang wala pa sya dahil may klase sya.
Patanghali sya dumating dahil vacant na nya binigyan ko sya ng flowers and chocolate pero parang hindi sya masaya. Pakiramdan ko parang pangkaraniwang araw lang parang wala kaming cenecelebrate pero hindi ko nalang pinansin dahil ayaw kong masira ang araw namin.
Pumunta naman ang mga kaklase nya at pinakain ko nalang sa kanila yung niluto kong spaghetti at naging masaya din naman dahil makukulit ang mga ito. Nagrequest pa nga sila na ikiss ko si rose sa harapan nila para patunayan na mahal ko talaga at ayun pinagbigyan nalang namin dahil mapilit sila.Lumipas ang 3 araw nagpaalam ako na pupunta kami nina papa kina lola at malayo layo yun dito mga 5-7 hours ang byahe. 3 days kming mag sstay dun dahil dumating ang kapatid ni papa galing abroad may pasalubong daw samin eh.
1 day palang ako dun nagtext sakin ang friend ni rose na nalaman na daw ng mama nito ang tungkol samin at galit na galit daw ang mama ni rose kaya makikipagbreak na daw ito sakin.
At nagtext nga sakin si Rose na makikipagbreak na nga sya dahil ayaw nyang malayo ang loob ng mama nya sa kanya dahil mama's girl sya. Naintindihan ko naman sya kaya hindi na ako tumutol kahit masakit yun para sakin. Buti nalang nandun yung pinsan ko para icomfort ako si Kezhia. Ngayon ko lang sya nakita at nakilala pero naging close agad kami. Bihira kasi kami umuwi dito kina lola kaya yung iba kong pinsan hindi ko pa nakikita at nakikilala.
Pinapayuhan ako ni pinsan na makakaya ko rin na wala si Rose at madami pang babae dyan . kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Found You (Tagalog Lesbian Story)
RomanceIto ay tungkol sa isang lesbian na marami ng nakarelasyon pero walang tumatagal sa kanya dahil hindi sya makontento sa isa. Pero sa huli may makikilala sya na makakapagpabago sa kanya. Sana magustuhan nyo.