Forever Yours (One Shot Story)

2 1 0
                                    

Nasa tambayan kami ngayon sa ilalim ng puno. Nang biglang may naisip akong itanong.

"Bhe paano kung mawala ako? What will you do?"

"Wala" sagot niya na nakapalungkot sa akin.

"A-Ah ganun ba?" Sino ba naman kasi ako para iyakan niya. Isang hamak na bestfriend lang naman ako.

"Ou. Wala akong gagawin dahil di ka naman mawawala at hindi ako papayag na mangyari yun" nakangiting tumingin siya sa akin.

Napangiti naman ako. Kung alam mo lang luke sa bawat ngiti mong yan mas lalo akong nahihirapang iwan ka dahil unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sayo.

Mahal na kita. Kung pwede lang na manatili pa sa mundong ito.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" Sabay pahid niya sa pisngi ko. Di ko na namalayan na napaluha na pala ako. Kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya.

"Luke m-may taning na ang bu-buhay ko" Di ko napigilan ang kanina pang pinipigilan kong luha at kusa na itong sunod sunod na tumulo.

"W-What? Wag ka ngang mag joke ng ganyan. Di kana nakakatawa yassi ha?!" Pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya at di sumagot. Kitang kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha na unti unting napalitan ng pagkaseryoso.

"S-Sabihin mong joke lang yun" hinawakan niya ang magkabila kong braso na nagpahagulgul sa akin.

"Totoo yun luke! May sakit ako" sigaw ko sa kanya na humihikbi. Unti-unti naman siyang namula at tumayo. Nanatili lang siyang nakatayo ng ilang minuto saka umalis ng walang sabi sabi.

Napahikbi nalang ako sa sakit. Ganun lang ba ako sa kanya? Napangiti nalang ako ng pakla. Wala lang talaga ako sa kanya ni wala nga siyang sinabi. Ni hindi ko nga makita na nag aalala siya. Fuck this one sided love!!. Aaargh!

Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng paglabo ng aking paningin. S-Sumasakit yung dibdib ko, n-nahihirapan na akong huminga.

Napahandusay ako sa lupa ng biglang may bumuhat sa akin. Di ko maaninag ang kanyang mukha dahil unti unti ko ng ipinikit ang aking mga mata. Mamatay na ba ako?

----
Napamulat ako dahil sa ingay. Bakit ba sila natataranta? Inilibot ko ang paningin ko kahit nanlalabo pa. Nasa hospital ba ako? Kahit nanlalabo pa nga mata ko ay may isang tao parin ang gustong makita nito pero di ko siya mahanap. Napaiyak na naman ako.

"Anak okay ka lang ba? Ha?" Nag aalalang tanong ni mommy. Alam ko namang nahihirapan din sila sa sitwasyon ko.

I have a heart disease. Sabi ng doctor ay isang buwan na lang ang itatagal ko sa mundong ito dahil sa hindi ito agad naagapan.

"Hey honey, you did it. We're so happy for you" nagtataka akong tumingin kay Dad.

"Ano pong ibig mong sabihin dad?" Hindi ko maintindihan.

Napatingin nalang ako kay mommy ng humikbi ito, ni hindi nga makatingin sa akin ng diritso si daddy.

"Ano po ba talaga ang nangyayari? At bakit nga ba ako nandito? " Takang tanong ko sa kanila. Ang gulo na ng isip ko.

"N-Nawalan ka ng malay nung dinala ka ni luke dito sa hospital. Ba-Basang basa kayo, lumala ang s-sakit mo dahil sa stress at frustration s-sabi ng doctor" Mom. b-binalikan niya pala ako ako n-nun?

"T-Tapos?" tanong ko sabay na pagtulo ng luha ko. Parang walang gustong magsalita sa kanila.

"Tapos?" Ulit ko

"P-pagkatapos nun, nabigyan kami ng pag-asa ng sabihin ng doctor na pwede ka pa palang mag Heart transplant. Ni hindi niya alam kong bakit sinabi ng doctor mo nuon na hindi na pwede" Dad stop for awhile at hinawakan ang kamay ko.

"Pero pag pasok mo sa kwartong yan" sabay turo niya sa operating room.

"Ay dalawa lang ang posibilidad na aasahan namin. K-kung succesful ang o-operation ay mabubuhay ka pero kung hindi ay ma-mamamatay ka. But we take the risk, we want you to live normally and kailangan mo ng magtransplant dahil lumala ka na. Lumaki na ang butas sa puso mo kaya nahihirapan ka ng huminga." Ga-Ganun na p-pala ako kalala? Napahikbi nalang ako. Kung nahihirapan siguro ako ay mas nahihirapan pa sila keysa sa akin.

"B-But we need donors" sambat ni mommy na maiyak iyak parin.

"Si-Sino ang " bigla akong kinabahan. I-Imposible namang mangyari ang iniisip k-ko.

"Na-nasaan si l-luke?" maiyak iyak kong tanong. tahimik lang silang umiiyak.

"Nasaan ang bestfriend ko?! Sa-sabihin niyong h-hindi siya" napahagulgul nalang ako ng may inaabot si mama na sulat sa akin.

Hi bhe,

Masaya akong dumating ka sa buhay ko. Hindi ko naisip na maging ganito tayo kalapit kasi nga palagi tayong nag aaway nung elementary pa tayo diba. Haha! I always love your smile, when you are staring at me i feel live i've seen an angel. Haha i felt like im in heaven bhe. Ikaw lang ang nakakapag ganito sa akin.

Pero biglang nagbago ang lahat when I accidentally saw a papers in your table at your house. I was curious about it so I, I open it and read it.

I was so shocked! I felt pain and it made me cry all night. I can't accept the fact that my bestfriend is dying. Alam mo ba parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita kita.

Nakaya mo pang magpretend na okay ka lang kahit nahihirapan ka na. Hindi ko sinabi sayo na alam ko na kasi parang di ako makapaniwala.

Kaya nung minsang nakita mo kong pumasok sa bar at nagpakalasing ay nagalit ka pa nga sa akin. Nagtanong ka pa nga kung anong nangyari sa akin.

Ang sabi ko pa nga nun ay nagpakalasing ako kasi binasted ako. Pero hindi totoo yun. Mas malala pa. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpapakalasing tuwing gabi kapag galing ako sa inyo dahil hindi ko matanggap. Nahihirapan akong mag adjust, ni hindi ko alam ang gagawin.

When that time came na nagtapat ka sa akin na may sakit ka parang gumuho ang mundo ko. Hindi ako handa na marinig yun galing sayo. Sobrang sakit na di ko maipaliwanag. Di ko alam kong anong gagawin ko nun di ko kayang makita kang umiiyak at nahihirapan kaya binalikan kita at nakita kitang nakahandusay. Sobra akong nag-alala pero nabigyan kami, ako ng pag-asa na pwede palang mag heart transplant.

Naaalala mo pa ba nung sabihin mong kung mawawala ka anong gagawin ko? Sabi ko nga wala akong gagawin kasi hindi ka mawawala at hindi ako papayag.
So I voluntered. I am willing to offer my heart to you kahit ikamatay ko pa wag ka lang mawala. Alam mo ba yang puso mo ngayon? Matagal ka ng mahal niyan. Tumitibok nalang ng mabilis kapag nasa malapit ka eh. Nagiging abnormal.

Sana ingatan mo yang puso ko, wag na wag mong sasaktan ha. Mahal na mahal kita. Paalam yassi.

Forever Yours,
LUKE HERNANDEZ

Hanggang matapos ako sa pagbasa ay humihikbi parin ako, napapahagulgul. hindi ko akalain na ganyan pala ako kamahal ng bestfriend ko.

Hidden Love (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon