Her 1o4 Side

22 3 0
                                    


Ang bilis ng panahon ngayon graduating na kaming lahat. Isang taon na rin ang nakakalipas simula nung huli naming bonding ng mga tropa.  Akala ko mauulit pa yun pero hindi na dahil busy kami last year sa ojt namin lahat. Wala naman nagbago samin maliban lang saming dalawa ni Yukio dahil kung ano kami noon ganoon pa rin kami hanggang ngayon. Mukhang malabo ng bumalik ang dati naming samahan. Lumipat na din kami ng bahay, doon na din kami sa village nakatira. Gusto ko sanang sabihin kay Yukio na lumipat na kami pero mukhang wala din naman syang pakialam dahil kung meron man sana hindi nya ko iniiwasan hanggang ngayon.

"Ven." Tawag ko dito. "Kamusta ang thesis mo?" Excited kong tanong dito pero ngumiti lang ito at umiwas sakin ng tingin. "Bakit anong nangyari say---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla ako nitong yinugyog.

"Naize katulad mo na din ako." Nakngtinapa to, kanina pa ko nahihilo kakayugyog nya sa akin. "Hihintayin na lang natin ang iba. Sampalin mo ko baka mamaya panaginip lang to." Dahil ni-request nya ito sinampal ko sya ng pagkalakas lakas.

"Aray!" Reklamo nito sa akin. "Hindi ako ang kaaway mo Naize. Bakit mo naman ako sinampal ng malakas para namang niloko kita sa ginawa mong yun." Pagkasabi nyang yun tumawa na lang ako at tinapik tapik ko ang likod nya.

"Syanga pala Naize hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ni Yukio?" Tanong nito sakin na kinagulat ko naman.

"Okay naman kaming dalawa, ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko dito habang nakakunot ang noo.

"Mukha mo, wag mo kong lokohin Naize." Sabay ngiti naman nito at daretso syang nakatingin sa likod ko. "Yukio kamusta ang thesis mo?"

"Passed." Sabi nito kaya naman napatingin ako sa kanya yang ngiting yan ang gusto ko laging makita sa kanya.

"Congrats." Sabi ko dito at tumango lang ito sakin bago muli nyang binaling ang tingin nya kay Ven. Siguro nga hindi na maibabalik pa ang samahan naming dalawa ni Yukio noon, siguro nga hindi na nya kong tinuturing na kaibigan nya. Maglalakad na sana ako ng marinig ko ang boses ni Mien. "Yuki congrats, nakapasa tayong dalawa. Blow-out na to." Napatingin ako sa kanila at nakita ko kung gaano kasaya silang dalawa. Tama mukhang malabo na kaming bumalik sa dati ni Yukio.

I heavily sighed. Dapat nga sigurong umiwas na muna ko sa kanila dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko ngayon, para akong hangin na hindi nya nakikita. Damn it. "Naize." Napatingin ako sa taong tumawag sa akin. "Congrats." Sabi sakin ni Mien kaya naman tumango ako sa kanya.

"Congrats too." Sabi ko dito. "Sige maiwan ko na kayo nila Ven." Nasaan kaya sila Andrew bakit ang tagal naman yata nilang lumabas  sa---hindi ko naituloy ang iniisip ko dahil bigla na lang may yumakap sakin.

"Congrats Naize." Humiwalay ito sa pagkakayakap sakin at tinignan ako sa mata ko. "Hinintay ko na sila Jack at Juan..." Bago tumingin ito sa iba pa nyang mga tropa. "Worth it ang pagod, dahil alam kong nakapasa tayong lahat. Congrats sa inyo." Sabi nito at muling binaling ang tingin nya sa akin at may binulong ito. "I know you're not okay." Tumango na lang ako sa sinabi nito. "Guys we need to go. Bye." Sabi nito at umalis na kami sa kinalulugaran namin kanina.

"Hey, what's wrong." Sabi nito nung makasakay na kami sa kotse nya.

"W-wala naman gusto ko lang umuwi na." Sabi ko dito sabay tingin sa labas ng bintana. "Syanga pala bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend ulit Andrew?"

"Wala lang kasi kahit anong paramdam ko sa babaeng yun mukhang hindi naman nya ko napapansin dahil sa iba sya nakafocus." Sabi nito habang nakatitig sakin kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya. "Now tell me Naize what's your problem?" Alam kong nag-aalala ito dahil sa tono pa lang ng boses nya mahahalata mo na to.

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon