Yong-aking Pangarap

20 1 0
                                    

"WHAAAA MOMMY PBB NAAA!!" ani ko habang nagmamadaling pumunta sa Sala upang manood ng TV.

PBB na, excited na akong makita sya muli.
magkahalong kilig at galak ang nararamdaman ko, hindi naman ako talaga mahilig manood ng TV.
puro drawing at Computer games lamang ang nasa-isip ko, pero nong nakita kong tumatawa sila Mommy sa Sala dahil sa pinapanood nila, nakinood nalang ako.
pero hindi ko inaasahang makakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam habang pinapanood sya. tila biglang bumilis ang pintig ng puso ko, dahil sa kwela niya, sa ngiti nya at sa pagsasalita nya.

napangiti ako.

"Go Yong!" ani ko habang nanunood ng TV habang yakap-yakap ang unan ko.

napapa-iling-iling lang si Mommy saakin.
"Super Fan girl talaga tong Arianne ko." ani ni Mommy.

pero di ko pinansin ang sinabi ni Mommy, nakatitig lang ako sa screen ng TV namin at pinapanood ang kakwelahan ni Yong, hindi ako makapaniwala na nagagawa ko itong mga bagay na ito.

ngayun lang ako nakaramdam ng kilig, makaramdam ng mabilis ng pagtibok ng puso.
"Yong, bakit ikaw? bat ang puso ko nagkakaganto dahil lang sayo." sa isip-isip ko.

isa lang naman akong simpleng studyante.
ako si Arianne 16 y/o . hindi kagandahan bawi nalang sa ugali.

Honor student nong Grade-6, pero nang nagHighSchool na, nagsimula na akong maging adik sa paglalaro ng Computer games, Dota 2, LOL, Audi, at kung ano-ano pa. halos nawala na yung gana ko sa pag-aaral, pero never kong inisip na magkaroon ng Crush o di kaya Boyfriend.

abnormal na kung iisipin nila pero wala talaga.
kaya sabi ni Mommy himala nalang talagang nagkaroon ako ng pagtingin sa isang Yong.

bakit sa dami ng Artista na napapanood ko si Yong padaw na bago lang lumabas sa TV dahil sa PBB sya pa yung nagustuhan ko, anjan naman yung ibang sikat na artista katulad ni James Reid, Daniel Padilla, Zeus Collin, at kung sino-sinong sikat na artista.

napaisip nga din ako,
bakit kaya?

pero mas pinanindigan ko ang nararamdaman ko kay Yong.
basta bahala na si Batman sa manyayari.

"ano bayan commercial nanaman." ani ko napanguso nalang sa inis.

ang Cute-cute ni Yong nung nagcostume sa ng Mr.PPAP~

nakakatuwa sya also nakakakilig padin hihi.
hindi ko pinalagpas ang oras, kumuha ako ng Papel at lapis.
nagsimula akong iguhit ang mukha ni Yong, ito naman ang talent ko magDrawing.

*guhit*

*bura*

*guhit*

*guhit*

*bura*

*bura*

napangiti ako sa kinalabasan ng Drawing ko.

simpleng Sketch lang ito ni Yong pero sumaya na din ang araw ko.

agad ko itong dinikit sa dingding ng kwarto ko.
puro lang sketch ni Yong ang nandito.
napahiga ako sa kama ko.

"Arianne ano ba itong pinang-gagawa mo sa buhay mo? di kanaman ganyan dati ahh." napa-iling-iling ako habang kinakausap angsarili ko.

"Arianne ano ba? nababaliw kana ba talaga?" ani kung muli at humarap sa salamin.

pinagmamasdan ang Mukha ko.
"Maganda ba ako?" tanong ko sa sarili ko.
Medyo makapal ang kilay ko, singkit ang mata, medyo matangos ang ilong, hindi malaki ang labi , maikli na kulay copper brown ang buhok at morena.
iyan ako , pero feeling ko ang pangit-pangit ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yong-aking PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon