prologue

1 0 0
                                    


♪♫ Oo nga pala, hindi nga pala tayo ♫♪

Ganda ng kanta sa iPod ko. My most favorite, Migraine.


Nakakapagod na. Yung mata ko mugtong mugto na. Paano pa ako haharap sa tao.


Ayy may training pa pala.


Wait nasan yung payong ko? Sumabay pa 'tong ulan sa pag-iyak ng puso ko. Talaga nga naman.


Sabagay, buti pa yung ulan nadadamayan ako.


Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school galing apartment, kakagising ko lang ng makatulog ako mula sa pag-iyak. Namimiss ko na siya, tanginuh. Sumabay pa 'tong ulan, at no choice mag-intay ng taxi dahil wala akong payong.


*beep* *beep*


May pumaradang isang kotse sa harap ko ibinaba ang bintana. Mukhang gwapo naman. Naka-shades kasi hindi ko masyadong ma-aninag.


"Miss okay ka lang? Mukhang basang-basa ka na ah? Saan ka ba papunta?"


"Okay lang ako, kung tatanungin mo ko kung gusto ko sumabay, well o-Oo na ako. Malelate na kasi ako sa training. Pwede ba makisabay?" Mahabang litanya ko. Mukha namang mabait eh!


"Sure. Saan ka ba?"


Pumasok na ako sa kotse at sakto namang papuntang school din ang daan niya. Tahimik lang ang byahe at salamat namang walang traffic. After 20 minutes nasa tapat na ako ng gym. Pinagbuksan niya pa ako pinto ah, wow dagdag points.


"Thank you sa paghatid ah. I'm Pauey."


"Anytime. Kapag kailangan mo ng gwapong driver. Jake nga pala."


"Mahangin masyado no? Pero thanks ulit. Pasok na ko."


At isa nanamang nakakapagod na training. Mamamatay na ata ako.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MigraineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon