Christmases When You Were Mine

368 23 21
  • Dedicated kay everyone ♥
                                    


A/N: Merry Christmas to everyone! :-) This is my Christmas gift for you guys! Pinost ko na dahil baka ‘di ko na maasikaso sa mismong Pasko. Sana magustuhan niyo kahit…medyo malungkot ‘to. Play niyo po yung song ah? Mwa mwa! ♥
_____________________________________________________________


Chritmases When You Were Mine [One Shot]

Nakaupo lang ako sa labas ng bahay namin, pero rinig na rinig ko ang mga tawanan nila sa loob. Sina mama, papa, mga tito at tita ko kasama ang mga pinsan ko at mga boyfriend at girlfriend nila.

I smiled bitterly. 5 years.
You were here too. But this time’s different.

Mag-isa nalang ako ngayon.

Pasko ngayon and I should be happy, pero bakit parang ang hirap hirap? Gusto kong pilitin yung sarili kong maging okay…pero bakit ganito? Sobrang bigat sa pakiramdam. Parang ang laki laki ng kulang o sadyang nasanay lang talaga ako noon?

Mahirap talagang masanay sa bagay na pwedeng mawala dahil kapag nawala na…kailangan mo na namang masanay…na hindi na ‘to parte ng buhay mo.

“Anak, okay ka lang ba dito? Bakit hindi ka pumasok at makipagkwentuhan sa mga pinsan mo? Baka lamukin ka pa dito e.” biglang lumapit sa’kin si mama. I know she’s worried. Alam kong alam niyang hindi ako okay.

“Okay lang po ako ma. Dito nalang po muna ako…” sagot ko nalang sa kanya at nginitian ko siya. Tumango siya at hinalikan ako sa noo.

Pumasok na rin siya at hinayaan nalang muna niya ako.
Gusto ko rin munang mapag-isa. Ipinikit ko sandal yung mga mata ko. Nararamdaman ko na kasi e.

At tumulo na nga sila.


- - -

“Merry Christmas po” bati mo sa halos lahat ng mga kamag-anak ko. Dito kasi sa bahay ginagawa yung Christmas celebration every year e. Ito na rin ang pangatlong taon mong nakasama dito. Last year kasi, ako naman ang nasa inyo e.

 

“Merry Christmas din!!! Aynako, kumain muna kayong dalawa dun.” Pagyayaya ni mama satin at bumeso pa sa’yo. Napasimangot naman ako, dahil ako nga ni hindi bineso e… Mama talaga oh.


Dumiretso tayong dalawa sa may kitchen at pinakielaman natin yung mga pagkain. Para tayong nasa mall at nagfi-free taste. Sinubuan mo pa ako nung ham. “Ang sarap naman nito” sabi ko at binigyan din kita. Umupo lang tayong dalawa dun sa dalawang monoblock chairs.


“Isang plate nalang tayo” sabi mo sa’kin at ngumiti ka pa ng nakakaloko. Nag-thumbs up naman ako para sabihin na ring okay lang sa’kin. Ang dami dami mong nilagay na pagkain nun. “Oyyy sobrang dami naman niyan! Ang hina hina ko lang kayang kumain!” reklamo ko sa’yo.

 

Tinawanan mo lang ako kaya hinampas kita sa braso. “Naman kasi ‘to e!” reklamo ko pa rin. Nilingon mo na ako nun. Hinawi mo bigla yung bangs ko “Kailangan mo ‘to, sabi ko sa’yo diba wag kang nagda-diet? Hahaha joke lang. Dibali, ako ang uubos kapag ‘di mo na kaya” parang bulang nawala yung 1/4 kong inis sa’yo.

Christmases When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon