GAB

6 0 1
                                    

AN:
My very first one shot story. It's a nonsense story, but please do support this one. Hahaha kahit may makita lang akong nagread it would make me so much happy. Enjoy.
                      Bakit Ba ?
                  written by chillyredcool

Pauwi na ako ng bahay ng may makita akong lalaking nagsu-swing sa playground ng subdivision namin, naka uniform siya ng kagaya saakin at masasabi kong 1st yr din siya katulad ko dahil sa suot niyang necktie na parehas ng kulay ng sa akin.

Nakatingin lang siya sa lupa at ako naman ay sakaniya, huminto ako maglakad dahil hindi ko maaninag ang muka niya, medyo madilim na kasi, ilang segundo pa napansin niya ata  akong nakatayo lang, malayo naman ako sa kaniya, tumingin siya sakin pero umiwas na din ako ng tingin. nakakahiya, masyado na ata napatagal ang pagtayo ko, agad naman akong naglakad dahil sa hiyang naramdaman ko.

Natanaw ko na yung gate namin pero bigla nalang sumagi sa isip ko yung lalaki, saglit ko lang nakita yung muka niya, hindi ko siya kilala pero parehas kami ng school. Di ko naman maiwasan isipin yung kabuuan ng muka niya may bangs siya ng katulad sa mga korean, singkit din ang mata niya, mapula din yung labi niya atsaka matangos din yung ilong niya.

Luh Gab, ano nakabisado mo na muka niya landi mo talaga tumigil ka nga. Inalog ko nalang yung ulo ko bago pumasok ng gate.

Pagdating ko ng bahay naamoy ko luto ni Mama Chicken Curry!, Binaba ko yung bag ko sa sofa atsaka tumakbo sa kusina.

"Maaaaa" .. Tumingin siya sakin at binitawan ang lalagyan na hawak niya nag mano ako ng makalapit ako sakaniya hinalikan ko din siya sa pingi.

Naabutang ko siyang naglalagay ng ulam sa lalagyan na hawak niya. Bago ko tanungin kung saan niya dadalhin yung ulam na nilagay niya ay naunahan niya na ako.

"Sakto Gab nanjan ka na, maabot mo nga tong ulam sa bagong kapitbahay natin." Walang oras nasagot agad ang itatanong ko palang.

Katulad ng ibang kabataan tamad din ako, likas akong tamad nag dadabog ako pag inuutusan ako, kaya napasimagot ako ng marinig iyon.

"Ayaw ko ma ikaw nalang ".Sabi ko kay mama at tumaas naman ang kilay niya.

"Magbihis kana isa." Hinawakan niya yung isang sandok akmang papaluin ako.

Nag-irap ako ng makatalikod sakaniya anong laban ko dun huhu. dabog akong naglakad buti na nga lang di niya binato sakin yung sandok na hawak niya kasi ang bigat at ang ingay ko maglakad.

Pagkabihis ko agad akong bumaba dahil ibibigay ko na yung ulam sa bagong kapitbahay na sinasabi ni mama. Pagkatapos nun Manunuod na din ako ng anime na ngayon ang update!.

Pagkakuha ko ng lalagyan tinanong ko kay mama kung saan banda yung bagong lipat. Ang sabi niya sa kulay blue na gate. ah yung malipat sa playground. Pagkasabi niya non lumakad na ako, malapit lang naman yun kaya di ako mapapagod, habang naglalakad ako iniisip ko kung ano kayang scene ang mangyayari mamaya sa haikyuu ! Excited na ako makauwi kaya pagkakita ko ng gate na sinasabi ni mama ay nag kalampag na ako may lumabas na mid 30's na babae sa pinto pinagbuksan niya naman ko saka ngumiti. 

"Hello po Goodevening po, ako po si Gab pinabibigay po ito ni mama Welcome po sa VillaStateSubdivision." sabi ko habang naka ngiti gusto ko ng kunin niya yung hawak ko kasi gusto ko ng manuod.

Bakit Ba ? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon