CHAPTER 10: HALLOWEEN DATE

979 22 4
                                    

Problemado ako ngayon kung ano ang susuotin ko! Relax Trixie, this is not a date. Wala lang iyon. Oo nga, bakit ba ako nagpapanic at parang problemado?


Isa-isa kong inilatag sa kama ang lahat ng mga napupusuan kong damit sa walk-in closet.


"Trixie, dalian mo diyan! Nandito na si Jizhin." Sigaw ni Dylan sa baba. Kailangan kong magmadali, Im sure may gagawin iyong masama kay Jizhin. Naku.



Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala pagkatapos makabihis. Tama nga ang hinala ko. Naabutan kong si Dylan na sinusuri si Jizhin na ngayon ay hindi komportableng umupo sa couch.



Nagfake cough ako.



"Dylan. Ano pa ba ang ginagawa mo dito? Pumunta ka nga sa Dmondie mo. Tss." Sambit ko pa at mas lumapit sakanila. Napatayo agad si Jizhin nang makita niya ako.



"Aray, sis. Itatakwil mo na ako? Ang harsh mo naman sa kuya mo, sissy." Inikotan ko siya ng mata. Ang oa niya, may pa hawak-hawak pa sa puso siyang nalalaman.



Pero kahit ang oa niya, mahal ko pa rin siya. Itinuring ko siyang nakakatandang kapatid kahit na hindi ko siya tinatawag na kuya. Wala naman akong karapatang tawagin siyang kuya dahil hindi niya ako kapatid. Ampon lang ako.



Nakita nila ako labas ng kanilang bahay, sanggol pa lamang ako noon. Umiiyak at basang-basa sa ulan. Yes. Ang saklap talaga dahil itinakwil ako ng sariling magulang. Iniwan pang basang-basa, at walang kamuwang-muwang.



Buti na lang mabait sina Mommy at Daddy, na siyang nagampon saakin. Ramdam ko ang kanilang pagmamahal kahit hindi nila tunay na anak. Tinuring nila akong totoong anak. Minsan napapaisip ako na may magandang naidulot pala ang pagiwan ng sariling magulang ko.



"Trixie?! Halika ka na?" Nagising ako sa kasulukuyan at napatingin kay Jizhin. Tumango ako at ngumiti.



Nilingon ko ang gawi ni Dylan at nakita ko siyang prenteng nakaupo sa couch. E? Medyo natagalan ata ang paglalakbay ko sa isip?



"Dylan, kaw muna bahala dito. Kung maisipan mong umalis dito, pakilock na lang. Thank you at good bye." Huling bilin ko saka walang pasabing isinara ang pinto at umalis.



"Anong ginawa sayo ni Dylan? Tinakot ka ba niya o may ginawang hindi maganda?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang school cafeteria. Wala naman kaming ibang mapupuntahan pagdating sa pagkain.



"Relax. Hahaha walang ginawang masamang Kuya mo saakin. Bukod lang sa..."



"Bukod lang sa ano?"



"Secret. Saamin lang yun." Aniya. Ay bwisit naman, ano kaya iyon? What the heck, hindi ako makakampante sa secret na yan.



"Aish. Sabihin mo na lang. Ano ba kasi iyon?" Pamimilit ko sakanya.



"Secret nga diba." Sambit niya. Itinikom ko na lang ang bibig. Baka maingayan na siya saakin. Iba pa naman iyong bunganga ko.



Hindi ko maiwasan mailang sa mga tingin ng mga estudyante dito habang dumadaan kami sa hallway pero may kung ano na hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Feeling ko may nagmamasid saamin.



"Okay ka lang ba?" Tanong ni Jizhin. Umiling ako sakanya. Totoo naman.



Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Parang magjowa na naghahawak kamay habang naglalakad. Yuck. Kadiri naman ang iniisip ko. Magjowa talaga?



The Last Nerd StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon