You're the only one I can't let disappear
Bring me to the midst of summer
If we can embrace like on that day when we were in love.MATAMAN NIYANG TINITIGAN ang papalayong bulto ng kababata. Sa hindi niya mabilang na pagkakataon ay muli siyang naduwag. Naduwag sa nararamdaman niya para rito. Kahit na parang pinapaikot ng screw driver ang mga turnilyo sa puso niya ay pinigilan niyang mamuo ang luha sa kanyang mga mata. Wala siyang karapatang magreklamo, walang karapatang makaramdam dahil kasalanan niya. Kasalanan niya kung bakit tumatakbo ito sa piling ng iba at hindi sa mga bisig niya.
"Kami na! I just want to say that. Thank you for introducing me to her," maluwang na ngiti ang nakita niya sa mukha nito, kitang-kita ang kaligayahang alam niyang taliwas ang epekto sa kanya. Sa tuwa nito ay niyakap pa siya nito nang mahigpit.
She wanted the warmth of his embrace not to fade. Ngunit nang bumitaw ito sa kanya at dali-daling tumakbo sa kung saan naroon ang kasintahan nito ay ang unti-unting pagbalot ng malamig na hangin sa katawan niya. She felt empty and it chilled her down to her spine.
Just wishing for you not to go
Wishing for one more time
If it hurts this much...Sana hindi na lang. Sana iba na lang.
Pero mukhang mapaglaro nga ang tadhana dahil kung sino pa ang taong ayaw mong mahalin ay iyon pa ang ibinibigay sa'yo. Hindi sa ayaw niya ngunit ang ideya na magbabago ang lahat sa kanilang dalawa ang kinatatakutan niyang mangyari. Kilala niya ito, pipilitin nitong ibalik ang nararamdaman niya para rito kahit pa isakripisyo nito ang sariling nararamdaman. She knew that he only sees her as his little sister and that would never change. Kaya naisip niyang tama lang na ipakilala ito sa iba.
And she was never wrong. Alam niyang magmamahal ito ng iba at hindi siya iyon. Hindi siya ang makakapagpaligaya rito. Alam na alam niya dahil duwag siya.
I thought that our future would continue
On forever
Like the passing of a rain shower
The summer we spent together
Can no longer returnShe had to stop, she knew. Tumalikod na siya bago pa niya maisipang guluhin ang lahat. Kailangan na niyang lumayo roon, lumayo rito at sa mga nakapagpapaalala sa pinagsamahan nila. She needed to bury all those feelings and lock them up so that they won't overflow. She had to feel nothing.
You're the only one I can't let disappear
Bring me to the midst of summer
If we can smile like on that day
During that summerTumingala siya. Ilang araw na lang naman siya magtitiis. Mawawala na rin lahat ng sakit at pagdurusa niya kapag nangyari na ang panahong hinihintay niya.
Itinaas niya ang kamay, akmang inaabot ang langit.
Dadalhin na lang kita rito. Lahat, iipunin ko at iaakyat ko para wala nang matira. Wala nang bakas na maiiwan. Dadalhin ko lahat para walang makaalam.
Mas mabuti nang hindi nito makilala ang pagmamahal ng katulad niya...
A/N: Nag-i-emo ako habang nakikinig ng Koi Wo Shiranai Kimi E kaya heto ang kinalabasan. Actually, yung characters niyan, may plot na sa akin. Hehe. Hanapin niyo na lang kung nasaan siya.
Feel free to drop in comments! Babasahin ko, pramis. *winks*
YOU ARE READING
To You Who Doesn't Know Love
RomanceI thought that our future would continue on forever. Will this sorrow pass too? Like how the summer we spent together, Quietly announces its end... >/////< Copyright 2016 All Rights Reserved by Nikunikunikumanju A work of fiction created by a...