Nakarating na si Mara sa isang pinakamalapit na lugar kung saan merong mga paupahan. Laking tuwa nya dito at agad na nilapitan ang isa. "Trinidad's Dormitory" ang basa ni Mara sa isang cupboard sign na ito. Ngumiti sya at agad na lumapit sa reception booth.
Maluma luma ang mga gamit at napapaligiran ng mga mwebles na maalikabok ang paligid nito na tila wala nang naglilinis pa at gumagalaw. Gawa sa kahoy ang mga upuan at halatang sinauna pa ito. Nakita si Mara ng isang matandang babae at agad syang tinanong nito. "Iha, anong kailangan mo, may maitutulong ba ako?" agad na sambit nito. "Ah. Opo, naghahanap po kasi ako ng dorm room na mauupahan dahil magtatagal po ako ngayon sa Maynila dahil dito na ako magaaral. Mayroon po ba?" ang kanyang nasagot.
Ngumiti ang matanda at sinabing "Meron dito, teka lang at kukunin ko ang susi ng kwarto mo" tumalikod na ito at yumuko upang hanapin ang susi sa isang maliit na drawer na gawa sa kahoy. Tinitingnan ni Mara ang matanda, sa hula nya ay nasa mga 70 o 80 years old na ito, dahil maputi na ang mahabang buhok nito at kailangan na din ng tungkod para makatayo. Humarap na ang matanda at inabot na kay Mara ang susi. "Halika na, sasamahan na kita sa taas para ihatid sa kwarto mo" ang sinabi ng matanda
Agad na binuhat ni Mara ang kanyang mga gamit at nagmadaling sinundan ang matanda. Habang naglalakad nagawa na lamang magtanong ni Mara "Asan na po yung mga ibang taong umuupa dito kayo lang po ba magisa?" ang mga natanong lamang nya. "Baka natutulog na ang iba, dahil gabi na din. Ang mga tauhan eh umuwi muna ngayon dahil hindi naman din sila stay-in dito"
Ngumiti na lamang si Mara. Nakarating na sila sa kanyang kwarto. "Pag may kailangan ka, tawagin mo lang ako sa baba. Ako si Aling Trinidad" ang sinabi na lamang nito.
Sinarado na agad ni Mara ang pinto dahil dama nya na ang pagod dahil sa byahe. Nagbihis na sya at humimlay na sa kama na tama naman para sa isang tao. Pinagmasdan nya ang paligid, malinis naman ito ngunit hindi ganoong kaliwanag ang ilaw dito at walang sariling banyo. Bago pa man, napikit na ang mga mata ni Mara at sya'y natulog na.
Umaga na at tumunog ang alarm clock sa celphone ni Mara. Agad syang nagising at bumaba sa maliit na canteen ng dorm para magalmusal. Nakita nya agad si Aling Trinidad na nagluluto, naamoy nya ang niluluto nito at tinanon na lamang nya kung ano iyon. "Aling Trinidad, ano po yang niluluto nyo bakit kulay green tsaka masangsang ang amoy?" "Papaitan ito ineng, ito ang paborito kong kainin sa kahit anong oras, gusto mo ba?" Sabay ngiti ng matanda na kita ang maiitim nitong ngipin.
Tumango na lamang si Mara. "Gusto ko po sanang scrambled eggs tsaka kape" sambit ni Mara. "Nako iha, wala akong maluluto na ganoon sayo! Bukod sa malayo ang tindahan wala ang kusinera namin para ipaghanda ka" ang sagot ng matanda. "Ay ganoon po ba" desperadong sagot ni Mara.
Tinanong na lamang nya kung saan ang banyo para sya ay makaligo na at dun nalang kumain sa labas. Tinuro ito ng matanda at sinabing dun pa ito sa bandang sulok at inabot ang susi kay Mara. Kinuha na ito ni Mara, at pinuntahan na ang nasabing lugar ng matanda. Nilakad nya ang hallway papunta dito. Nakakaramdam si Mara ng bigat ng pakiramdam na parang may sumusunod na kung anong bagay sa kanya. Nilingon nya ito, at wala naman syang nakita kundi dilim.
Narating nya na ang banyo at pinasok na ang susi. Hinanap nya ang switch ng ilaw dahil madilim ang paligid at di pa nya ito makapa. Napindot nya na ito at ayaw naman gumana kahit anong ulit nya, pinasya na lamang nya na maligo ng nakabukas ang pinto wala namang tao at para lumiwanag paligid nya.
Sinimulan nya nang magbuhos at magbanlaw. Nakakaramdam si Mara ng mga yapak. "Sino yan? May naliligo po" sigaw ni Mara. Palakas ng palakas ang yapak at parang palapit ng palapit ito. Agad nyang kinuha ang twalya para matakpan ang sarili at agad na lumabas "May naliligo po..." laking gulat nya at wala naman palang tao. Tumalikod na si Mara.
Laking gulat nya dahil sa kanyang pagharap bumungad sa kanya ang isang maduming lalaki na pulang pula ang mata. May hawak itong kutsilyo at agad na sinugatan ang braso ni Mara. Tumumba si Mara sa malamig na sahig ng banyo at agad na gumapang palabas. Hinila sya ng lalaki at agad na pumiglas si Mara.
Tumakbo si Mara agad papunta sa kanyang kwarto at takot na takot at humihigop ng hinga, dahil sa kaba. Sinubukan nyang sumigaw sa loob ng kwarto at sakaling marining sya ng ibang tao sa tabi. Inisip na lamang nya na, magbihis at kumuha ng isang bagay para maipang hampas sa lalaki. Pagbukas nya ng cabinet, ito ay isa sa mga bagay na kanyang pagsisisihan. Nasa loob ang lalaki at agad syang sinakal at sinaksak sa dibdib ng isang patalim, at kinagat ang kanyang leeg.
Hirap na hirap na sa paghinga si Mara hanggang sa nagdilim na lamang ang kanyang paningin.
Makaraan ang dalawang linggo...
Bagong lipat si Jessica sa "Trinidad's Dormitory" magaalmusal na sya sa ibaba at nakita nya si Aling Trinidad. Nakita nyang may nilluluto ito at agad nyang tinanong kung ano iyon. "Papaitan yan ineng, gusto mo ba?" Umayaw ang dalaga, nasabi din sakanya ng matanda na walang magluluto para sakanya ng almusal. Kayat naisipan na lamang ni Jessica na maligo at sa labas na kumain. Pumunta na sya sa banyo para maligo.
Nagmadaling pumunta sa likod bakuran si Aling Trinidad at nilapitan ang isang kulungan na natatakan ng mga plywood. "Bilisan mo, handun na si Jessica sa banyo atakihin mo na" ang sabi ng matanda sa binatilyong madumi at mapula ang mata na parang umaayaw pa sa utos. "Sige ka, ikaw din. Malapit na maubos si Mara. Huling parte nya na niluluto ko, mawawalan tayo ng papaitan".