SIMULA NGAYON...(ONE SHOT STORY)
BY:letrisk
"Lia!!"tawag ni Carlo sa dalagang nakatalikod mula sa kinatatayuan niya.Kasama ni Lia ang mga kaibigan sa cafeteria nila sa opisina.Liningon naman ni Lia si Carlo.Nakangiti ang binata sa kanya.Isang napaka gandang ngiti.Ang ngiting yun...ang ngiting minsan niyang kinahumalingan.
"Eeeeeek si Carlo Lia!!"Kinikilig na sabi ng kaibigan ni Lia na si Marie.College classmate niya ito at alam nito kung gaano naging kahumaling si Lia kay Carlo nung nasa Kolehiyo pa lamang sila.Take note nung High school hanggang College sila.
"Yes Carlo?"Parang mejo mataray na sagot ni Lia kay Carlo.Nilingon lamang niya ang binata..walang mababakas na emosyon mula sa kanya.Normal na mukha lang...hindi katulad nung nasa kolehiyo sila.Tignan pa nga lang siya ni Carlo ay halos himatayin siya sa kilig.Wala pang ngiting nangyayari noon.
"Ahh for you!"Nilabas ni Carlo ang isang boquet ng blue rose mula sa likod nito na kanina pa nakatago..parang natataranta pa ang binata ng kuhanin niya sa likod ang bulaklak.Nakangiti pa din ang binata kay Lia.Ibang iba ito kung tratuhin siya ngayon..hindi katulad noon na kala mo ay pinaglihi sa sama ng loob ang binata.Nagsalubong naman ang kilay ni Lia.Siguro kung noon siya binigyan ni Carlo ng paborito niyang rose ay pwede na siya mamatay that day.Pero iba na ngayon.Simula grumaduate si Lia ay pinangako niya sa sarili na hindi na muli niyang hahabulin si Carlo.Ang lalaking minahal niya simula 3rd year High School.Too bad for her hindi din ganun ang nararamdaman ng binata sakanya.Sa sobrang pagkagusto pa nga niya kay Carlo ay doon din siya nag-aral sa pinasukan nitong Unibersidad.Hindi naman nahirapan si Lia dahil likas din dito ang kasipagan at katalinuhan.Matalino din kasi si Carlo.
Pero pinili naman na ni Lia ang kursong gusto niya.Nag take siya ng HRM.At si Carlo naman ay Business Management ang kinuhang kurso.Mukhang tanga si Lia noon sa pagkagusto niya kay Carlo.Para na nga siyang stalker.Dahil alam niya ang lahat tungkol sa binata.Lagi din siyang buntot nito pag may pupuntahan itong party.Creepy oo pero talagang ang lakas lang ng tama niya kay Carlo.
Hindi din nawawalan si Lia ng pag-asa na one day magkagusto si Carlo sakanya.Kahit nag kaka-girlfriend ang binata nanalig padin si Lia.Not until one day.One day na akala niya sasaya siya.Pero mali dahil yung araw na yun ay ang araw na itinaga niya sa bato na tatanggalin na niya sa sistema si Carlo.Ang Carlo na minahal niya ng halos anim na taon.Ang lalaking pinagtuunan niya ng pansin kahit nagmumukha na siyang tanga.Hindi naman panget si Lia ...sa katunayan nga niyan ay madaming nagkakagusto at nanliligaw sa kanya.Pero lahat yun ay hindi niya man lang inentertain dahil kay Carlo.
*FLASHBACK(GRADUATION DAY)*
"CARLO!!"Sigaw ni Lia ng makita si Carlo papasok ng unibersidad nila.Nasa may gate kasi siya at inaantay ang binata.Graduation day kasi nila ngayon...Nilingon naman siya ni Carlo na kasama ang mga magulang niya.Napalingon din ang mga magulang ni Carlo sa sumigaw na si Lia.
"Girlfriend mo anak?"Tanong ng tatay ni Carlo sa anak.Tinignan lang ni Carlo ang ama atsaka nilingon ulit si Lia.Tumatakbo kasi ito papunta sakanila.Parang hindi na ito nahiya na kasama ni Carlo ang magulang nito.Ang magulang naman ni Lia ay nauna na sa loob.Nagpaiwan lang talaga siya dahil nga aantayin niya si Carlo kasi "magco-confess"na daw siya sa binata.As if namang hindi alam ni Carlo yung nararamdaman niya para dito..eh halos ata lahat ng tao sa unibersidad nila ay alam na patay na patay siya sa binata.Kaya imposibleng hindi malaman ni Carlo na gusto siya nito.
"What do you want Lia?"Biglang lumakas yung tibok ng puso ni Lia.'Kilala ako ni Carlo!Kilala niya ko!!!'Yun agad ang unang pumasok sa isip ni Lia.Never in her life that Carlo called her name.This is the first time.Kaya nga kala niya ay hindi siya kilala ng binata.Grabe kilig na kilig si Lia sa panahong ito.Buo na talaga ang graduation niya.'Siguro may lihim na pagtingin siya sa akin kaya kilala niya ako...eeeeek'isip ng malanding isip ni Lia.