Santilmo

417 5 1
                                    

Ang kwentong ito ay nagmula sa karanasan ng aking tiyo.

Isang hapon noon ay nagtungo ang tiyo ko sa bundok upang mag-ula ng kalabaw. Subalit pagdating niya sa lugar na pinag-iwanan niya sa kalabaw ay wala na ito sa pinagtalian niya. Hinanap niya ito sa mga katabing niyogan at kakahuyan ngunit wala siya nakitang kalabaw o bakas man lang nito.

Nag desisyon siya na umuwi na lang muna dahil madilim na at ipapagpabukas na lang niya ang paghahanap sa kanyang alagang hayop. Habang naglalakad siya sa kakahuyan ay nakita niya na may makakasalubong siya na may dalang sulo. Dahil gabi na noon at tanging munting sinag na lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran ay hindi niya makita kung sino ang may hawak ng sulo. Habang papalapit siya sa naglalagablab na sulo ay napansin niya na wala naman tao na naghahawak dito. Napahinto siya at pinagmasdan ang nakalutang na bolang apoy na di kalayuan sa pwesto niya.

Nanindig ang balahibo niya dahil sa takot. Naalala niya ang mga kwento-kwento na may nagpapakitang santilmo sa lugar na iyon. Nagkubli lang siya sa mga halaman habang minamasdan ang bolang apoy na paikot-ikot sa daraanan niya. Makalipas ang ilang minuto ay tumaas ang apoy na parang umaakyat sa isang mataas na puno ng mangga. Habang nasa itaas ng puno ang bulang apoy ay kumaripas na ng takbo ang tiyo ko. Hindi na raw niya pinansin ang kanyang dinadaanan, basta ang nasa isip niya ay ang makalayo sa lugay na iyon.

Nang makalayo sa siya sa lugar na may naglalagablab na bulang apoy ay nilingon niya dinaanan niya habang tumatakbo parin. Napansin niya na may lumabas sa likuran niya na isang hindi niya nalaman kung ano, basta ang nakita niya ay may malaki itong sungay. At dahil sa dobleng takot na naramdaman niya ay parang dalwang hakbang lang ay narating na niya ang bahay namin.

Pagdating sa bahay ay halos maghabol ng hininga ang tiyo ko. Kinausap niya ang ama ko at nag kwento ng nangyari sa kanya. Mabilis na kinuha ng ama ko ang flashlight namin at itak niya sa kusina, at lumabas ng bahay kasama ang tiyo ko.

Habang naglalakad daw sila sa daan patungo sa pinanggalingan ng tiyo ko ay nakasalubong nila ang nawawalang kalabaw. Ito marahil ang nakita ng tiyo ko na may malaking sungay na lumabas sa likuran niya habang tumatakbo. Nahimasmasan din ang tiyo ko ay nagtawanan na lang silang magkapatid sa daan. Itinali muna nila ang kalabaw sa isang puno malapit sa daanan at iniwan muna nila.Tutunguhin naman nila ang malaking puno ng mangga kung saan nakita ng tiyo ko ang bulang apoy. 

Malayo pa lang sila sa puno ay nakita na ng ama ko na may liwanag nga ng apoy sa itaas ng puno. Ngunit ng papalapit na silang dalwa ay unti-unti itong natunaw at naglaho na lang. Wala ni ano mang bakas na abo o nasunog man lang sa lugar.

Ang paliwanag ng matatanda sa aming lugar, ang bolang apoy daw na iyon ay santilmo. Ito daw ay isang ispirito na tagapagbantay ng mahalagang bagay. Maaari raw na may binabantayan ang santilmo sa lugar kung saan ito nakita ng tiyo ko.

Wala pang isang buwan ay binakuran na ang lugar kung saan nangyari ang pagpapakita ng bolang apoy. Pinalagyan daw ng may-ari ng bakod at mga karatula na "bawal pumasok" ang kanyang lupain para hindi na pasukin ng ibang tao at pagtalian ng mga kalabaw ang mga puno doon.

Makalipas ang ilang buwan at sinubukan ng tiyo ko na puntahan ang puno ng mangga kung saan niya nakita ang santilmo. Sinoot niya ang alambre na siyang ginawang bakod sa lugar na iyon. Pagdating niya sa pupuntahan niya ay isang tuyo at nakatumbang puno ang nakita niya. Pinatumba na pala ang matanda at malaking puno doon ng may ari. At ang nakakapagtaka ay bakit kahit ang mismong pinag-ugatan ng puno ay ipinahukay din. Isang malawak na lampas tao na hukay na lang ang naiwan doon sa dating kinatatayuan ng malaking puno ng mangga.At ang balita namin ay nangibang bansa na daw ang may ari ng lupain kasama ang buong pamilya nito.

"Bakit kaya ipinahukay ang puno ng mangga?" Ang tanong na lang sa isip ko na hindi ko masagot-sagot hangang ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SantilmoWhere stories live. Discover now