"Ate! Ang gwapo na ni Carl! Naku, kung nakita mo lang! Di mo siya makikilala!" sabi ko kay ate pagpasok ko dito sa kwarto niya.
"Sinong Carl?" tanong niya habang nakapangalumbaba sa harap ng laptop niya.
"Di mo maalala? Si Carl! Yung kaibigan ko dati? Yung babakla-bakla!" umupo ako sa kama niya at kinuha ang isa niyang unan.
"Yung payatot tapos palaging may sipon?" di ko alam kung matatawa ako sa pinagsasabi ni ate Belle, talagang yun ang description na naalala niya kay Carl?
"Oo!"
Nilingon niya ako saglit tapos tumingin ulit siya sa laptop niya, "Di ko maalala."
"Ate naman nanloloko eh!" hinampas ko siya ng unan tapos niyugyog ko siya. Minsan talaga, di ko siya nakakausap ng matino eh.
"Oo na, oo na! Naalala ko na. Gwapo na ngayon? Tapos? Crush mo?"
"A-Ano? Hindi 'no!" tumayo na ako para bumalik sa kwarto ko.
"Deny ka pa! Landi mo! Hahaha!" sigaw pa ni ate bago ako makalabas. Dinilaan ko lang siya.
Ewan ko kung bakit hindi maalis sa utak ko yung seryosong mukha ni Carl. Grabe, parang hindi siya naging lalampa-lampa at babakla-bakla dati. Ayon sa naalala ko, kaibigan ko si Carl. Nagkakilala kami noong nagiipon ako ng mga shells sa dalampasigan. Tinulungan niya ako dahil alam niya kung saang parte marami noon. Payat siya dati, yung tipong parang isang pitik mo lang, tatalsik na siya. Pero ngayon, maganda na ang pangangatawan at gwapo pa!
Kinuha ko ang laptop ko at nagfacebook. Buti nalang dala ni ate yung pocket wifi namin.
Pagka-open ko palang ay sinearch ko agad ang pangalan ni Carl. Kaso lang, hindi ko maalala ang apelyido niya! Malas. Next time nalang.
--
"Siiis! Halika dito!" aya ni Ate Belle na ngayon ay naliligo sa dagat. Hindi siya naka-two piece. Nahiya din siguro. Pero kahit ganoon, may mga lalaki pa ding nakatitig sa kanya kahit gabi na. Maganda ang katawan ni ate, kutis porselana pa.
"Ikaw nalang! Teka, ihi lang ako."
Pumunta ako sa may maraming puno para hindi makita na umiihi ako. Huhubarin ko na sana ang salawal ko nang may marinig akong kaluskos sa likod ko.
Shocks! Katakot! Sino 'yun? Ano 'yun?
\
"S-Sino 'yan?" tanong ko
Biglang may humila sa akin palikod kaya napahiga ako sa damuhan. Anong gagawin niya?! Naku po! Wala pa namang tao dito! Ang tataas pa ng puno kaya malang hindi kami makita! Jusko!!
"S-Sino ka? Anong gagawin mo sakin?" kinakabahang tanong ko.
"Ssshh.. ang daldal mo pa din.." nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. Nakapatong siya sa akin. Nakatukod ang braso niya sa damuhan kaya kontrolado ang bigat niya.
Ang boses na 'yon. Boses binata na talaga. Dahil sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang mukha niya..
"C-Carl.." mahinang sambit ko.
BINABASA MO ANG
Hot Summer Nights (On-Going)
Ficción GeneralThere's always that one summer that we will never forget. Do you wanna hear the story of my unforgettable one?