Cute
Kate.
Nag karoon kami ng self study tungkol sa biology bago kami nag self-research. Ilang oras din kaming nag basa at review kaya inabot kami ng tanghali.
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya habang nakahiga sa kaniyang kama at nag babasa ng libro.
"Slight" Matapos kong sumagot ay agad siyang tumayo at nag lakad patungong pinto.
"Sumunod ka sakin, let's take our lunch"Agad naman akong tumayo saka sumunod kay Majimbo na walang ganang bumaba ng hagdan.
Ilang lakad pa ang ginawa namin bago makarating sa kanilang dining room. Nagulat ako sa sobrang dami ng nakahain sa hapag.
Iba't-ibang putahe ang nakita ko roon, may foreign dishes at meron din namang filipino dishes.
Nag lakad si Majimbo sa dulo ng 18-seater nilang hapag kainan, agad siyang umupo sa dulo. Tinapik niya ang upuan sa gilid nito na para bang nag sasabing doon ako umupo kaya agad akong sumunod.
"Happy Birthday" Nasabi ko nalang nang makaupo na sa tabi niya, agad namang kumunot ang noo niya sakin.
"What?"
"Bingi ka ba? Sabi ko Happy Birthday" Mas lalong kumunot ang kaniyang noo na para bang naguguluhan sa mga pinagsasabi ko.
Hindi naman siya hapon, ba't hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko?
"What the fuck?" Mura niya kaya agad ko siyang inirapan.
Imbis na mag-thankyou, minura pa ako!
"Wow. Welcome ha?" Sarkastiko kong sabi saka nag umpisang kumuha ng kanin at nilagay iyon sa aking pinggan.
"What the hell are you saying Berry?" Seryoso niyang tanong.
"Alam mo paulit-ulit ka din eh no?...." Kumuha ako ng kaldereta saka nilagyan ang pinggan ko. "Sabi ko Happy Birthday, hindi mo ba naiintindihan yon?"
"Why?" Tanong niya.
"Anong why?"
"Why, Happy Birthday?" Lumapit sakaniya ang isang katulong at nilagyan ang kaniyang baso ng juice, ganon din ang ginawa niya saakin.
"Gago. Anong ineexpect mo na sabihin ko sayo? Merry Christmas? Siyempre dahil birthday mo kaya nag greet ako! Tapos minura mo pa ako, langya" Sumubo ako ng kanin ng bigla siyang nag salita.
"It's not my Birthday, why bother to greet me? And can you please stop cursing?" Kumunot ang noo ko. Hindi niya birthday? Eh bat ang daming handa? At bakit ako titigil sa pagmura? Minura nga niya ako kanina e!
"Why?" Pag gaya ko sa tanong niya. I can see the pissed emotion in his eyes.
"What why?"
"Why should I stop cursing?" Tanong ko.
"Because...." Parang naalinlangan pa siyang ipag patuloy ang kaniyang sinasabi.
"Because?..."
"Because I dont want to hear you curse" Sabi niya pa ng hindi makatingin sakin.
"Why?"
"Fuck. Stop asking and eat your food" Utos niya na parang gulong-gulo sa lahat ng mga sinabi.
"Stop cursing" Iyon na lang ang huling nasabi ko bago kami pinagitnaan ng katahimikan.
Nauna siyang natapos kumain kaya nauna rin siya sa taas, sinabi niya pang bilisan ko daw kumain at sumunod sakaniya.
YOU ARE READING
THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIES
De TodoSiya si Maxwell Seik, ang uniko-hijong anak ng mga Stanford na may ari ng pinaka malaking paaralan sa Luzon, Ang Stanford High. Mayaman at gwapo si Seik kaya habulin sya nang mga babae. Si Seik ang tinaguriang Casanova King sa Stanford High ngunit...