Chapter 4

2.3K 117 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagrarounds ako sa 3rd floor ng makasalubong ko si Dra. Cherry.

"Uyy, Mi Cherry Amor. Kamusta?"

"Yan nanaman tayo sa Mi Amor na yan. May asawa na ko no, di ka pa ba nakamove-on sa akin?"

"Loko to. Si Rain kumusta?"

"Gwapo parin, type mo parin ba asawa ko?"

"Hala siya, pero pwede bang mahiram kahit isang gabi lang?" pabiro kong tugon.

"In your dreams Cedric. Nga pala, balita ko mag-aasign na daw ng bagong Head sa Surgery ngayon eh bat wala ka sa Board Room?"

"Nagtaka ka pa, di ako qualified"

"Over qualified ang sabihin mo. Eh sa training sa Korea, sasama ka ba?"

Nagtaka ulit ako sa sinabi niya. "Anong training?"

"Hala Cedric san ka ba mundo galing at di mo yata alam ang mga nangyayari dito sa ospital."

"Hayaan mo na Cher, bahala na sila basta ang akin lang magawa ko ng tama ang trabaho ko."

Nagpaalam na nga siya matapos nun. Ako naman dumaan sa Board room at nakita ko dun sina Dr. Yuli at si Martin. Parang nasaktan ako sa nakita ko, dahil kung skills, track record at training lang naman ang usapan ay lamang ako sa kanila. Pero ganun talaga ang buhay, kung sino pa yung deserving siya yung di nabibigyang pansin. Na-frustrate ako kaya umakyat ako sa rooftop at nasindi ng yosi. Sakto namang tumawag si Samuel.

"Hello"

"Ba't ganyan boses mo, ang tamlay?" tanong niya.

"Pagod lang bok, ba't ka napatawag?"

"Kinakamusta ko lang baby ko, masama ba?"

"Bok, this is not the right time for your jokes. Di nakakatuwa"

"Ano ba problema, sabihin mo sa akin"

"Wala"

"Ano nga, ramdam ko meron"

"Am I not a good doctor? Di ba ako deserving para sa title na yun?"

"Sus, sinong may sabi niyan uupakan ko. Ikaw na ata ang pinakagwapo, pinaka-sexy at lovable na Doktor na nakilala ko. At saka magaling pa."

"Bolero"

"Seryoso ako, kaya nga mahal ko yang doctor na yan eh. Doc, suture ka ba?"

"Hindi"

"Ako suture ako, I'm your suture. Your one and only"

Kahit corny ay medyo napatawa niya ako.

"Wag ka nang uulit ha?" pahayag ko.

"Nasa Manila na pala ako sa Linggo, sasama ka ba sa akin sa amin?"

"Siguro"

"Yan ka nanaman eh, kailangan ko ng assurance"

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon