Chapter 35

1.6K 33 0
                                    


Alexander pov!

Late ako ng one hour ngayon dahil hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip kung nakauwi ba siya ng ligtas kagabi dahil sa mga kagagawan ko. Kahit ganoon ako kay Lory may konsensiya pa rin naman ako yun nga lang hindi halata.

Nilampasan ko lang si Jenny na nakatutok sa laptop niya at dumiretso na sa mismong opisina ko pero hindi ko siya mahagilap.

"Aba namumuro na talaga. Kakaltasan ko ang sahod niya."

Nakita ko ang usb na binigay ko kagabi at mga print out sa table ko.

"Bakit ko nakita agad yun. Wala tuloy akong makuhang rason para tawagan siya. Ah basta."

Bumalik ako kay Jenny na agad namang nagtaas ng tingin.

"Bakit sir?"

"Bakit wala pa si Lory?"

"Kasi-..."

"Aba dinaig niya na ako sa pagiging late samantalang ako ang boss."

"Ano po-..."

"Yung mga pinapagawa ko sa kanya kagabi hindi ko nakita sa table ko. Kailangan ko yun."

"Teka lang-..."

"Call her right now and tell her taht I need her in my office."

"Sir kasi-..."

"Now!"

Kinuha niya kaagad ang telepono at dinaial ang numero ni Lory. Susunod din pala. Kanina niys pa pinuputol ang mga sinasabi ko.

Binigay niya sakin ang telepono at walang pakundangan kong sinabi ang gusto kong sabihin.

"Where on earth are you Lory? Your almost one hour late. May balak ka pa bang pumasok?"

"Ikaw yung boss ni Lory di ba?"
nailayo ko ang telepono ko sa may tainga ko dahil iba ang boses na narinig ko. Ang amo ng boses niya kaya nakakasiguro ako na hindi siya si Lory. Dinikit ko na lang ulit ang telepono sa tainga ko.

"Oo." malumanay kong sagot sa kanya.

"Mama niya to. Akala ko ba dayoff ni Lory ngayon? May kailangan ka ba sa kanya? Sasabihin ko na lang pagkagising na siya. We're here in the hospital."

"What happened to her? I mean Thank you for the details. May itatanong lang sana ako sa kanya pero ayos na po. Huwag niyo ng banggitin sa kanya ang tungkol dito. Pasensiya na rin kanina."
Hindi ko na hinintay kung ano ang magiging sagot niya dahil ayoko rin lang namang malaman baka madagdagan ang konsensiya na nararamdaman ko. Binaba ko na ang telepono at tiningnan ng masam si Jenny.

"Bakit hindi mo sinabi sakin kaagad na dayoff ngayon ni Lory?"

"Ilang ulit kong sinubukan pero hindi niyo ako pinagbibigyan na makapagsalita dahil palagi niyo na lang pinulutol ang mga sinasabi ko kanina."

"Sinasagot mo na ba ako?"

"Hindi po ikaw ang sinasagot ko sir. Yung tanong mo sir ang sinasagot ko."

"Labo mong kausap."

Tinalikuran ko siya at bumalik sa office ko. Mukhang maghapon akong magmumukmok ngayon......


*************

Lory pov!

Dahan.dahan kong minulat ang mata ko at wala akong ibang nakikita kundi kulay puti at ilaw na nasa kisame pati ang kumot na nakabalot sakin ay puti rin.

Napapikit ulit ako para makapagadjust ng konti ang mata ko sa linawag na nakikita ko.

"Lory? Honey she's awake." boses yun ni mommy. Naramdaman ko na may humawak sa braso kaya iminulat ko ulit ang mga mata ko at nasalubong ko ang mata ni mom na puno ng pag.aalala.

"Buti naman gising ka na Princess. Ano ba ang nangyari sayo kagabi?"

Si dad yun at nasa kabila ko naman siya kaya ipinilig ko naman ang ulo ko sa pwesto niya.

"Bakit Princess? May masakit ba sayo?"

"Bakit nandito ako?" malinaw sakin na nasa hospital ako dahil sa puting paligid at dextrose na nakakabit sa kaliwa kong kamay pero hindi ko maalala kung paano ako napunta dito.

"Wala ka bang matandaan?" umiling.iling na lang ako at dahan.dahang umupo sa kama. "Hindi rin namin alam kung ano ang nangyari sayo. Akala namin nakauwi ka na at nakalimutan mo lang kaming itext pero nakatanggap na lang ako ng message at sinabi na nandito ka raw sa hospital."

"Sino ang nagdala sakin dito?"

"Hindi na namin naabutan ng mommy mo. Kahit yung doctor at mga nurse na umasikaso sayo kagabi hindi rin nila nakilala ang nagdala sayo dito dahil tumanggi daw na magpakilala. Nadatnan na lang namin na may mga prutas at pagkain na dito kahit yung bill mo binayaran na rin niya."

Napaisip ako sa mga sinabi nila. Ang bait naman yata ng tao na nagdala sakin dito para gawin niya ang bagay na yun para sakin, para sa taong hindi niya kakilala o baka kakilala ko na ayaw lang magpakilala. Isang tao lang ang pwedeng gumawa yun si.... Mike. Imposible yun. Sinubukan kong maalala ang nangyari kagabi at ang huli kong natatandaan ay ng bumaba ako ng taxi sa lugar na dapat magkikita kami ni Mike at..... wala na akong ibang maalala pagkatapos nun.

"Princess ayos ka lang ba?"

"Opo."

"May natatandaan ka na ba?"

"Wala po. Gusto ko lang po sanang magpahinga ulit. Pasensiya na po."

"Ayos lang. Magpahinga ka na muna. Babalik na lang kami mamaya." tumango na lang ako at lumabas na siya. Hinintay kong maisara nila muna ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Hanggang kailan kaya ako magpapakatanga para sa kanya? Kahit harap.harapan niya na akong sinasaktan at pinapahiya bakit hindi pa rin ako natututo. Kahit hindi ko alam kung kailan umaasa ako na malalampasan ko rin ito kagaya ng gustong mangyari ng mga taong nakapaligid at nagmamahal sakin.


-------------------------

Please follow: MalditangBruha16. Thank you and please vote this story and leave your comment.

I would like to thank fattymeh for adding this story to her reading list. Thanks a lot....

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon