Alaala

55 3 0
                                    

Umupo ako sa harap niya at ibinigay ang isang bouquet ng pinaghalong white and red roses sa kanya at tinitigan siya.

" Happy 9th Anniversary of love, Vani. I miss you and I love you so much ", and I smiled at her. And start reminiscing our memories.

---

" Happy 4th Anniversary Tan-tan! ", she shouted and giggled, nagulat ako kung bakit andito siya sa basketball court. Tumakbo siya at yumakap sa akin at hinalikan ako sa labi. Alam kong alam niyang pupunta akong court ngayon para magpapawis kasi nagtanong siya sa akin, ang hindi ko inaasahan pupunta siya rito.

"Happy anniversary, love. Ang aga mo naman dito. Anong ginagawa mo?", I asked her.

" Tinatamad kasi ako sa bahay eh. Tsaka ayaw mo ba na nandito ako?",

" Syempre gusto ko, umupo ka muna doon sa bleachers at magbabasketball muna ako."

" Sali ako!",

"Okay", agad naman siyang sumunod sa akin at binigay ko sa kanya ang bola at nagsimula na kaming magbasketball. Marunong siyang magbasketball dahil tinuruan ko pero mabilis siya mapagod sa liit at payat ba naman niya.

Pagkatapos naming magbasketball dumiretso na kami sa may bahay at pinagpahinga ko na siya sa may sofa ako naman nagpalit na at pumuntang kusina.

Apat na taon na kaming magkasama at gusto ko na ring magpropose sa kanya mamaya.

Pinapanood ko siyang nagpapahinga sa sofa habang papunta ako sa kanya galing kusina dala ang tubig niya.

"Love, yung tubig mo.", abot ko at upo sa tabi niya. Ngumiti naman siya sa akin pagkakuha niya.

"Hatid na kita pauwi, hinatid ka lang ata ng kuya mo". She nodded at sumandal sa akin.

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon