Parang silang mga basang sisiw na hirap makalakad papunta sa opisina ko.
"Who gave you the permission to initiate operation in such case like that?" tanong ko.
"Doc sorry po, napilitan po akong mag-opera dahil kulang po tayo ngayon sa surgeons. Kaya binigyan po ako ng permiso ni Dr. Albert at Dr. Leon Tan-Gan to do it. Meron din po kasi silang on-going surgery kanina."
"And you panicked? Di niyo alam i-settle ang ganung sitwasyon? What the hell, pano kung namatay yung pasyente?"
Si Nurse Ja na ang sumagot. "Doc, mawalang galang na po ah pero ginawa naman po lahat ni Dr. Abrahano ang makakaya niya kanina. Kaya lang po nung sa may cardio-thoracic area na po, medyo nag-aalangan na siya. Sakto naman pong dumating kayo"
"But still, di na kayo estudyante para di alam ang SOP for such trauma cases"
Sumagot naman ang isang bagong Nurse. "Sir nagpanic lang po talaga kami"
"Don't call me Sir, I'm not a teacher"
"Sorry po Doc"
"You all really did your part but it's not enough. Ayoko nang mangyari to. The patients almost died in the operating table. He suffered from hypovolemic shock at di niyo alam ang tamang procedure?"
"Marami po kasing complications Doc" tugon ni Nurse Ja.
"That's not an excuse"
"Ok, Doc Cedric, it's all my fault I'm sorry. Nadamay lang sila" tugon ni Martin.
"Sorry po Doc di na po mauulit. Nagpanic lang po talaga kami dahil napaka-critical po ng case na yun. Lahat po kasi kami dun kanina ay mga baguhan at kulang pa sa skills" paliwanag nung bagong Nurse na tinawag akong Sir kanina.
"What's your name again?" tanong ko.
Nag-aalangan pa siya noon na sumagot pero sinabi niya din ang pangalan niya. "Renz po Doc"
"Well Renz I don't need skills I need attitude & common sense Ok? We don't hire 2nd best, if you're hired here you're one of the best. Maliwanag ba? Hindi sa tagal yan eh, it's about passion and dedication sa work".
"Opo Doc, noted"
"Nag-dinner na ba kayong lahat?" umiling lang sila.
"Tara, kain tayo my treat"
Agad naman silang nagalak.
Balisa parin si Martin habang nagdi-dinner kami kaya naman matapos kaming kumain ay inaya ko siyang magkape para makausap narin.
"I'm sorry for being stubborn kanina, I'm just exhausted and not on the mood" pahayag ko.
"Ok lang, tatanga tanga naman kasi ako eh. Sorry Cedric ah, masyado na akong pabigat"
"Don't say that, hindi ka tatanga tanga. Well I admit it, minsan. You're just afraid, you have skills pero mas dinadaig ka ng takot mo, mga what if's mo"
"Siguro I'm not really deserving to be called a Doctor"
"Nagreresidency ka palang naman, lahat tayo dumaan diyan. You'll learn along the way"
"You know what kung bakit ako laging takot, because I don't want to see another man dying in-front of me"
"Go on, I'm listening" sabay sip sa Macchiato ko.
"It was two years ago pero iniiyakan ko parin pag naalala ko. Naka-duty ako nun sa ER, at isinugod dun yung Mama ko na nag-aagaw buhay dahil nabangga yung sinasakyan niya. Wala akong magawa kundi panoorin ang mga ibang doctor para irevive ang Mama ko. Wala akong nagawa kundi umiyak imbes na tumulong para siya ay mabuhay. Ganun ako lagi, bakit ganun. Pinanood ko lang siyang mamatay."
Parang nakaramdam ako ng guilt ng marinig ko ang story niya. He is a good son, a good person and a good Doctor. I just hate him because I'm jealous & I'm such a brat. Instead of mentoring him what I did is push him away. All of a sudden niyakap ko siya, di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Nabigla man kaming parehas pero wala na kaming nagawa.
"I envy you Cedric. I envy your skills, I envy you having a perfect life & a perfect family. You're my idol. I like you, I want to be like you"
"Be who you are, don't be a son of a bitch replica"
"So are we friends now?"
Tumango lang ako at nakita ko yung gumuhit na ngiti sa gwapo niyang mukha.
"Tang ina gwapo talaga tong mokong na to" tugon ko sa sarili ko. Tinuloy kung pinagmasdan ang mukha niya at parang ini-scan ko ang buo niyang kaluluwa.
Medyo nailing siya sa ginawa ko kaya nag-iiwas siya ng tingin.
Itutuloy....
Follow me: PrinceZaire
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...