March 2014
It's been a week since I graduated from highschool. Wow, I can't believe college na ako sa susunod na pasukan. They say college is more fun than high school, you know, those stuff that underage high schoolers are not allowed to do. Ate said freeing daw ang pagiging college student. I don't know if I'll agree with her kasi 'di ba, college will pave the way to your dreams? So you'll have to work hard, saan ang freeing doon? Maybe because of the flexible schedule? I don't know, really. Baka 'di lang nag-aaral nang mabuti 'tong ate ko kaya feeling free siya.
Basta ang nasa isip ko lang ngayon, bakasyon. Yes! Summer vacation! And we are discussing about it now. At syempre, naag-usapan na namin n ate ko kung saan namin gustong pumunta this summer.
"Ma, Bridge and I decided to have our vacation on Lola Rosario's house sa province. Like, every summer for the last 4 years, lagi nalang tayo doon kay Lola Aurora. Sawa na kami doon." Ate Belinda said. Napatango tango naman ako para lalong convincing.
"I agree, ma. 'Yung photos ko sa IG tuwing summer same lang palagi ng location at scenery. Baka puwedeng maiba naman po? Tsaka we miss Lola Rosario!"
We don't. She's strict kaya! The reason why we would like to have our vacation doon is because medyo pabida si ate sa mga friends niya and recently, sikat na sikat na bakasyunan ang probinsya nila lola because of the beach there. Ako ang habol ko lang naman ay magandang feed sa IG. That's all.
My papa sighed, halatang ayaw sa gusto namin pero wala siyang magagawa. The thing is, as much as possible ayaw niya kaming pumunta doon. Lola Rosario and my papa are not in good terms. Kaya kapag doon kami nagbabakasyon, hindi namin sila kasama ni Mama at siyempre ayaw niya no'n.
I saw mama held papa's hand and then she smiled. As if telling him it's fine. Aww, they are so in love with each other!
"Okay, fix your things. We're leaving this weekend." Mama said.
My sister and I fist bumped secretly.
Bago matulog ay nag-ayos na kami ng gamit namin ni ate kahit sa makalawa pa naman kami aalis. Para if ever may maalala kaming dapat isama sa mga dadalhin, mailagay pa sa bagahe. Alam niyo naman kapag babae, ang daming arte sa katawan pati na sa damit! Tapos siyempre, skin care routine. Tig-isang maleta ang dala namin ni ate, nakakatawa nga dahil mukhang mag-iibang bansa kaming dalawa.
"Sis, anong kulay ng dala mong bikini? Baka magkaparehas tayo eh." Tanong ni ate hawak hawak ang kulay black na two-piece.
"Red ang dala ko tsaka puti. Meron kang dilaw, 'di ba? 'Yon at 'yang black nalang dalhin mo." Sabi ko at pinasok na sa bag ang dalawang bikini.
"Shuta, 'yung red ko sana ang dadalhin ko. Pero sige na nga." Ibabag niya na sana 'yung bikinis niya nang mapatigil, "Gago, ito na 'yung gamit ko last summer eh! Ibang kulay nalang dalhin mo, 'wag na 'yung red."
Napairap ako, "Mas maganda hubog ng puwet ko doon sa red kaya 'yun 'yung susuotin ko sa beach, 'wag ka nga! Suotin mo nalang 'yung SO-EN mong panty kung ayaw mo umulit."
"Punyeta. Bibili na nga lang ako ng bago bukas. Samahan mo ko ah."
Ano pa nga ba.
Ate Belinda, or Billy, is only 2 years older than me. Unlike other sisters na hindi masyadong close, I treat my sister as my best friend.
I have friends din naman sa school and sa neighborhood but Ate Billy is my bestest.
"Hi po Lola!" bati ko sabay mano sa kanya. Ganun din ang ginawa ni ate. "Musta na po kayo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Hot Summer Nights (On-Going)
General FictionThere's always that one summer that we will never forget. Do you wanna hear the story of my unforgettable one?