The Wedding

2 0 0
                                    

Maika's PoV

Nasa harap na kami ng altar at patuloy na nagsasalita ang pari. Ewan ko ba. Ang lungkot ng puso ko. Ikaw ba naman ang ipagkasundo ang kasal sa hindi mo mahal. Pero kailangan sumunod kung ayaw mong malintikan.

"Matt Lim, tinatanggap mo ba si Maika Sebastian bilang kabiyak ng iyong puso.... habambuhay... sa hirap at ginhawa..." tanong ng pari kay Matt.

"Opo father." Mabilis niyang tugon. Ako naman ang tinanong ng pari. Lumingon muna ako sandali sa kinaroroonan ng aking ina kaya inulit ng pari ang sinabi niya.

"Inuulit ko, tinatanggap mo ba-" di ko na pinatapos ang pari sa sinabi niya. "Opo father."

Halos wala na ako sa sarili pagkatapos kong sumagot. Hindi ko na narinig ang mga sinabi ng pari basta natigilan nalang ako nung malakas na sinabi ng pari. "I now pronounce you husband and wife! You may now kiss the bride.''

Humarap sa akin si Matt. Napapikit nalang ako nung humalik siya sa akin at hindi ko napansing tumulo ang mga luha ko.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

"okay, picture time!"

"Yung parents muna tapos ang mga kapatid."

Isabel's PoV

Masaya akong tiningnan si ate habang abala ang lahat sa pagkuha ng photos. Masaya nga siguro ang ikasal pero bakit parang hindi masaya si ate. Alam ko at damdam ko na pinipilit lang niya ngumiti.

"Hindi kaba sasali sa kanila?" Napalingon ako kay James sa tanong niya.

"Wag na. Hindi ko bet." Maikling tugon ko pero sa puso ko alam ko di dapat nangyari ang kasal na to.

"Gusto mo sumabay sa akin papuntang reception?"

"Thanks pero may kotse ako."

"Kunsabay mas maganda yun."

"Hindi naman ako mapili. Mas bet ko lang kotse ko. Akin yun eh at saka maiiwan yun dito kung makikisakay ako sa kotse mo." Ano ba iniisip ng lalaking to. Kahit naman may driver ako, di ko iiwan kotse ko no.

"Wala akong kotse. Motorcycle yung tinutukoy ko. Masaya dun. Masaya sumakay ng motor." Motorsiklo? Hmm... dream ko rin sumakay dun. May ganyan din kuya ko kaso hindi ako pinapayagang sumakay.

"Sa susunod nalang pag may time. Salamat sa offer mo." Ibang klase din ang lalaking to. Humahanap ng paraan.

😆😆😆

Nasa reception na kaming lahat. Masayang kumakain at sumasayaw naman ang iba. Kanina ko pa pinagmamasdan ang bride at groom habang sumasuyaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Heaven Will Fall To The EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon