Simula

23 1 1
                                    

Mahirap mahulog sa taong iba ang kilos sa ibinubuka ng kanyang bibig

Mahirap kapag na-attached ka na sa isang tao at kapag doon mo na sila minahal ay saka ka naman nila iiwan na parang hindi ka din nila minahal o dapat bang itanong na minahal ka nga bang talaga ?

Kung yung dating "Kapag talaga binigay mo sakin ang tiwalang yan hinding-hindi ko yan sasayangin iingatan ko yan dahil kapag nangyare yun ako na ang pinaka-masaya at maswerteng lalaki sa mundo"

Ngunit tatapusin lang niya sa isang sorry kasama ng kanyang dahilan na napaka-imposibleng paniwalaan.

Mahirap maiwan sa ere lalo pa at yung tao na minahal mo ay ginawa mong mundo mo.

Hindi mo masagot lahat ng tanong sa isipan mo dahil okay naman kayo.

Paulit-ulit na binasa baka namamalik-mata. Sinampal-sampal ang sarili at nagbabakasakaling panaganip lang na iniwan ka niya ng tuluyan

Ngunit hindi

Dahil tapos na. Tinapos niya ng wala pang nauumpisahan sainyong dalawa. Tinapos niya na kahit kailan hindi nagkaroon ng titulong mayroong "Tayo"

Napaka-sarap mainlove ngunit madaming proseso bago mo makamit ang Happy ending, walang kasiguraduhan kung ang taong nakakasama mo ba ngayon ay ang taong makakasama mo sa pang-habang buhay

"Kung gaano ka kabilis na dumating, ganun ka din pala kabilis na mawawala sakin. Ang hirap, sobrang sakit lalo pa at sobra na kitang minahal. Nasanay sa mga bagay na ikaw lang ang nakapag-pabago"

"Sobrang mahal na kita pero habang sobrang minamahal pala kita doon ay unti-unti ka ng nawawalan ng gana"

***
WARNING : Puro conversation ang nilalaman ng istoryang ito. If you find that boring just find another story that suits your taste. Thanks

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Easy Come, Easy GoWhere stories live. Discover now