Mike Kevin's POV
Ako nga pala si Mike Kasmiro Navarro, isang Jeje sa kalye, Joke!! Isa lang akong lalaking nangangarap na maging kami ni Casimirah-- ang pinakasikat at pinakamagandang babae dito. Eh nagmumukha nga akong tanga eh? Asa naman ako. Ang dami-daming nagkakandarapa kay Princess Casimirah tapos ako grabe mangarap? May sapak ka na talaga, Mike Kevin.
"Tol," narinig kong sabi ni Bulbasur. Joke! Sya si Joshua- ang bestfriend kuno ko.
"Bakit?" sabi ko.
"Tumutulo laway mo. " sabi niya at agad kong hinawakan ang labi ko. Meron nga!
"Ah. Hehehhehe" sabi ko.
"Tol, punta muna ako kela Aling Bebang. Bili lang ako Pepsi." sabi nya at tumango ako. May nakita akong naglalako ng posters kaya umalis agad ako sa upuan ko tsaka lumapit kay manong.
"Manong, may poster kayo ni Pri-" nahinto ako dahil may nilabas agad si Manong na poster.
"Sa iyo nayang poster ni Princess Casimirah. Walang bumibile nan. Sayo na. Kthnxbye." narinig kong sinabi ni manong . Tumango ako at umalis. Nalimutan kong mag-thank you kaya lumapit ako.
Papalapit na sana ako kaso nawala si Manong.
Binuksan ko yung poster at nakita ko ang nagniningning na mukha ni Princess kaya napangiti naman ako. Inayos ko yung mga lukot-lukot ng poster at nakita kong maayos na. Bumalik ako sa kinauupuan ko at nakita ko si Bulbasur.
"Tol, anong nangyare sayo?" tanong niya. Huh? Bakit? May nangyari ba saakin?
"Bakit? Anya--" narinig ko si Beatrice, ung girlfriend ng kapatid ni Bulbasu. "Hala!!! Anyare sayo, Mike Kevin?" takang takang tanong nya.
"Ano bang nangyare? Di ko alam!" sigaw ko.
"Yung mukha mo! Gumawapo ka!!" savi ni Bulbasur. =.=
"Tol, matagal na akong gwapo." walang reaksyong sabi ko.
"Hindi! Iba eh! Teka" sabi naman ni Beatrice. Kumuha sya ng salamin at inabot sa akin.
Napausod yung ngipen ko nung nakita ko yung sarile ko na parang prinsipe.
BINABASA MO ANG
Mirrors
Teen Fiction"Dati ko pa siya gusto. Hindi ko lang alam kung bakit." Ito ang kwento ng isang mala Prinsesang babae at tatanga-tangang lalaki. Malaki ang pinagkaiba nila. Si Girl, nagmumukhang prinse-- este prinsesa pala. Si Boy, akala mo jejemon sa kalye na paka...