Malalim na ang gabi kaya naman nagdesisyon akong sa Director's Quarter nalang ako matulog. Pagbalik ko ng ospital ay sakto namang nakasalubong ko si Samuel, pero as usual kahit na naka hinto na ako ay di parin niya ako pinapansin. Para lang akong hangin, direderetso lang siya sa paglalakad.
"Manong guard pakisabi naman po diyan sa lalakeng yan kung anong problema niya ba't di niya ako pinapansin, pakisabi miss ko na siya." Sigaw ko.
"Eto po ba Doc?" sabay turo kay Samuel, tumango nalang ako.
"Oh miss ka na daw ni Doc. Wag kang pabebe diyan, siya lang naman may ari ng ospital na ito" malakas na pahayag ni Manong Nestor. Wala paring reaksiyon si Samuel, tuloy tuloy lang siya sa kung saan man niya gustong pumunta.
"Goodnight Bok" sigaw ko, pero para lang humalik sa hangin yung boses ko.
Kinaumagahan ng pauwi na ako, nakasalubong ko ulit si Samuel. Mukha siyang may dinadalang mabigat na problema maliban sa bitbit niyang mga prutas at mga gamot. Kaya naman nagtaka na ako kung sino yung pasyente niya.
"Kung kailangan mo ng makakausap andito lang ako. Pero kung mas mabuting di nalang din kita papansinin at kalimutan nalang natin ang isat isa sige kahit mahirap gagawin ko" sigaw ko.
Napag-alaman ko dun sa mga Nurse na ang pasyente pala ni Captain Singson ay yung babae nun na tinulungan ko, yung nakunan.
"Nurse kaano-ano daw ni Captain Singson yung babae?"
"Asawa daw ata doc"
"Ah ganun ba" matipid kong sagot. Tinignan ko yung record nung babae "Micaela Janine Cruz" siya nga yung girlfriend ni Samuel. That night nakasalubong ko ulit si Samuel.
"Now this is goodbye. Thanks for the company" tugon ko. Dun lang siya huminto at lumingon sa akin, sakto namang naglalakad papunta sa direksyon ko nun si Martin.
"Cedric, dinner tayo?"
"Sure" sumama nga ako sa kanya.
Simula nun wala nalang sa akin kung makita ko man si Samuel, umiiwas nalang ako. Umiiwas rin akong mag-rounds sa ward na yun. Masakit man sa akin pero kailangan ko yun tanggapin, ano naman laban ko sa girlfriend niya diba. Wala! Nang sumunod na araw na-discharge narin ang paysente.
Naging close kami ni Martin matapos ang insidenteng yun sa OR. Siya palagi kasama ko mag lunch, mag-meryenda or mag-dinner. Nang makita kami ni Dad na mag-kasama, inasar niya ako.
"Anong hangin umihip sayo?"
Inirapan ko lang siya.
Nang minsan umuwi ako sa bahay matapos ang gimik kasama si Martin ay agad akong kinausap ni Dad.
"Cedric, bawal kang mainlove kay Martin. Iba nalang, basta wag lang siya"
"Why are you telling me that? Malisyoso nito, kaibigan ko lang siya no? Bakit type mo rin ba?"
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...