"Who are you?" he asked.
"I- I am Dr. Lianna F-Franco, Mr. P-president." kanda utal-utal niyang sagot.
Hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil nasa harapan niya ang taong bubuo sa pagkatao niya. Ang taong matagal na niyang nais makilala.
She saw something in his eyes. Kung paano kumunot ang noo niya sa pagtataka. O dahil may naalala siya? Hindi niya alam kung ano ang nasa utak ng kausap.
"Paging doctor Franco of Pediatric Department. Doctor Franco of Pediatric Department. Code Blue at Room 563."
Sabay na napatingin ang dalawa sa speaker na paulit-ulit tinatawag ang doktor.
Kahit labag sa kalooban ng doktor na umalis at lisanin ang kausap ay hindi maaari. Tawag ng trabaho. Kaya naman.
"Mr. President, if you don't mind. I have to go." Magalang na paalam niya sa kausap na ngayon ay patuloy sa pag-iisip dahil napakapamilyar ng taong kakalisanan lamang. Hindi niya maalala, pero alam niyang minsan ay nagkita na sila.
"Franco." hindi napigilang maibulalas sa kanyang bibig ang pangalan ng doktor.
"Lianna Franco." ulit pa niya sa buong pangalan nito.
"Hey Dad!"
Hindi niya namalayan na dumating na pala ang kanyang anak na lalaki. Tinitigan niya lamang ito at umayos siya ng pagkaka-upo.
"Why so serious dad? Don't tell me may bumabagabag na naman sa'yo na illegitimate child mo?" pangaalaska ng anak na lalake sa tatay nito.
Tinapunan naman niya ng isang tingin ang anak na tawa ng tawa habang umiiling.
Totoo naman kasi na ang dami-dami ng nagpapakilala sa kanya na anak niya daw nung pagkabinata. Ganoon pala kapag palikero noon. Pero in the end hindi naman pala totoo base sa DNA tests. Kaya ayaw na rin niyang maniwala.
"Stop it Marco. Even that happens again, I will not entertain them. I had enough. They were just after my money, telling that they are mine. What is more important ay kayong tatlo nila Sean, Anna at ang Mommy niyo." Seryoso niyang sabi sa anak ngunit may bumabagabag pa rin dahil sa kanyang kausap na doktor.
Lumapit si Marco at umakbay sa tatay nito.
"Thank you dad for loving us. Kahit may dumating man, who knows kung meron, we will accept him or her. Malalaki naman na kami and we understand. Si Mommy na lang talaga, but Mom has a good heart. She'll understand." may panguunawang nakatingin ang anak na si Marco sa kanya.
He was blessed with a family. Loving ang Supporting him.
"Thanks son!" he patted his son's shoulder and stood up.
»»»»»»»««««««««
This is a family and a bit love story for our bida Lianna. Wala lang. Feeling ko lang magsulat about family issues and all. hehe..
Sana magustuhan niyo.
-A-