Di umepek yung Macchiato at ligo, ang sakit ng ulo ko kaya naman nakatulog sa biyahe. Ginising nalang ako ng piloto pagkalapag namin sa paliparan.
"Damn it" yun nalang nasabi ko dahil sa bigat ng ulo ko. Naligo ulit ako sa ospital noon bago pumasok ng operating room.
Napag-alaman kong isa palang Most-wanted yung ooperahan ko. At kailangan siyang mabuhay para sa impormasyong makukuha nila. Na-tense ako nun at pinagpapawisan na ng malamig.
Napansin ito ng assisting Doctor. "Doc, ayos ka lang po ba?"
"Paano kung mamatay to?"
"Si Doc naman, kayo pa ba. Eh isa kayo sa mga magagaling na cardio-thoracic surgeon"
"Paano kung sabihin ko sayong di ko talaga alam ang gagawin?"
Lumunok nalang siya at napanganga. "Kaya natin to Doc"
Pagkasabi niya yun ay biglang tumunog yung mga aparato at biglang nagflatline yung screen.
"Doc he's having a Cardiac arrest"
We started pumping his chest.
"Defibrillator, Charge it to 150 joules"
"Clear"
"Nothing"
"Charge it to 200"
"Clear"
"We're loosing him"
Lalo akong natense at pinagpawisan kaya naman bumalik kami sa manual pumping. Bumalik yung tibok ng puso niya.
"Shit, that was nerve wracking. Keep his vitals stable"
Matapos nun ay nagsimula na kaming operahan siya. Napaka critical dahil may mga organ adhesion ang pasyente. Nung matapos ang operasyon ay sobrang sama ng pakiramdam ko kaya naman nagtungo ako ng banyo at isinuka lahat ng laman ng sikmura ko. Parang nanghihina ako nun kaya napasalampak nanaman ako sa hallway ng ospital. Habang nakasubsob yung mukha ko sa mga braso kong nakaakap sa mga tuhod ko ay bigla kong naramdaman na may tao sa harapan ko. Pagtingin ko, it was Samuel. Bagong ahit, bagong gupit, bagong paligo, maaliwalas tignan.
"Liuetenant"
"Captain na Doc" sabay abot niya ng tubig sa akin.
Sumaludo ako pagkatapos kong makuha yung bottled water, siya naman umupo sa tabi ko.
"Naligo ka ngayon ah"
"Syempre, ayaw ko namang magmukhang basahan sa harap mo. Oh kumusta ka naman, di ka nagpaparamdam ah"
"Sorry ah, di ko nasagot mga txt at tawag mo. Naiwan ko kasi CP ko dito sa Pilipinas nung nag Hong Kong ako"
"Kaya pala akala ko kinalimutan mo na ako. Pero di ako nag give-up. Kaya nung malaman kung ikaw mag-oopera kay Akbar, pumunta agad ako dito."
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomansaIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...