Daniel's POV
Nagring na ang bell sa school. Nag labasan na ang lahat sa hall. Nagtakbuhan ang lahat ng makita nila ang grupo ng mga siga, sina Yong JunHyung, Yoon DooJoon at Yang YoSeob. Natira ako dahil naiwan ko and isa kong libro sa locker ko. Tumigil sila sa harap ko.
"Sino ka naman?" sabi ng isang cute na lalaki na blonde and buhok. Sya si Yang YoSeob, kasama sya sa gruopo ng mga siga. Dahil sa cute nga sya, di mo aakalain na siga sya.
"A-ako?" nanginginig kong tanong nang bigla akong sinunggaban ng isang lalaki na kasama nila. Naka gell and buhok nito at naka eye-liner. Hinawakan ako nito sa kwelyo. Sya si Yong JunHyung, lider ng mga siga.
"Tumabi ka nga!" sigaw nya.
Napatingin kaming lahat nang may sumigaw.
"Bitawan nyo sya please" tumakbo sya palapit at hinihingal. "Jebal" sabi ulit nyang papaiyak na. Sya ang aking bestfriend, si YongSang.
Napansin ko na iba ang tingin ni YoSeob sa kanya. Binitiwan na ako ni JunHyung at nakahinga na ako ng malalim. Nilapitan naman nya si YongSang. Tiningnan ko kung ano ang gagawin nya sa bestfriend ko. Inambahan sya ni JunHyung nang pigilan sya ni YoSeob. Sumama ang tingin nya dito. May sasabihin pa sana si JunHyung nang may narinig sila na isa pang sigaw na ikinagulat nila.
"YongSang! Jamkanman!"
Nakita namin si HyoRim, ang isa pa naming cute na katropa.
"Aw!!"
Nadapa sya sa pagtakbo. Nakita ko si JunHyung na umakto na para nyang gustong tulungan si HyoRim pero di nya ito ginawa. Nasa likod ni HyoRim si GiKwang ang bestfriend nya, si DongWoonat HyunSeung.
"Bestfriend!" sigaw ni GiKwang at tinulungan nyang tumayo si HyoRim. Nagulat ang lahat nang makita sila JunHyung maliban kay HyoRim. Hindi nya kasi kilala ang tatlo dahil bago lang sya sa eskwelahan.
"Annyeong! Ako si HyoRim, Han HyoRim" pag papakilala nito nang makatayo. "Bago nyo ba silang kaibigan?" Masayang tanong nya sakin at kay YongSang. Nanatiling tahimik ang lahat at muli syang nagsalita. "Sama kayo samin? Pupunta kami sa HanWoon Stall" Excited na yaya nito. Hinila sya ni GiKwang nang makitang masama na ang tingin ni JunHyung kay HyoRim. Bumulong si GiKwang sa kanya, malakas ang pagkakabulong nito kaya narinig din ng lahat. "bestfriend, silang tatlo ang siga dito sa school. Sila ang kinatatakutan ng mga studyante dito at sila ang pinakamayaman at popular sa school." bulong ni GiKwang. Nagulat naman si HyoRim sa sinabi ng bestfriend at takot na tumingin kay JunHyung. Palapit na si JunHyung kay HyoRim. Ngumiti nalang si HyoRim. " Muka naman silang mabait eh" sabi nya. Nagtaka sila JunHyung at sila DooJoon. Natulala naman kaming lahat. Napakamot naman ng ulo si GiKwang sa kakulitan ng bestfriend.
"Wag na JunHyung! Tara na" sabi ng isang matangkad, tirik ang buhok at may singkit na matang lalaki. Tumingin si JunHyung sa kanilang dalawa ni YoSeob.
"Wag mo sayangin ang oras mo sa kanila" sabi ni YoSeob.
Sa huling pagkakataon, sinamaan kami ng tingin ni JunHyung pero halatang lumalambot ang muka nya pag kay HyoRim sya nakatingin. Habang naglalakad na sila palayo, nakita ko si YoSeob na lumingon at kay YongSang sya nakatingin. Napakunot ang noo ko dahil parang may gusto sya sa pinakamamahal kong bestfriend. Tumingin ako kay YongSang. Kausap nya si HyoRim at niyaya ko na silang pumunta sa room namin.