Sumpa

244 5 3
                                    

Ako si Michael, anak ng mga mayari ng isang malaking companya.
Ang aking mga magulang ay naging matagumpay sa buhay dahil sa kanilang pagsisikap. Marami kaming ari-arian tulad ng bahay, lupa, alahas, companya at iba pa. Halos nalibot na ng aking mga magulang ang buong Pilipinas dahil sa uri ng kanilang trabaho.

Sa tabi ng aming bahay ay may isang matandang puno at napaka taas, naikwento saakin ng aking lolo na maraming dekada na ang punong iyon at mas nauna pa ang punong iyan na itinayo kaysa sa aming malaking bahay kaya naman ay naiisip ko na mas matanda pa ang punong iyan. May nakapag sabi sakin na kung sino man ang pumutol at kung ano man ang gawing masama diyan sa puno ay isusumpa. Hindi ako naniwala

Isang araw, ay may ginagawang bahay sa tabi ng bahay namin, kumuha ako ng pako at martilyo, pinukpok ko ang pako ng martilyo hanggang sa ito ay bumaon sa puno at dahil hindi ako na niwala ang akala ko ay kuwentong matatanda, nagawa ko iyon.

...... Kinagabihan sumama ang pakiramdam ko, sumakit ang tiyan, ginaw na ginaw at bumigat ang katawan kaya naman dinala ako sa hospital ng aking mga magulang. Chineck up ako ni dok pero wala namang nakitang kakaiba kundi ang mga simpleng karamdamam lamang. Sinubukan akong dalhin sa iba't ibang hospital pero ganon parin.

Tinanong ako ng lolo ko. "Apo, may ginawa ka bang masama sa puno?"

Sumagot ako. "Meron po, pinakuan ko po ang puno."

Nag tanong ulit si lolo. "Bakit mo ginawa yon? Diba't sinabi ko sayo na bawal iyon!"

Sinabi ng lolo ko sa aking mga magulang na dalhin ako sa albularyo para doon mag patingin. Ng una ay nag alinlangan ang aking mga magulang kinonbinse ng lolo ko sa pamamagitan ng pag sabi ng dahilan kung bakit ako nag kakaganito.
Pagkatapos noon ay dali-daling kaming pumunta sa albularyo.

Nang kami ay makarating doon ay tinanong ng aking ama kung anong meron sakin.

"Ano po bang nangyari sa aking anak?" Habang nag aalala pati ang aking ina.

"Malalaman natin..." Sabi ng albularyo

Gaya ng mga kadalasang ginawagawa ng mga albularyo ay nag patak ng natutunaw na kandila ang albularyo sa tubig at biglang may nabuong puno at nang inulit ay may isang tila kapre.

"Sinasabi ko na nga ba, nasumpa ang apo ko." Sabi ng aking lolo ng pabulong

"Maaaring sinumpa ang anak niyo mister at misis." Sabi ng albularyo.

Sinabi ng albularyo sa mga tila engkanto ay lumayo na saakin.
Nag alala ang aking mga magulang at nagpasalamat sa albularyo dahil sa impormasyon.
Panandaliang nawala ang aking malubhang karamdaman.
Makalipas ang ilang buwan ay dumating ulit ang malubhang sakit ko.
Sinubukan nilang magpatingin sa pari at dinasalan na layuan ako.
Nang mga panahong iyon ay hirap na hirap na ako ngunit gumaan naman ang aking pakiramdam.

Makalipas nanaman ang ilang buwan ay bumalik ito. Hindi na alam ng aking mga magulang kung ano ang gagawin kasabay nito ay na lugi na ang companya ng aking mga magulang, nawalan na kami ng pera dahil dito naibenta na ang aming lupain, kotse, alahas at iba pa at marami pang kamalasan ang dumating.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note
Again, don't forget to vote or comment. Maslalo po kasi akong ginaganahan mag sulat ng marami horror stories. Thank you all.

Tagalog Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon