CHAPTER 9
Roselle’s POV
DALAWANG linggo na ang nakakaran ng umalis kami sa probinsya nila Rona. Kinabukasan pagtapos ng birthday ni Rona ay nauna ng umalis ang mga kabanda ni Xander. Uuwi pala ito sa kani-kanilang probinsya. Kami kasi nila ate Rm ay nag stay pa dun ng dalawang araw. Kasama din si Xander.
Enrollment namin kaya andito ako ngayon sa school. Tapos na akong mag pa enlist ng mga subjects ko. May mga major na ako ngayon. Graduating na din kasi kami. Isang trimester na lang ang bubunuin. Nakakatuwa kasi sabay sabay kaming gagraduate nila ate Rm at Rona. Ang alam ko kasabay din namin lahat ng member ng Blue Jeans.
Paglabas ko ng I.T building, bigla kong nakita si Kavs. May hawak syang pumpon ng rosas.
Napakunot noo ako. May bago na naman syang babae na pag aalayan nya nun? Napailing ako. Kelan kaya sya magbabago?
Naglakad na lang ako ng diretso. Mas okay na may bago na lang syang babae. Kesa ako yung kinukulit nya. Matatahimik pa buhay ko.
Pero sino naman kaya yung bago nya?
Teka? Ano bang pakialam ko?
Umiling iling ako ulit. Mukha akong tanga. Pati sarili ko kinakausap ko na. Pesteng Kavs kasi yan eh!
Hahanapin ko na nga lang si ate Rm. May gig kasi ang Blue Jeans mamaya sa Padis Point MOA. Pinapasama sya ni Virg sakin.
Hindi lang kasi sila sa school tumutugtog. Nag-gi-gig din sila sa labas. Marami ng record label ang nakapansin sa galing nila at nag alok ng kontrata. Pero sila na lang ang nakakalam kung bakit lahat yun eh tinanggihan nila.
“Ganda!” narinig kong sigaw ni Kavs. Mariing napapikit ako. Ayan na naman ang higad!
Naglakad ako ng mabilis at hindi sya nilingon.
Nakita ko si ate Rm.
"Ate!”sigaw ko kay ate Rm.
Huminto sya sa paglalakad at nilingon ko ako. "Bakit?"
“Nag-aaya si Rona, gig daw nila Xander sa Padis Moa mamaya. Tara, sama tayo!”
"Tinatamad ako."
"Ate naman eh!" hinila hila ko pa yung braso nya. "Wag kang KJ! Cool off naman na kayo ni Paul diba? Kaya okay lang."
"Hindi kami cool-off. Hindi lang kami nag-uusap."
"Ganun na din yun. Dun na din yun papunta, tapos break-up na susunod." tumataas taas pa yung kilay ko.
"Hindi naman masyadong halata na ayaw mo sa talaga sa kanya eh. Ano?"
"Hehe. Medyo lang? Pero sasama ka na ha? Nandun naman si Virg eh! Sige! See you! Magtatago muna ako sa higad!" at tumakbo ako palayo sa kanya.
Dumiretso ako sa library.
Pumunta ako sa mga bookshelf. Magbabasa na lang muna ako. Napagod ako sa pagtakbo eh.
Naghahanap ako ng pwedeng basahin. Dahan dahan akong naglalakad sa hilera ng bookshelf at nag s-scan ng libro.
“Hi ganda!” nagulat ako ng makita kong sumilip yung mukha ni Kavs sa katapat kong bookshelf.
“Peste ka! Bakit ka ba nang gugulat?” salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.
He smiled sheepily. “Sorry ganda.” Lumipat sya sa tabi ko. “Kanina pa kita tinatawag eh.”
“Ano bang kailangan mo?” masungit na tanong ko.
“Wala naman, ako ang may kailangang ibigay sayo.” Ngumiti sya ng matamis at inilabas sa likod nya yung bulaklak na nakita kong hawak nya kanina. Hindi ko napansin na itinatago pala nya sa likod nya. “For you.”
Kumunot noo ko. “Ano yan?”
“Bulaklak.” Nakangiting sabi nya.
“Wag kang pilosopo.”
Nagkamot sya ng ulo. “Ahm. pwede ba na binibigyan kita ng bulaklak dahil gusto ko lang?”
I crossed my arms. “Bakit mo gusto?”
Nagkibit balikat sya. “Wala lang?” patanong na sagot nya.
“Hindi magbibigay ng bulaklak ang lalaki dahil wala lang. Siguro tinanggihan ka ng una mong pinagbigyan nyan ano? Kaya sakin mo naman binibigay ngayon.”
Mukhang nainis sya sa huli kong sinabi. “Okay fine! Una sa lahat, para sayo talaga itong bulaklak. Pangalawa, wala akong ibang balak pagbigyan nito kung hindi ikaw lang. At pang huli, binibigyan kita ng bulaklak to ask you to out on a date.”
Teka? Date? Eh bakit sya nagagalit?
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...