Hopeless But Hoping Love Story

32 0 0
                                    

Simple Pero Rock..

Yung ang Description ko sa kanya. Sya kasi yung Tipo na Babae na Hindi na Kailangan ng Make Up para lumutang yung Ganda. Nga pala ako nga pala si Neo. Simpleng Torpeng Teenager. Sabihin na natin Sira Ulo ako, pero hindi naman ako Gangster Wannabies yung Pormang 187 Mobsta Blind Ryme etc in short Simple pero Rock.  Ang name pala ng Girl ay Chai (Actually Nickname). Nickname palang Papeng na. Sabihin na natin normal yung mag ka gusto sa isang Babae. Pero alam naman natin sa Panahon ngayon madalas na yun Break Up kasi nga nauso sa mga Kalahi kong Lalaki na mangolekta ng Babae na para bang Trophy. At aaminin ko Ginawa ko rin ang Bagay na yon. Pero dumating yung time na nalaglag yung puso ko. At nasabi ko na Sya na. Pero alam ko High Expectation Leads to Dissappointment, Pero wala eh. Hindi ko alam kung pano pero nag simula ang Lahat nung araw na yun....

Nakita ko yung tita ko na may Nilalarong Cute na Shih Tzu. Tapos Lumapit ako tinanong ko si tita "Ta, Bagong Aso nyo?" "Hindi, sa kanya yan nilalaro ko lang". Hindi ko alam pero kung Gano ka Cute yung Aso mas Cute pa Pala yung May-Ari. At yung sinasabi nilang Spark dun ko unang Naranasan. Yung tipong Bumagal yung takbo ng Oras nung nakakatitig ako sa kanya. Ang Famous Line na Love at First Sight. Di ko akalain na totoo pala yun.Hanggang sa namalayan ko na wala na pala sya sa Harapan ko. Nakakatawa at medyo Corny man, pero nasabi ko sa Sarili ko na sya na ang The One. Simula nun nag Start na ang Hopeless but Hoping na Love Story ko. Nung una Na iisip ko na Puppy Love pero habang Tumatagal na realize ko na Sya na nga. Nung una mga Da Moves pa yung Ginagawa ko halimbawa na lang yung aalamin ko kung san yung Bahay nya. Tapos Uutusan ko yung mga kaibigan ko na Tanungin yung Name nya. Nakakatawa dahil napagtripan nya pa ako nun. Kasi nung tinanong ng Kaibigan ko yun pangalan nya ang sabi nya "Kyle" daw. Tapos nung Second Try namin is  "Rose" naman. Tapos Akala ko Suplada sya kasi sa Tuwing Nakakasalubong ko sya Laging "Killer Eyes" yung inaabot ko. Walang Sinabi yung "Sharingan" at "Rinnegan" ni Madara kumpara dun kasi Napapayuko na lang ako. Pero ngayon alam ko na yung dahilan kasi nung mga time na yun malabo ang Mata nya. Tapos pinakaibigan ko yung kapatid nya sa mga Troops ko. Isa din sa mga Reason kung bakit ako nag kagusto ako sa kanya dahil nung nakita ko syang naka Reading Glass. Speechless, Cuteness Overload. Hanggang sa Gabi gabi Pumunta o kaya pinapa Check ko if may Tao or Tulog na Sya. Minsan nag pupuyat pa ako hanggat hindi ko sya nakitang Umuwi. Sa Madaling Salita, Daig ko pa ang Police, FBI o anumang Security Agency. Pag Umaalis naman sya Pinasundan ko pa sya sa Troops ko para ma Check if may Impaktong Mang Babastos sa Kanya. Tapos if Meron naku! Nasa Hitlist na kita. Then nung naging Close nya na yung isa kong Friends. Medyo nabawasan na yung Gap sa Pagitan namin. May mga Panahon na Hindi ko na Inaabot yung Killer Eye. Sabihin na natin na ang Pinaka Da Best na nangyari sakin nung mga Panahon na yun is nung Nasundo ko sya ng Isang Beses. Kasama ko nun yung Troops ko na Friend nya na din. Nakadistansya ako sa kanya 1 Meter Nakatingin lang. Ni Hindi ko nga magawang Tawagin ang Pangalan nya basta ako nakasunod lang. Hanggang sa namalayan ko na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. At dahil sa kanya nagkaroon ako ng hobby pag inaatake ako ng insomia ko. Sa kalaliman ng Gabi Nagsusulat ako ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Mga bagay na tungkol sa kanya, mga bagay na nais kong sabihin at ipaalam sa kanya. Kung mababasa nyo lang kung ano ang mga nakasulat sa notebook ko, Actually ang tawag ko dun is Notebook of Cornfield :P kasi puro pambobola at Kacornihan yung mga nakasulat dun. At pag wala naman akong magawa binabasa ko yung mga Sinulat ko maski ako nacocornihan at nababaduyan sa mga sinulat ko pero wala ehh. Naalala ko pa nung nag Ondoy na  putol pansamantala yung Nawasa. Tapos nakita ko sya na nag iigib ng Tubig edi tawag agad ako ng Troops ko para ipagigib sya. Ewan ko lang kung ganito din ba ang side effects sa mga lalaki pag nag kaka crush pero alam ko mostly sa Girls ganito sila. Overprotective, yung tipong pag may tumingin ng masama sa Crush nyo gusto nyong bugbugin yung taong yun dahil gusto nyo na sayo lang sya kahit di pa kayo. Tapos pag makakasalubong nyo sa napapayuko na lang kayo dahil talaga kayo makatingin sa kanya ng diretso tapos sabay lingon :). At kadalasan daig ang newscaster ng mga kaibigan mo dahil pagsinabi mo na may Crush ka Hala! halos buong Street nyo o Compound yung may Alam. Pero para sakin Positive Effect yun dahil dun wala masyadong nambabastos sa kanya. Tapos pag nakakakita ako ng maganda sa mall tapos napatingin ako. Kulang na lang Bugbugin ko yung sarili ko Dahil Kinokunsyensya ako. Hindi ka na rin pwedeng makipag Flirt dahil yun nga meron ka na ika nga ni Facebook  "My Status is Single but my Heart is Taken". Pero tinry ko din Supilin yung Feelings ko para sa kanya pero hindi ko talaga kaya. Let say tinry kong makipag Flirt pero wala talaga ehh pagnakita ko sya naku tigil agad. Tinry ko din kunin yung Cp number nya yun nakuha ko nga kaso kung ano anong kagaguhan kung ginawa ko pindadaanan ko sya ng GM ng kung ano ano para mag papansin pero itinigil ko rin kasi nga alam na. Medyo naging badshot ata ako sa kanya. Tapos nakuha ko na din sa wakas yun Facebook nya. Pero yun nga makulit talaga ako papansin ako ng papansin at alam ko na sumobra na ako dun sa limitations ko. Doom! Block! :/ Pero talagan pursigido talaga ang Mokong. New Tactic naman yung ginawa ko. Pinakaibigan ko sya sa Cousin kong Babae. At Nangyari nga Bumalik uli yung nawala saken. Nakuha ko yung Fb nya through sa Fb Account ng Cousin ko then yung CP Number nya. pero hindi ko na sya kinukulit kasi okay na ako dun sa pagiging updated kung ano yung nangyayari sa kanya. At dun ko rin nalaman na Study First muna sya. Hanggang sa ang Makapangyarihang Facebook na ang nangialam. October 22, 2013 (9:10 A.M - 1:28 P.M) Usual Day Open agad ng Facebook, ewan ko ba kung anong nangyayari nun sa Lovelife ng Bansang Pilipinas pero Halos ata ng page na nilike ko at Puro sa Lovelife ang Post ang Matindi pa puro sa Torpe. Hay naku Hanggang sa Napadpad ako sa Page ng PogiProblems. Imba yung advice ng Admins tsaka ng Likers. Lahat  yata ng Advice dun patama saken. Hanggang sa Naisip ko na magtapat na lang ng Feelings ko  sa kanya. Kaso may problema Pag sinabi ko yung Feelings ko sa kanya baka umiwas na sya saken the Worst is mawala sya saken. Salamat na lang sa Pinsan kong mabait Dahil sya yung nag Push saken na Gawin ko yun. Patatagan lang ng Mindset at 5 inch na kapal ng Muka Ok na. Dyahe lang kasi hindi personal yung pag coconfess ko. Through Facebook lang ng Pinsan ko. Eto nga pala yung message ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hopeless But Hoping Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon