Mikayla's POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa radio station ng school namin para gawin yung dare na sinabi ni Licia sa amin.
Hindi ko alam kung bakit napapunta sa akin yung mahirap. Pwede namang kay Eleanor iyon pero ayoko nung dare niya, hindi ko kayang makasama si Alec. Baka masuka lang ako pag magkasama kami.
Nung nakapasok na ako sa loob nakita ko kaagad yung station manager o yung tagapamahala ng lahat dito sa radio station.
Paglingon niya sa gawi ko ay nanlaki ang mata niya sa gulat.
"Bawal po dito. This place is only for authorized personnel only." Sabi nito.
"May pinapaannounce ang president natin at sa akin iyon inutos." Napatango na lang ito.
"By the way ikuha mo nga ako ng maiinom, nauuhaw na kasi ako." At lumabas na siya ng tahimik. Bad trip siguro. Hehehe.
Umupo ako sa swivel chair at pinindot ang on switch. Tinap ko muna yung mic bago magsalita.
"Announcement. Mr. Alec Niro wherever you are I just want to say that, I love you so much. That's all thank you." Pagkatapos noon ay pinatay ko na at tumayo.
Nakakasuka talaga. Labag ito sa kalooban ko. Hindi ko aakalain na magagawa ko ito.
"I hate this." Sabi ko sabay nguso.
3rd Person's POV
Before the announcement...
Naglalakad si Shin papunta sa radio section at doon niya naabutan ang namamahala sa radio section.
"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Nagulat ang lalake dahil sa biglang pagsasalita ni Shin na kakadating pa lang.
"Yung pinsan niyo daw po may iaannounce kaya pinalabas niya ako." Nagulat naman si shin sa sinabi ng lalake.
'Hindi kaya ngayon magsisimula yung dare na sinasabi ni Licia? Ano kaya iyon?...' sa isip ni Shin.
Sa hindi kalayuan ay may isang lalake ang naglalakad papunta sa Radio Section at iyon ay si Alec Niro.
Malapit na makarating ng may nagannounce pero hindi nito narinig dahil nakaearphones siya.
" Announcement. Mr. Alec Niro wherever you are I just want to say that, I love you so much. That's all thank you."
Daredertso lang siya papuntang RS. Nakita niya roon si Shin at ang namamahala sa RS at pumasok si Shin sa loob.
'Anong meron? Bakit nandito si Shin?' sabi ni Alec sa isip niya.
Shin's POV
Pumasok ako sa loob dahil sa narinig ko. Nakita ko si Mikayla at mukhang paalis na kaso nakita niya ako.
"Shin anong ginawa mo dito?" Sabi ni Mikayla na nakataas ang kilay.
"Dapat sayo ko iyan tinatanong. Anong ginagawa mo dito at bakit mo iyon sinabi?" Tumingin ako sa mga mata ni Mikayla nakita kong nagtataka siya.
"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Don't act like you don't know anything Mikayla. If I were you I would stop what your doing now. It may get things worst." Tinap niya yung balikat ko at umiling.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Shin kaya aalis na ako ha? May gagawin pa ako. Bye." Sabi niya tapos umalis na ng RS.
Tss. Parang may masamang mangyayari ngayon. Sana alam mo ang ginagawa mo Mikayla.
BINABASA MO ANG
Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)
FanficIt's all about their dares that changed their lives forever.