naLRT LOVESTORY AKO (one shot)

282 19 36
                                    

(Syempre kung may jeepney lovestory dapat meron din nito xD 1D Girls para sa inyo to)

--CallMeBabYnns :*




Grabe Christmas vacation nga pero kami ng mga kaibigan ko eto papunta sa National Library para gumawa ng thesis namin...





Sa dami ng tao kulang na lang eh sila ang sakyan mo (huhu tawa kayo dali xD)

at nakakaloka, ngayon na lang ulit ako makakasakay ng LRT tas ang bubungad sakin siksikan to the max.No choice naman kami kundi sumakay na dun, pagpasok na pagpasok namin woooh malamig nga kaso dami lang sakay.

Sinimulan ko iikot ang mata ko kahit siksikan (hehe gawain ko lang po talaga)

yung iba nakaheadset kumakanta pa nga si isang kuya oh,

yung iba natutulog, at yung iba kwentuhan lang.







Ay huminto pala, bababa na si ateng nasa harapan ko, nakaupo eh diba nga nakatayo kasi kami so turn ko na para umupo yehet XD




Gie: Swerte naman ni Rere nakaupo na sya (friend ko po sya at opo ako nga po pala si Rere)


Ngumiti na lang ako kay ate Gie nang biglang may nasa harapan ko na pala (you know tayo tayo din pag may time)





Nagulat ako kasi ang tangkad niya, masasabi kong cute sya kahit parang ang serious nya masyado tas nakaheadset pa. Palihim lang ako tumitingin sa kanya syempre nakakahiya rin at para di mahalata sige tingin lang sa iba.







Maya-maya huminto ulit, ang nasabi ko na lang sa sarili ko "sana wag muna sya bumaba please" *crossfingers*
















at yehet hindi nga! Magdiwang tayo hahaha.








Umandar ulit at medyo lumuwag luwag na, akala ko aalis si kuya na nasa harapan ko pero hindi pa rin. Kinilig nga ko eh kasi nagkatitigan kami OHMY !!!! Iwas naman ako kaagad ng tingin, nang bigla syang napakanta ewan ko kung anong kanta yun pero eto mismo yung part na kinanta nya.




"It's now or never baby it's now or never"





Napatingin ako sa kanya, nagulat na lang ako na nakatingin rin pala sya sakin. Does it mean na kanina pa nya ko tinitignan ? Ok let me rephrase it, edi mas nauna nyang tinignan ako? *kilig OVERLOAD* kumabog naman si heart ko nun, tumigil ata ang mundo sa pag-ikot kasabay ng pagtigil ng sinasakyan namin.





Ngumiti sya nang medyo parang mapait (yung makikita na parang nanghihinayang) at dun ko lang napansin na bababa na pala sya, di ko alam ang mararamdaman ko tinitigan ko sya habang tinititigan nya rin ako hanggang sa makalabas na sya. Nagkakandabali bali na nga leeg ko para lang di sya mawala sa paningin ko. Nakakalungkot pero kahit papaano pala napangiti nya pa rin ako for the last time,









kasi bago ulit umandar nagmadali syang kumuha ng papel at ballpen binasa ko naman syempre yung sinulat nya at ang nakalagay,











"naLRTLOVEstory ako sayo, magkita sana ulit tayo :*"







Kulang na lang mawasak ang labi ko sa pagngiti , kung magkita man kami ulit salamat sa pagkakataon na yun at aaminin ko naLRT LOVESTORY din ako sa kanya :)









END~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

naLRT LOVESTORY AKO (one shot) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon